Monday, March 22, 2004

Dolphy-Another King? Tsee

Dear Mouse, Kailan man hindi ako natawa sa mga gags ni Dolphy. Ayaw ko rin siyang makitang nakasuot ng bakla. Hindi siya paniniwalaang babae. Wala siya kay Cosby. Ayaw ko rin ang kaniyang personal na buhay na anak lang ng anak pero pinababayaan namang maging problema ng sosyedad. Maliban yata kay Eric, ay wala siyang matinong mga anak. Kung totoo na binigyan ni Erap ng presidential pardon ang isang anak niyang nakakulong, hindi katakataka na magkampaniya siya para kay Fernando Poe. Tsee Pero ewan ko isa lang ako laban sa libo libo niyang tagahanga. Kung masasabi ngang siya ang dahilan kaya ang Home Along Da Airport ay tinatangkilik, bakit maraming artista sa kaniyang sitcom. Hindi na niya kayang mag-isa ang humatak ng manonood? Ang balita ko nilalangaw na ang kaniyang mga pelikula mula ng makisama siya kay Zsa Zsa. Tsee So bakit matalino naman si GMA at ang kaniyang mga alipores, bakit kailangan bigyan niya ng ganoong kalaking importansiya ang isang artistang palubog na kung totoong hindi na nagrerate ang kaniyang sitcom kapalit ng kapakanan ng mamamayan ? Tsee. Hindi naman kaya dahil malapit na ang kontrata ni Dolphy na matapos at wala pa siyang naririnig na offer para sa renewal kaya minabuti niyang gawing dahilan ang pulitika para sa kaniyang gracious exit? Kung iyan ay malapit sa katotohanan. Hindi ka komedyante. Dapat saiyo ay best actor. Tsee. The CA t

0 Comments:

Post a Comment

<< Home