Sunday, June 13, 2004

She bangs

Dear Mouse,

She bangs, she bangs…Yang ang kanta ni William Hung erm Ricki Martin na inulit-ulit naming kagabi kasama ang mga background dancers (moi and two friends). Ang kumanta ay bayaw ng kaibigan ko. Isa siyang computer programmer na aking inuurirat kung ano ang bibilhin ko para gawing wifi ang aking laptop. Oo, Birhinya, gusto kong madala sa bathroom, sa laundry room ang aking Toshiba notebook.

Isang kaibigang abugado ang nagmimic kay William at isang kaibigang webdesigner ang taga Palakpak. Mas sipsip sa kumakanta ang magic mike ng aking kaibigan. Naka 99 per cent ako sa kinanta kong Sana’y Wala Nang Wakas ni Sharon Cuneta at Duet sa isang bisitang babae ng Borderline ni Madonna. May kasama pang sayaw yan. (walang alak sa party. kaya hindi kami lasing). Birthday party ng anak ng isa sa mga barkada. Kawawang bata, nakatingin siya sa kaniyang mga magulang at mga ninang at ninong na tila ba nagtatanong ng: WHO ARE YOU PEOPLE?

Rare occasions lang ito(ooops may b-day na naman palang darating.) Ito ang panahon na sinasamantala naming na “magwala”. Ito ang mga pagkakataong kumakain kami ng mga pagkaing Pilipino katulad ng lechon. (yong mansanas nasa puwetan. Hindi kasi bumuka ang bunganga), ubeng haleya, suman, pitsy pitsy, puto, kutsinta at saka mangga.

Kasama ko ang kaibigan kong programmer na may website para sa mga “singles” ngunit hanggang ngayon ay binata pa. Ang dailan niya kung bakit hindi pa siya nakakita ng pakakasalan ay nangangailangan pa ng isang artikulo.

The CA t

0 Comments:

Post a Comment

<< Home