June-Kasalan pa rin
Dear Mouse,
Hindi karamihang kasalan ang nadaluhan ko sa Estet. Isa yong sa aking dating roommate na may-anak na ngayong pinangalanan kong the the-boy-from-hell, ikalawa, yong kasal ng isang kaibigan na ginawa akong ninang dahil lahat na ng barkada ay may kaniya-kaniya ng papel sa entourage at marahil dahil sa aking role sa kaniyang malungkot na buhay na sinapit sa pag-iwan sa kaniya ng kaniyang dating @#$%^^& boyfriend. Ikatlo ay ang dinaluhan naming kasal an hindi ko man lang kilala ang kinasal.
Ang aking roommate ay ikinasal lamang sa huwes. Wala kaming kasama kung hindi ang kaniyang ina, ang kaniyang pakakasalan na kagagaling lang sa Pinas at ang baby na isang buwang gulang.
Isang kaibigan na napakiusapan namang idrive kami sa City Hall ang ginawa naming ninong, samantalang ako naman ay witness na parang ninang na rin. AHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHhh
Wala silang preparasyon sa kasal. Kailangang mapakasal sa loob ng 90 days at maayos lahat ang papeles.Wala rin akong tulog;hindi dahil sa abala ako sa paghanda. Isang buwan lang ang baby at maligalig. Kagaya ng naging karanasan ni Bikoy, hindi namin alam kung paano patatahanin ang pag-iyak ng baby. Yong pala kabag din. Para rin akong may baby,kasi pag-iyak, nagdudusa din ako--sa ingay. Noong dinala namin siya sa doctor, inalo ang baby ng doctor na huwag daw niyang bigyan ng eyebag ang kaniyang auntie (ako pala yong tinutukoy niya. Yong eyebag ko kasi sa walang tulog ay puwede ko nang ipagbili ng por kilo). salbaheng doktor. urhmp. Balik sa kasalan. Matanda na yong judge. Yon na lang yata ang kaniyang gawa. Pagkatapos niyang pangaralan ang bagong asawa, inutusan niya akong kumuha ng pictures. Sus, ginoo, ninang na ako--photographer, yaya kung minsan---at linebre ko pa sila sa isang burger house parang yong ang kanilang handa. Pasen siya sila, yon lang ang malapit sa City Hall at kailangang maiuwi na namin ang baby'ng nagpapalahaw na ng iyak.Pagdating sa bahay, lumapit sa akin ang aking kaibigan at sabi niya. Salamat sa mga tulong mo-- ninang.
Sampalin ko kaya siya. :) Nakangiti rin sa akin ang baby. awww.
The CA t
5 Comments:
Mabait ka pala. :)
Ikaw ba yung naka-black?
~~~Inasky
doc,
hindi kupido yan.pakialamera sa buhay ng may buhay. Sinumpa ko na huwag nang makialam pagkatapos nitong tatlo ko pang kaibigan. :)
This comment has been removed by a blog administrator.
Inasky,
Ako yong baby'ing karga karga. :) : )
Post a Comment
<< Home