Angelo dela Cruz at ang In the Presence of My Enemies
Dear mouse,
Hindi ko pa ginagalaw ang aking domain na nilipatan. Masusi akong sumusubaybay sa mga pangyayari sa Pilipinas at sa Iraq.
Ipinanalangin ko ang kaligtasan ni Angelo dela Cruz. Umiiling ako habang nababasa ko ang mga grupong sumasakay sa issues na sa halip makatulong ay lalong nakakapagpalala ng sitwasyon. Nagtataka ang aking kasamang daga, bakit kung may black-out tungkol sa negosasyon, nasa pahayagan, nasa TV ang bawat'galaw ng pamahalaan.
Ang aking "paboritong "kolumnistang si De Quiroz,ay inuutusan ang pangulo para pabalikin ang tropa sa Iraq. Ayon sa kaniya:
Not because it was bowing down to terrorists but because it was bowing down to reason.
Kahit na anong tingin o basa, sa terorista,ito ay isa ring ay pagsuko at ang ipapamarali nila ay "sumuko".
Sa aking pagbabasa ng In the Presence of My Enemies na sinulat ni Gracia Burnham, ang asawa ng misyonaryong si Martin Burnham, tila ako si Jody Foster na binabasa ang utak ng isang criminal sa pamamagitan ng pakikipag-usap kay Hannibal Lecter.
Ang mga teroristang kumidnap sa mag-asawa ay nahahawig sa mgakumidnap sa OFW na si Angelo...na sa mga panulat ni ni Manuel Quezon III. sila ay nagkakahawig sa mga paraan ng pananakot at pangsisikil sa mga walang malay na mamamayan.
but we should consider the fact that, in the hands of people so unbalanced, so ruthless, so contemptuous of decency and yet so cowardly, the question of his living or dying could be decided at whim or for purely tactical political considerations.
Sa buong kapanahunan nang pagkakabihag ni Gracia, nakita niya ang karuwagan, ang pagbabago ng isip,ang pagkagahaman sa salapi, sa pagbabalatkayo ng pagmamahal sa kapakanan ng bayan;ang pagsunod nang nakapikit sa kabalintunaan ng itinututo ng kanilang pananalig. Ilang beses siyang nagpasalamat sa mga balitang pagpapalaya sa kanila dahil sa matagumpay na negosasyon ngunit pagdating ng takdang panahon, nagbabago ang isip ng mga kidnappers. Naroong taasan nila ang ransom kapag nakita nilang kayang ibigay ng mga pamilya o ng mga nagmamalasakit na grupo sa Naroong tanggapin nila ang pera ngunit hindi nila pinapakawalan ang mga bihag. Sa kanila, sila ang batas ...Batas na mababali nila sa kanilang kapakanan.
The CAt
0 Comments:
Post a Comment
<< Home