Kuwentong Katuwa
Dear Mouse, Binasa ko ang esplanesyon ni tatang rhett tungkol sa restaurant menu niya. Nasa pansit bihon ako, pero puwede rin ako sa over21. (Twenty two na kasi ako. Arekup, aray, hindi pa ako tapos noh.) noong makita ng doctor na meron pala akong hika. Going back to restaurant menu. Unang kuwento Jakarta Kasama ko ang aking bossing at isang lady lawyer. Si bossing, lalaki talaga, ayaw magtanong. Kaya dahil ako ang baby sa grupo, ako ang kanilang utusan. Pumunta kami sa restaurant. Pinahingi sa akin ang menu. Di hiningi. Pina order ako ng breakfast. Di umorder. Kopi (coffee). Sa lady lawyer,teh paro gulang (tea with sugar) Galing ko noh. Gusto daw ni Boss heavy. para ba yong tapsilog, tosilog o losilog. Meron doon. Walang translation ang menu. Walang retrato. Tinawag ko yong waiter. Tinanong ko kung ano yong isang item sa menu ,sup kaki. Hindi siya marunong mag English. Pero marunong siyang magmuwenstra (describe). Tinuro niya yong tuhod ko. Akala ko type niya yong pantalon kong khaki. Sabi ko, ano yong pagkain yon. Tinuro ulit ang aking tuhod. Babatukan ko ito. Alam ko may gusot yon sa tupi sa suitcase. Pakialam niya. Si Bossing, walang pasensiya. Sabi niya. Orderin mo na lang. Yan lang naman ang nandiyan na hindi sangwich.Di inorder. Masunurin po ako sa matatanda. Dumating ang order. Ang laking mga bowl. Nilagang buto ng baka. Parang bulalo. Pang lunch pala nila yon. Sup kaki. Napangiwi siya. hehehe. Tinanong ko kung gusto niya ang nasi goreng ?(fried rice).Para kunwari lunch ang order namin. Samahan ko na rin tuloy ng ayam goreng. Di raw siya kumakain ng aso. Flied chicken yon noh. Hirap may kasamang matanda na ayaw magpahalatang tanga rin siyang katulad ko. Pinagpawisan siyang humigop ng sabaw. Sabi ko, sir, may pasusuhing bata ba kayo? Padagdagan natin ng sabaw. Samang tingin niya sa akin. hehehe Bali Si boss pa rin ang kasama ko. This time, lunch naman kami. Nakaorder na kami ng pagkain. Drinks na lang. Ayaw niya ng soft drinks. Gusto niya juice. mango, orange, basta fresh. May nakita akong isa. Muwestra sa akin ay buko. Okay ito. Sabi niya order na kasi. Ganyan boss ko, mainipin. Di umorder. Kumakain na kami ng steak ng dumating ang ice cream with buko flavor. Tanong ni boss, ano yan, umorder ka ba ng ice cream? Hindi boss. (tanong sa pusa, tanong sa daga)Tinanong ko yong waiter, ano yon. Sabi niya yon ang order namin. Naawa ako sa boss kong kumain ng steak at ice cream. San Francisco Kahit umalis na ako sa Pinas, sinundan ako ng boss ko sa Estet. Pinababalik ako. Huwag ka may conference lang siyang aatendan sa SF. Pinauutang na loob pa ako. Ang mga tao sa Pinas akala nila pag nasa Estet ka, ang erport ay isa lang na magpapasundo sila. Anyway, dating boss so nag-aarange ako na mameet ko sa SF. Kinausap ko tuloy yong aking friend para sa accommodation nya. Wala na raw available room sa hotel. Kung hindi ko pa alam, strategy niya yon, tapos sisingilin niya sa client. Trenet ko tuloy. Kumain kami sa Fisherman's Wharf ng clam chowder na nasa sourdough.Sabi ko sa kaniya, nagtitipid ang tao doon. Ayaw maghugas ng pinggan kaya puwede niyang kainin ang lalagyan noong chowder. Hindi siya nabusog kaya pumunta kami sa isang Vietnamese restaraurant. Gusto kong tikman niya yong noodle na may kasamang litid, karne at ibp. Tinanong ng waiter kong medium or large bowl. Si boss ang sumagot...large. Dumating ang bowl. Tanong niya, serving bowl? Sabi ko hindi. Sa kaniya lang yon. Kasinlaki ng mallit na palanggana. Large kasi hehehe. Hindi ko alam may pasusuhin pa rin siya. Hindi niya ako mapagalitan. Nagpapasundo siya pagkatapos ng day's session. Minsan hindi ako nakasama doon sa kaibigan ko na pinakiusapan kong sunduin siya sa lobby ng hotel. Tinawagan ko na siya para ma alert siya dahil hindi siya kilala. Sabi niya, "tatayo ako doon sa kanto, sa may Mc DOnald. Sabi ko Sir, marami hong Mc Donald dito sa kanto". Sarap mang-asar. Suggest ko, magsuot siya ng something different na marerecognize ng kaibigan ko para madali siyang makilala.Dumatin siya. Suot pa yong pulang scarf. Sabi ko Sir, mag-ingat ho kayo. Baka mapick-up kayo ng masasayang(gay) na tao.. Los Angeles Pumunta kami sa Bahay Kubo, yong nabanggit ni Tatang rhet. Tuwang tuwa siya. Filipino food. Gusto niya ng kare kare , pakbet at dinuguan. Sabi ko walang dinuguan doon. INC kasi yong may-ari. Hindi yong inilalagay niya sa class card ng mga dati niyang istudyent. Yong hindi kumakain ng dugo.Mainitin ang ulo ng boss ko. tumayo siya. Pumunta sa CR. (Toilet ano). Pag balik niya, mainit pa rin ang ulo. Bakit daw ganoon, walang para sa lalaki yong nasa loob. Eh sir, hindi ho sa MEN's kayo pumasok. Sa Women's ho. Sabi niya, kaya pala inirapan ako noong nakasalubong kong babae. Yan ang boss ko. Kahit dalawa ang kaniyang Doctorate, malabo pa rin ang mata niya. The CA t
0 Comments:
Post a Comment
<< Home