Wednesday, March 31, 2004

Holiday

Dear Mouse, This is the only holiday that does not fall on a Monday. May isang araw din akong makakaliyad-liyad sa kama ng walang iniisip na oras. Dumating yong mga taga Pricewater, mahigit din silang isang buwan na mangkukulit. Lahat sila Puti. Noong isang taon, may kasama silang singkit na batang bata ang anyo. Akala ko pinadala lang para bumili ng suka. Naalala ko tuloy yong aking ojt na naging una kong tarbaho nang grumaduate ako. Habang nagkakandarapa ang aking mga kaklase na mag-ojt sa malalaking opisina, pinili ko yong maliit na maurirat sa mga libro ng mga kliyente. Pumasok muna ako sa isang malaking kumpaniya dahil pantasya namin ang magtarbaho sa Makati. Gusto kong marinig ang mga kapitbahay na magsabi ng ano nagtratrabaho ka na sa Makati? Laki naman ng tenga ko. Pero ginawa lang kaming mga gofer doon. Tagatakbo, taga xerox (copy dito sa Estet), taga file. Minsan tagadala pa ng regalo sa mga "loves" nila. Kaya noong i-tip noong mas senior sa amin at regular employee na siya doon na nangangailangann ng tatlong ojt's, sumama ako. Tanggap kami. May suweldo pa at hindi allowance. Ang maganda, binigyan kami ng mga kliyente dahil income tax season na pagkatapos ng aming ojt. Mabait yong super namin. Mabait sa asawa. Panay siya yes darling. Hindi siya lumalabas pag tanghali. May baon siya galing sa asawa. Naglalaro lang siya ng chess. Tapos tutunog ang telepono. Yes darling siya. Masarap ang luto. Kumain na siya. Pero matapang siya. Hinahamon niya ang mga lalaking empleyado---maglaro ng chess. Minsan hindi ako nakatiis, hinamon ko siya. Nangisi. Sabi niya baka limang minuto lang daw ako. Malapit na ang tapos ng lunch break, hindi pa niya ako macheck. Muntik ko pa siyang basahan ng diyaryo sa tagal niyang mag-isip.Panay ang tago ng kaniyang DA KING. Hindi ko alam nasa likod ko pala si Big Boss. Nanonood. Nang ala-una na, sabi niya itutuloy namin bukas. Sabi ni Big boss, hindi extended ang game, oksi lang sa kaniya. Sino man ang manalo, lalabanan niya. Magaling na boss. Kunsintidor. Panalo si CA t. Next. Si Boss na. Mas bopol pala siya sa chess. Hindi ko alam kung magpapatalo ako o tatalunin ko siya. Baka magalit. Baka pikon. Check mate. Pumasok siya sa kaniyang office. Pinatawag niya ako. Lagot. Nakaupo siya sa kaniyang swivel chair .Tumunog ang phone. Sabi niya HELLO. Nakalimutan niyang angatin. hehehe Sabi niya strategy lang daw niya ang pagpapatalo. (thought baloon...okay lang yon SIR). Inaalam daw niya kung sino ang ipadadala niya sa isang kliyente na pinagsusupetsahan nilang may nagaganap na katiwalian. Naisip daw niya ako.May ANAL-ytical mind daw ako. (Owsss). Doon na raw ako magrereport hanggang matapos ang imbestigasyon. Wala raw akong kasama. Paano Sir, pag natapos ang aking ojt? Puwede pa raw akong magtuloy. You are hired. Regular na ang suweldo ko. Yeehey. Natapos ko ang imbestigasyon. May collusion na nangyari. Malaking pera ang nawala. Nakabarong pa ang boss ko noong prinisinta niya sa Board ang findings. Naging peborit ako ni Boss. Kinasuklaman ako ng mga dating empleyado. Sumali ako sa kanilang pagcocontribute ng parte ng sweldo tuwing pay day. Ako ang nakatokang tumanggap ng sweldo. Inilalaan ko sa Review ko yon. Ginastos nila. Blow out ko raw sa kanila dahil gagradweyt ako.Pinakialaman ang aking pera.Binalak kong maghanap ng ibaang trabaho pag graduate ko. The CA t

0 Comments:

Post a Comment

<< Home