...And they did not live happily ever after
Dear Mouse,
Nakakahiya man aminin ay natuto akong magbasa hindi dahil sa illustrated ABC books na nagkalat sa aming tahanan noon. Natuto akong magbasa sa komiks. Mahilig ang yayang magbasa at nagtataka ako bakit umiiyak siya habang binabasa niya ang mga parang bulang nanggagaling sa bibig ng mga retrato ng tao. Kinulit ko siya para ipaliwanag niya sa akin. Ipinagbawal ng aking mader ang komiks pero alam ko nagbabasa din siya sa loob ng kaniyang silid. Pinalitan niya ang komiks ng mga ito ng mga Mother Goose Nursery Rhymes books na sa murang gulang ko ay natutuhan kong isaulo sa puso. Huwag silang magkakamaling ilagay ako sa ibabaw ng lamesa at pakitaan ng papel na salapi ( Iniisnab ko ang coins)at sabihing RECITE.
Hickory dickory dock
…Mary had a little lamb Its fleece was white as snow…
Tapos nahilig ako sa Grimm fairy tales.
Once upon A TIME
AND THEY LIVED HAPPILY EVER AFTER .
Yong ang mga panahong na pag nakakita ako ng daga, ay itinuturo ko ng pangamot ng likod ng aking mader at pabulong kong hinihiling na sana ay maging kabayo at ang kalabasang balak iluto sa gata ay tinitigan ko habang binubudburan ko ng pinong asin para maging karuwahe.
Yon ang mga panahon na isang guwapo naming kapitbahay ay na-iimagine kong Prince charming ko. (Utang na loob, ayaw ko ng maalala. Tita, mas makapal ang mek-ap sa akin ngayon.)
Pero sa fairy tale lang yata talaga ang they lived happily ever after. Si Princess Diana ay namatay na masama ang loob sa kaniyang asawa at biyenan.
Ngayon ay ang Prinsesa ng Hapon ang nagkakaproblema. Siya ay malungkot.
An empress on the Chrysanthemum Throne
TOKYO - Media reports suggesting that Japan's Crown Princess Masako is suffering from severe depression - linked to heavy pressure on her to produce a son and heir - has revived a debate over the idea of allowing an empress to occupy the 2,000-year-old Chrysanthemum Throne. Masako and her husband, Crown Prince Naruhito, have a two-year-old daughter, Aiko.
Ang kaibahan ni Princess Di at Princess Masako ay ang pagmamahal at pagsusuporta ni Crown Prince Naruhito sa kaniya.
The problem surfaced earlier in May, when her husband crossed the lines of traditional restraint in Japan, making the shocking revelation during a press conference that his wife is "exhausted by trying to adapt to life in the imperial family since their marriage". Crown Prince Naruhito spoke - media reports called it a "public outburst" - on the eve of his departure, alone, to Europe where he attended the wedding of the crown princes of Denmark and Spain.
Inaway niya ang kaniyang sariling pamilya dahil sa pag-alaala sa kaniyang maybahay.Di ba how sweet.
Prince lashes out at royal household He also accused the imperial agency of "denying Masako's career and her character".
Ayaw ko ng maging prinsesa kung ganito kalungkot ang buhay ko.
News magazines have been portraying the lives of the Japanese Imperial Family as being extremely lonely, with very little social interaction with friends.
Sa akin ang ending ng kuwento ay laging ABANGAN ang susunod na kabanata..
The CA t
3 Comments:
Ang una kong fairy tale ay Hansel and Gretel. Both Mama & D read to me. Second ang Jack and the Beanstalk, tapos sunod-sunod na: Peter Pan, Snow White, Pinocchio, etc., etc. Pinaulanan din ako ng Camilo Osias books. Tapos nagbasa din ako ng Aliwan, Hiwaga, Pinoy at Funny comics, pati Wakasan. Opkors, nag-DC at Marvel din ako kaya pamilyar din ako sa bawat detalye ng Superman, JLA, Spiderman, Hulk, etc.
Di ako pinapalabas sa bahay dahil ako nga lang ang anak nila, kaya ayun, inuubos ko lahat ng puedeng basahin...pati Bibliya. Now you know why I love books.
Mas masaya ang stories sa mga komiks at libro. Bad trip pag real life na...ayan gaya nyang si Diana at Masako. Asian kasi si Naruhito, kaya mapagmahal, d gaya ni Charles. O baka naman debatable ito kasi I've often heard women say that men are really MCPs. Eniwey, it's nice to hear na ok naman palang royalty si Naruhito.
Ang aking pantasyang maging prinsesa noong ako'y bata pa ay naglaho ng tuluyan mula ng makita ko ang mukha ni Prince Charles, hehehe.
~~~Inasky asusky
Lahat yata na batang babae gusto maging prinsesa paglaki nila. Ako noon, gusto ko lahat ng damit ko mala-prinsesa. Tapos nalaman ko na de-numero pala lahat ang galaw ng mga prinsesa. Nag-aktibista na lang ako. he he he
Post a Comment
<< Home