June
Dear Mouse,
June. Buwan ng kasalan. Hanggang ngayon, wala pang makapagpaliwanag sa akin kung bakit ito ang buwang pinipili ng mga magsing-irog para mag- patali sa (kanilang leeg?).
Nabasa ko ang blog ni Bikoy, tungkol sa kasalan sa Bulacan at naalala ko ang mga kasalang aking dinaluhan.
Kung inaakala ninyong mas mahal ang maghanda sa hotel o kaya sa restawran, nagkakamali kayo dahil ang darating lang sainyo ay ang mga nag RSVP(ed)sainyong invitation. Okay,okay meron ding nakakalusot pero kaunti lang yon kumpara sa probins na buong baryo ang iyong pakakainin. Kung minsan pati pa ang kalapit baryo ay nakaka sama.
Kaya kulang ang isang bakang itutumba(buti kong itutumba lang tapos patatayuin). Pati ang mga baboy na tahimik na pinatataba para sa anumang okasyon ay nabibigyan ng hatol ng kamatayan.
Marami ka ngang kawaksi pag- asikaso, pero kung gaano kadami ang kawaksing yaon, ay ganoon din kadami ang kilo mg mga karneng nababawas saiyong handa.
Ganito yon. Pinapatay ang mga baboy mismo doon sa bahay ng ikakasal. Habang hinihiwa yaon, ay unti-unti silang naipadadala sa mga kusina ng mga sinasabing "volunteers" para sa kasalan.Hindi ko sinasabing ninakaw nila yon. Wala kasi silang oras mamalengke at walang pagkain sa bahay, kaya tawag nila si Dayunyor at sabay sigaw...hoy bata ka ito, ipaluto mo sa Ate mo. Samahan mo na tuloy ng kamatis at sibuyas. O di ba, ginawang public market yong bahay ng ikakasal.
Yong iba naman ay hindi nila ginagawa ang pamamalengke, pero nagbabalot sila pagkatapos makaluto at bago ang handaan. Dahil abala ang ikakasal sa kanilang paghahanda, aakalain lang nila na kaya kinulang ang pagkain ay dahil sa maraming bisita.Pagkatapos ng kasal,maari kayong pumunta sa kapitbahay at makikain ng pagkaing galing sainyong handa.
Sa oras ng handaan, kailangang mabilis ka sa pagkuha ng pagkain kung hindi gutom ang aabutin mo.
Minsan sa iang kasalan sa probins, isang kutsara ko pa lang doon sa isang pagkain, maraming dakot na ang nagawa noong isang pamilyang kasama ko sa lamesa.Hindi pa mang nakalayo ang usok ng pagkain, ang pinggan ay nalimas na sa kahulihulihang buto at sabaw. Sus ginoo, pagkatapos ng kasalan, naghanap ako ng isang pinakamalapit na restawran kung saan hindi ako mukhang hayok na mauubusan. Pero dahil yata sa trauma, pinuno ko rin ang aking pinggan ng pagkain na para bang wala ng bukas. ahem. Tiningnan ako noong waiter.Wala akong tip na ibinigay. Burppp. Susunod, kasalan sa Estet... Abangan.
CA t
1 Comments:
Ang kasalan sa Stets ay para din yatang katulad ng dito sa stin, Cath...kaya nga lang medyo mild ng konti ang dating. Me "volunteers" at sangkatutak na "take home" pa din, d ba? :)
Post a Comment
<< Home