Monday, March 29, 2004

Si CAt pa rin

Dear Mouse, Pagkatapos kung saliksikin ang bawat himaymay ng aking utak para lang maisulat ang aking mapanindig balahibong kuro kuro ko tungkol sa foreign investment at foreign aid, kailangan kong sumulat pa ng isa para masiguro kong ako'y si CA t pa rin. Bawian blues Binawi ni Rod Reyes ang napublished sa mga dayaryo na hindi makakaapekto sa kanila ang boto ng El Shaddai at Iglesia Ni Cristo. Na misquote daw siya. Ahahay Stanley (WHO) HO Inamin din ng Palasyo na dumating nga si San eheste Stanley HOHOHO at nakipagkita ang isang opisyal ng pamahalaan ni Gloria M. Arroyo. Yo yo yo yo Ungentleman ? Tinawag ni Dolphy na tonto ang kaniyang Pangulo. Mabuti na lang nasa Pilipinas siya. Kung siya ay nasa Singapore, Tsina o kaya ay Korea, baka hindi na siya maakyat sa entablado ulit. Matindi ang galit niya. Totoo siguro ang tsismis. Biruin mo nga naman kung mawawalan siya ng sitcom, magugutom ang mga babaeng pinakasamahan niya at ang mga anak na sinusuportahan pa niya. Pero ang mga anak niya ay hindi sumusuporta sa kaniya kung hindi kay Eddie Villanueva. Tssskkk tsskkk tskkkk Disqualification cases Sa dami ng kaso ni GMA para siya madisqualify, naghihintay na lang ako ng isang maghahain ng disqualification case dahil sa kaniyang height o kaya dahil sa kaniyang nunal sa mukha. Hindi ko alam na ang pagsira sa salitang binitiwan ay maaring dalhin sa korte at gawing isang kaso. Bakit hindi isinama si Santiago o kaya ang mga kalalakihan na nangakong magpapakasal pero hindi naman tinutuluyan ang kasal. hekhekhek Sabuyan ng putik Lumabas ang dating asawa raw ni Noli. Kinulapulan niya ang dating asawa ng putik. Magkano kaya? Lumabas din ang ang kaniyang anak kay Noli. Sabi sa kaniya. Shut up Mama. Bakit kailangan pa nilag mag-import ng soap opera. Mga execs na lang nila, soap opera na ang buhay. Dapat siguro si Pusa ay magkaroon din ng titulo. Ang aking Buhay: Isang Soap Opera. Laba, laba. Tanong nila; Sino naman si CA T para magkaroon ng soap opera? Si CA t ay isang Ca t na hindi si CAT. The CA t

0 Comments:

Post a Comment

<< Home