Wednesday, March 31, 2004

Bored na bored

Dear Mouse, Pag pinaulit pa akong magreview, ayoko na. Ang hirap makinig sa mga reviewer na kinakausap ang blackboard. Lagi akong huli, dahil galing pa ako sa opit. Yong permanente kong katabi ay full time siya kaya ang ayos ng kaniyang review materials. Kulang na lang na colored papers and dividers niya sa kaniyang binder. Umaalingasaw pa siya sa pabango.Pantay na pantay ang kaniyang make up. Yong nasa kabilang upuan naman ay parang sinabunutan ng pitong bakla. Nakasimangot siya palagi. Balita ko ay cum lau lau siya at isa sa mga bets noong mga nagdaang taon pero sabi niya (sabi niya na sinabi doon sa katabi ng katabi ko) may lumapit daw sa kaniya na promise ay number one pero hindi raw siya naniwala dahil alam niyang kaya niyang maging topnotcher. Pero paglabas ng exam, bagsak siya sa isang subject. Puwede niyang kunin lang yong subject na pinagbagsakan niya pero dahil sa sama ng loob, nawala siya. Pagkatapos ng maraming taon, saka lang siya lumabas kaya kukunin niya lahat ng subjects. Yong isa si manong ay beterano na sa pagkuha ng exam. Limang beses na siyang bumagsak. Kasabay na nga niya yong panganay niyang anak pagkuha muli. Para siyang sundalo, habang nasusugatan lalong tumatapang. Kung baga sa nirapido, tadtad na siya butas ng bala. Tayo pa rin siya at nanghahamon pa. Matapang talaga. Palagi siyang may dalang banana cue. Sweet naman. Para doon naman kay Manang na biyuda na at kukuha rin ng bored pagkatapos palakihin ang kaniyang mga anak. Magkatabi sila palagi. Para bang kaya lang sila nandoon para may dahilan para sila magkita. Minsan natatandaan ko pa ang kanilang dayalog kaysa doon sa lecture noong reviewer . Ilang Linggo rin akong naglakad ng wala sa sarili. Kahit sa pagtulog, ako ay gumigising pag may naalala akong dapat pag-aralan. Hanggang ngayon pag nagsalita ako sa panaginip,numero pa rin. Pag ginulat mo ako i-rerecite ko saiyo ang GAAP at GAAS pabaliktad pa. Pagkatapos ng exam, nagsimba ako sa lahat ng simbahan.Ayaw kong tingnan yong aking review materials. Pangako ko, titiisn kong huwag kumain ng Japanese food sa loob ng tatlong buwan. Hindi ako matutulog sa homily ng pari. Hindi ko na iisipin kung may buhok ang madre sa loob ng belo niya at hindi ako mangingiti pag nakikita ko yong pari na lumalaki pa ang mga mata pag may nakitang guwapo. Ahahay. Pumasa lang ako. Lumabas ang resulta. Tumawag ang aking kamag-anak. Balita raw niya ay nag bored ako, bakit raw wala ang pangalan ko? Para kung siyang nakikitang nakangisi at ang mata ay nagsasabing" Beh buti nga". Yong ba yong mga klaseng tanong na hindi para makisaya saiyo, kung hindi malaman kung sila ay iiyak o tatawa. Pero mahilig akong magbigay ng kabag sa mga taong kabagin. Sabi ko sa kaniya, nagpalit ako ng pangalan. Iba kasi ang ginamit kong pangalan mula Grade one hanggang College. Bago ako grumaduate, kinailangan ko ang birth certificate para sa passport. Iba ang pangalan ko sa certificate. Eksplanasyon, ayaw ko raw yong pangalan ko kaya pinalitan ko ng pangalang artista noong nagregister ako sa school. Kala nila saling pusa lang pero tuloy tuloy na. Imbes gumawa ng apidabit, binago namin sa original records. Hindi lang siya kinabagan. Nagdayariya pa siya. The CA t

0 Comments:

Post a Comment

<< Home