Friday, March 12, 2004

hindi ako ang may sala, huhuhu

Dear Mouse, Sinisi si Fernando Poe, Jr. sa pagtaas ng peysos, ngayon ay sinisisi siya sa pagkaba ng dibdib ng mga pinansiyal institusyons dahil sa paggamit ng salitang restructuring. Mga ekonomik at pinansiyal jargons ng mga ordinaryong tao ay di makakaintindi. Kaya dapat mag-ingat siya sa paggamit ng mga salitang hindi niya naiintindihan dahil baka pag gumamit siya ng mga legal na pananalita ay maisisi sa kaniya ang pagpatay kay Rizal. hehehe Ang huhuhu ni Erap ay hindi kapanipaniwala. Mga tapat na alagad na lang niya ang maniniwala na ang mga luhang yon ay hindi luha ng buwaya (crododile tears). Ang actor ay actor. Kung minsan di nila alam kung kailan sila umaakting at kailan sila seryoso. Gusto ko na sanang maniwala na nasa panganib ang kaniyang buhay pag hindi siya madala sa Estet para maoperahan kahit na maraming doktor ang nagsasabi na puwede nang operahin sa Pinas ang kaniyang tuhod. Nang pinayagan na siyang makalabas, ay siya naman ang tumatanggi. Nakakapamasyal pa siya sa labas ng bilangguan. Naisip niya na mas magaling kung nandito siya at nakaantabay sa kaniyang manok na si Fernando Poe, Jr. Sino man ang nagsasabing siya ay maka Diyos na ngayon ay may muta sa taynga. Lumang istorya na yang pagbabalik. SI Enrile raw ay nabalitang naging born again(hindi ko alam, hindi ko naman nakita) nang siya ay tumatakbo sa puwestong hindi ko rin alam. Alam ko si Fernando Poe ay di pa lubusang nadecklarang natural born at si Eddie Villanueva ay reborn, ang iba naman ay born against. hehehe The CA t

0 Comments:

Post a Comment

<< Home