Graduation and secrets
Dear Mouse, Graduation na naman Parang kailan lang ng umakyat ako sa entablado para kunin ang aking diploma. Bawal ang pantalon. Pero nakapantalon ako. Sabi ng aking kaklase, makikita sa toga, di ako paakyatin sa stage. Di tinupi ko yong pantalon. Pag baba ko,niladlad ko uli. Problema ba yon. Pagkatapos ng graduation. Hanapan ng trabaho. May trabaho na ako pero gusto kong mag-apply sa iba. Mayroon naman akong isang linggong bakasyon kaya, sama sa barkada. Kitakits kami, either sa simbahan pero madalas sa kapihan. Kaya lang mga late kung bumangon kaya lasing na ako ng kape, wala pa yong oras Makati(late ng isang oras)) wala pa yong oras Cavite(late ng dalawang oras). Nakasuot pa naman ako ng high heels, nakasuot ng business suit at nakamake-up. Sabi kasi nila magblush on man lang para pag naimbarrass, hindi halata. Sa dami ng nag-aaply, wala kaming tsansang matawag. Balik ako sa dati kong trabaho habang pinamumudmod ko ang aking resume. Dinagdagan ni boss ang aking suweldo. Sabi niya, hindi ko kailangang magreport sa main office. I-aasign niya ako sa isang kliyente na may problema para di ko makabangga yong mga bruho at bruha sa opisina. Kinabukasan nagreport ako sa kliyente. Opisina lang yon. Ang pabrika ay nasa ibang lugar. Itinuro ang aking opisina ng sekretarya. Pag may kailangan daw ako, puntahan ko lang siya sa kabilang opit. Kailangan ko ng abacus. Matanda pa kay Metuselah ang nasa opit. Kailangan ko yong may papel para narereview ko ang mga numero.Pumunta ako sa kabilang opit. Wala ang sekretarya. Mayroong lalaking nakaupo doon nagisketch. Lintek na bata ire. Ginagamit pa ang magandang papel para sa kaniyang mga drawing. Tumingala siya. Uy gwapo. Hindi naman pala bata. Mas bata naman ako. O kaya matanda lang siya ng ilang kain. Hinanap ko ang sekretarya, sabi niya kumakain. Sinabi ko ang kailangan ko. Sumulat siya sa papel. Pinadala niya sa akin sa isa pang empleyado. Inutusan pa ako. Sabi ko pagdating na lang ng sekretarya. Dumating ang sekretarya. Tinanong ko kung sino yong sipunin doon sa opit. Sabi niya, yon ang big boss. Ngiiii. Type. Minsan, kinakausap niya ako. Nakatingin ako sa mukha niya. Sabi niya. Ito ang mga tsekeng nagclear. Sabi ko okay(sa isip ko ang clear naman ng kutis mo, ahahay). Ito ang mga schedules ng mga disbursements. Sabi ko okay. (Sa isip ko,ano ba ang schedule mo?) Pero may girl friend na siya. May nagkamali ring magpasaring sa akin. Una naglagay ng bulaklak sa lamesa ko. Walang pangalan. Nagparinig ako. Pag magbibigay ng bulaklak dapat may kasamang tsokolate. Kinabukasan may tsokolate. Pag nagbigay ng tsokolate, dapat may perfume. Kinabukasan, may note, anong brand ? Ano kaya ang pinakamahal? Sinasurvey ko kung sana sa mga lalaki doon ang secret admirer. Yon kayang nasa HR? Gawin na lang niyang secret forever noh. Yon kayang nasa payroll ? Hindi, may asawa yon. Mukha pang pabling na para bang hindi niya na kailangan ang manligaw. Kakausapin lang niya ang babae at magkakandarapa na sa kaniya. Nakaelevator shoes naman. Tsee Nagkaroon kami ng misunderstanding ni Batang boss. Sabi ko, balik na lang ako sa main opit. Iba na lang ang ipadadala niya doon. Besides, hirap din akong nagrereview at nagtatrabaho. Nilinis ko na ang aking lamesa. May lumapit. Si secret admirer. Secret. Mamatay kayong manghula. Hindi ako tumuloy bumalik sa main opit. Tinapos ko yong report ko. May girl friend na ang buwang. The CA t
0 Comments:
Post a Comment
<< Home