Wednesday, June 30, 2004

Kung ako si DARNA

Dear Mouse,

Kung ako si Darna, may mga tao akong gustong bigwasan.

Kaliwa, kanan, kaliwa, gitna...sapul

Whooo

Elly V. Pamatong. Kapal ng mukha niya.Pagkatapos ipagmalaki na susunugin ang mga paaralan hanggang magresign si Gloria Arroyo, ngayon may mukha siyang parang tupang ikinakaila na siya ang utak ng nagkalat ng mga pako. Sabi pa niya. TANUNGIN NINYO ANG DIYOS. Susme, pati Diyos sigurong gigil na sa mga panlolokong ginawa niya rito sa Estet ay gagawin pa niyang sinungaling.

Iniimbitahan ni Rodil Rodis ang mga naging biktima ni Pamatong sa kaso nila sa immigration upang magsampa ng kaso sa “international lawyer?” na ito.


Jaworkski

Nang tinanong siya kung bakit may tama ng bala ang sasakyan ng mga YAP, ang sagot niya , Ewan ko, mayaman sila, sila, siguro binaril nila.

Sana nang tinanong din ang mga YAP kung bakit may tama ang anak ni Jaworski,ang sagot sana nila ay, Ewan ko, baka binaril niya ang sarili niya.



Babaeng dala ang kaniyang sanggol sa demonstrasyon

Napanood ko ang rally ng mga supporters ni FPJ. Nagpulasan ang mga tao dahil sa tear gas at sa tubig. Tumatakbo ang babaeng kipkip ang sanggol habang umiiyak. Tinulungan siya ng isang mama na punasan ng tubig ang mukha ng bata. Kung ibig lang niyang matanggap yong limampung pisoses at libreng meryenda para lumahok sa rally, sana man lamang ay iniwan niya ang isang kamag-anak ang sanggol na iyon. Nasaan ang utak niya na kahit walang tear gas o tubig, alam niyang mapanganib ang magsama ng bata lalo na ang sanggol dahil sa karaniwan na ay nauuwi sa batuhan,habulan at balyahan ang mga ganitong klaseng pagpapahayag ng kanilang karapatan.



Kung ito ay isang stratehiya upang umakit ng pansin at awa kagaya ng Babies for Hire ng mga sindikato, puwede ba, tatawagin ko si Dong.


Sinong Dong?

Eh di pinsan ni Ding na ayon kay XP ay ang makakalimuting side kick ni Darna.

O sige Batjay, kunin mo na ang costume mong BAT na walang appendix. Pakisama mo na tuloy yong frog. Baka sakaling maging prinsipe ay maghop hoppily ever after kami. ribitt ribbitt

The Ca t

14 Comments:

At 6:35 PM, Blogger Sassy Lawyer said...

Cathy,

Just in case maging Darna ka nga, at kung may listahan ka na mg uupakan, paki sama na nga yung mga ibang commenters sa blog ko... bad trip. Aga-aga.

Kung maging malaking tigre ka naman, imbes na cute and cuddly cat, paki kain sila nang buhay. Unti-unti. Para feel na feel.

 
At 8:16 PM, Blogger rolly said...

Buti na lang si Darna ka. Akala ko si Catwoman ka e. hindi pwede. Kalaban ni Batman yon 'di ba?

Sassy, ako na lang. Papuntahin mo dito at sa airport pa lang pagbabatukan ko na para magising, hehehe

 
At 9:23 PM, Blogger BatJay said...

bakit doberman ang tawag sa doberman? hindi ba dapat doberdog. wala lang naisip ko lang ito habang binabasa ko ang post na ito.

puro kasi hayup... pusa, palaka, paniki. hehe.

 
At 10:58 PM, Blogger cathcath said...

ayun, binatukan ko na sa ulo. puwede yong batukan sa hindi batok?

 
At 11:04 PM, Blogger cathcath said...

titorolly,
minsan paniki rin ako. natutulog na baligtad.

hey batjay,
eh bakit ang tuna tinatawag na tuna kahit iisa lang.

 
At 12:11 AM, Blogger Dr. Emer said...

Ang tingin ko nga yung anak nga ni Jaworski ang bumaril sa sarili nya. Matagal ng me topak yun, daga lang, inuupakan ng uzi at m-16. Sa susunod, dapat sa loob na lang ng bahay sila magbarilan para walang nadadamay at di pa sila laman ng balita.

Si Ely Pumako, hopeless case na din yan. Puedeng mag-plead na insane sya para makalibre. Mas malaki ang topak ng mamang ito.

Yung mga FPJ supporters, isa pa yun. Ginagawang props ang mga bata.

Daming me topak dito sa Pilipinas ano. Pero I'm sure sasabihin ni Sassy mas malaki ang topak ng mga commenters nya. Puro mga amerkanong di naliligo. Ayun tuloy, di makaintindi sa mga sinasabi ni Sassy.

Kung ikaw si Darna, Cath, iboboto kitang presidente ng Pilipinas. =)

 
At 1:59 AM, Blogger R. O. said...

hakhakhakhak!

 
At 3:32 AM, Blogger BatJay said...

oo nga. tapos yang mga kano "tuna fish" ang tawag sa "tuna". redundant. parang halatang obvious.

 
At 4:18 AM, Blogger Matapoor said...

parang gusto kong mahiya para sa kanila

 
At 3:19 PM, Anonymous Removes Moles said...

Hi, can you help post theseSkin Cancer links? Just leave these cancer links here to help spread the word! Skin Cancer Information. There many different forms of skin cancer. If you not sure what skin cancer looks like, you should look here just to educate yourself about skin cancer: Skin Cancer Mole Pictures "ATTENTION: These Skin Cancer Mole Pictures are "stomach turners" but you need to see this stuff so you can avoid getting skin cancer." For information about Red Moles or "Mole Removal" check out Mole Remedy for an all natural mole remover

 
At 9:45 AM, Anonymous ShopAtHome Spyware said...

That's my contribution!

Take care,
Sal
FlashGet Adware

 
At 9:48 PM, Anonymous Louisiana Educational Assessment Program/Graduation Exit Examination said...

Hello c hy,

After reading your blog "Kung ako si DARNA", I believe you will find my site on Florida Teacher Certification Exam to be very helpful.

We have hundreds of study prep guides and aids to help you ace your exams without weeks and months of endless studying. Make sure you give yourself every possible advantage in passing your tests ... pay us a visit now!

Kind Regards
Emily

 
At 5:54 PM, Anonymous Certified Strength and Conditioning Specialist Test said...

Hi c hy,

As a result of reading your blog "Kung ako si DARNA", I think you will discover my site on Dental Assisting National Board a great help.

We have over 200 study prep guides and aids to help you sail through your exams without weeks and months of endless studying. Pay us a visit now ... you will be amazed at how much help is available for passing tests!

Best Regards
Emily

 
At 10:51 AM, Anonymous Fishing Workers Supervisors said...

Hello c hy,

After reading your blog "Kung ako si DARNA", I believe you will find the wages information on my site about Jobs With Best Wages to be very helpful.

To give you an idea of our wide range, some of the recent searches that found our site included ...

Fishing Workers Wages
Forest Workers Wages
Conservation Workers Wages
Agricultural Products Sorters Wages
Agricultural Products Graders Wages
Log Graders Wages
Log Scalers Wages
Logging Workers Wages
Logging Equipment Operators Wages.

We have hundreds of "must read" articles on wages and careers and many other topics in our Top Career Wages site.

Kind Regards
Emily

 

Post a Comment

<< Home