Si Bella Flores
Dear Mouse, Poe could have been a valedictorian if he did not drop out and support the family according to Guingona. So? If the purpose of Guingona is to make a brilliant person out of Poe, even if I have my last peso in my pocket, I would not buy that. An academically brilliant person will always excel even if you put him in a stupid job. An academically brilliant person will always shine at whatever stages in his life because his quest for knowledge is unending.An academically brilliant person will absorb new things like a sponge and could talk anything about the sun even if he is unschooled. In the movie, you do not have to be intelligent. You just have to be good looking. You should have the right connection. Poe did not even have to excel in memorizing long dialogues. His were just one-liners. He did not have to audition to become a star. His father already paved the way for his stardom. He started with his own production. Their family was not really poor. They got properties that he used to produce his own films. Just like Estrada, they were not dependent on producers. They produced their own movies. They were not practically the good actors. I would take Cesar Montano anytime. I would take Christopher de Leon anytime. If I may be allowed to think about these people rallying for Poe. Tagalugin natin para mas masarap pakinggan. 1. Ang masa ay hindi masisisi kung sila ay humanga kay Fernando Poe. Lahat ng taong naghihirap ay naghahanap ng isang idolo na kagaya nila ay bumangon mula sa kawalan at naging isang maagumpay, hindi dahil sa talino kung hindi sa pamamaraang parang fairy tale . Parang pagsusulat yan ng nobela, mas mahirap ang pinagdaanan ng bida,mas maraming iyakan, mas bugbog sa pang-aapi, mas sikat. Kaya nga sa pelikula, pag pinatay mo ang bida at pinawagi mo ang kasamaan, ang manonood ay hindi masaya. Kaya tumagal si Bella Flores sa pelikulang Tagalog habang ang kaniyang mga kasabay ay nakalimutan na ng publiko ay dahil siya ang mapang-aping madrasta. Siya ang nagpapahirap sa mga bida. Sa huling yugto, pag siya ay namatay o pinalayas, palakpakan ang nanonood. Yheey. Sa loob ng sinehan, maririnig mo ang... sige patayin. buti nga saiyo. 2. Ang mga taong matatalinong sumusuporta kay Fernando Poe ay ang mga nakakaawa dahil hinahayaan nilang magamit ang kanilang katalinuhan. Pero kung wawariin natin, may mga dahilan sila sa pagsuporta sa isang taong maaring hindi man lang nila pansinin kung hindi lumabas sa survey na maari itong manalo. Sino sila? a.ang mga taong may sama ng loob kay GMA Pimentel -dahil hinawakan niya ang payong para kay GMA sa EDSA 2 (ang babaw ng dahilan ko noh?) Nagresign ang kaniyang anak na inilagay ni Erap sa isang pamunuanng isang bangko para ipakitang siya ay fair sa ginagawang pag-iimpeach kay Erap. Pero kung naniniwala ako sa kapabilidad kong magbasa ng mukha ng tao, sa trial na yon ang mukha niya ay atubuli at nandoon pa rin ang paninimbang kay Erap. Guingona- Ang ginawang Bise-Presidente pero itsa puwera sa pamahalaan ni GMA. Hindi pa piniling katiket. Matindi ang tampo dahil isa nga siya sa dahilan nang pag-kakaupo ni GMa at siya pa ang hindi nabigyan ng importansiya sa kaniyang Administrasyon. Kung sakaling maiboto si Fernando Poe, sino kaya ang magiging GUingona? b.Mga Alipores ni Erap (Yong iba hindi) Dahil sinusuportahan ni Erap, ang kanilang mga tahol ay patuloy pa rin laban sa administrasyon. Mga nagpapanggap na mga journalists, pero lahat naman ng balita ay laban sa administrasyon c. Mga Naghahangad magkaroon ng Kapangyarihan dahil kung sila ang tatakbo, hindi sila mananalo. Mayroon silang kayamanan, o ang kayamanan nila ay nabawi ng administrasyon o kaya ay may panaganib na mabawi. Nasa likod lang sila. Nagmamasid. d. Mga Matatalinong umaasa na dahil wala ngang alam ang kanilang kandidato ay sila talaga ang magpapatakbo sa bansa. Naalala ba ninyo ang balita ng isang Gabinete ni Erap na pinatalsik nila dahil sa hindi ito makapaniwala sa nakita niya sa gobyerno ni Erap at ang midnight cabinet members. Palagay kaya nila, papayag si Poe na siya ay pangunahan ng bait. Siguro between Angara and Dolphy, mas susundin pa niya si Dolphy. e. Mga matatalinong taong mgay mga degree. Nais nilang maging consultant. Di ba ang administrasyon na Erap ay maraming consultants. Ano ang kredibilidad ng mga artista. Ang kanilang eendorso ay mabubuting tao. Sila ay mabubuting tao dahil sa nagawa sa kanila personally at hindi dahil sa nagawa sa bansa. Si Dolphy ay tumutulong kay Poe dahil sa utang na loob niya sa Tatay nito. Paano naman ang bansang Pinas na walang utang na loob sa tatay niya? Para kong naalala ang sinabi ng isang pumanaw na manunulat at TV host tungkol kay Jinggoy. "Magaling siyang Mayor dahil action man siya. Nang nangailangan ako ng tubig para sa aking swimming pool, pinadala niya ang Fire Department." Sa ibang nagsusulat at ginagawang Kulto si Fernando Poe sa pamamagitan ng mga pagsasaad ng mga kuwento para siya ay maging lalong pogi sa pananaw ng mga tao, magkano? ehek. Sa ibang sumususuporta kay Fernando Poe dahil inaakala nila na walang pag-asang manalo ang mga mas matitinong kandidato, ibukas ninyo ang inyong mata. Masarap masabing hindi ka pumukpok ng pako para ikrusipiho ang bansa sa lalong paghihirap. Hindi ko iboboto si GMA, kasi maliit siya. hindi siya umabot sa standard ko ng height. Hindi ako makaLacson, kasi nakakunot lagi ang kaniyang noo. Nakatira ako sa bahay na bawal ang sumimangot. Hindi ko iboboto si Eddie Villanueva, ayoko ang buhok niya. Partikular ako sa shampoo na ginagamit. Iboboto ko si Roco, dahil kasama niya mga bata sa retrato at siya at nakasuot ng bulaklakin. Baka magawa kong kurtina yong sobrang tela. Mababaw kanyo ang dahilan ko? Mababaw din kasi ang aking kaligayahan. The CA t
0 Comments:
Post a Comment
<< Home