Wednesday, July 07, 2004

Si Spyderdaw at si Dinky

Dear Mouse,

Para sa makabiyak na pusong resignasyon ni Dinky, ito ang masasabi ni SPYDERDAW, kamag-anak ni Spiderman ni Batjay.Kaya SPYDER siya dahil nag-iispy siya sa mga pangya- yari sa gobyerno ng Pilipinas.

"But Soliman reportedly refused to give up her Cabinet position stating that it was a "political accommodation"and would go against her principles,Palace sources told the Inquirer."

Ani SPYDERDAW: Sa larangan ng pulitika, prinsipyo ay walang puwang. Pagbabayad ng utang ay mas matimbang kahit kaibigan.Hindi ba kanya ring inaasahan na utang na loob si GMA ay tatanaw, sa ginawa niyang tulong na maabot ang mahihirap na tao noong halalan. Mas matimbang siguro ang pagpaparaya ni De Castro sa kaniyang mithiing maging pangulo kaysa sa tulong ni Soliman na maabot ni GMA ang mahihirap kaya mapait man daw ay kailangang inumin ang pildoras. Yan ang pulitika. Walang makakaalis sa karumihan

Aaminin ko ring masasaktan ako pag ako ay binitiwan ng aking boss na pinagsisilbihan. Ang magiging reaksiyon ko ay magalit at magsalita ng masasakit, humingi ng tulong nang papanig sa akin...kung ang gagamitin ko ay aking batang isip. Kung ako nga eh baka maglupasay pa ako na parang batang inagawan ng candy. Nguni't kung ang aking isip ay sa isang marunong magtimbang-timbang ng mga pangyayari, bilang kaibigan ni GMA (magkaibigan ba sila?) ay iiwasan ko na lang ang gumawa ng mga paghahayag dahil kahit sabihin niyang Puti ang Kulay, lumalabas pa rin na ITIM. HIndi ko kinakampihan si GMA. Pero ito ang tunay na mundo. No one is indispensible in an organization, not even a CEO. (hiram ko lang yan).

Soliman also thought De Castro should not handle the department because he was "not a professional social worker," the source said, adding, "It's a very sensitive thing and this is now a big problem for the President."

Si GMA ay hindi social worker, pero hinawakan niya ang katungkulan noong siya ay Bise Presidente. Ang pagiging Social worker ay hindi sapat na kualipikasyon lalo na kung ang katungkulang hahawakan ay nangangailangan ng pang-unawa ng pamamahala ng malaking organisasyon. Ang nars ay maaring magaling na Nars pero maaring hindi siya magaling na manager ng isang departmento ng mga narses.

Dapat nga dahil siya ay nanggaling sa NGO, hindi siya dapat napunta sa DSWD na kung saan magkakaroon ng hinala na ang mga kakilala niyang mga taga NGO ay maaring nabibigyan niya ng magandang pabor.

Hindi lamang siya ay umalma. Ang kaniyang mga empleyado, natural yon dahil maapektuhan sila. Mga kaibigan niya... natural yon dahil kailangan suportahan siya pero sa huli, siya lamang ang maaring magpasya.

Kung gusto talaga niyang magsilbi sa mamamayan, hindi siya aalis sa gobyerno. Kung ako, hindi ako aalis. Tatanggap ako ng bagong puwesto.Hindi ko sila bibigyan ng kaligayahan na makita ako ay talunan.

Ang mga bugso ng damdamin at pakikinig sa mga sulsol ng ilang kaibigan ang pinagsisihan minsan ng ibang nilalang.

Para rin yang iniwanan ng isang boypren kapalit ng panibagong girlpren. Bakit ka iiyak at magmumukmok. Manatili kang aktibo at nakikita ng mga (hinayupak na mga taksil)delete delete, mag-ayos at ipakita mong 'no sa akin. Pagdating mo sa iyong sariling kuwarto saka ka bumanghalit ng iyak.

AHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH.

The Inquirer tried to get Soliman's side. She said she would talk about "that Noli issue" in a press conference at noon Tuesday at a restaurant in Quezon City
.

Ang press conference ay palaging pinanggagalingan ng mga maling pahayag dahil pinalalaki ng media ang mga isyung makakaakit sa pagbabasa ng publiko.Isa pa ito ay parang reaksiyon ng talunan, ng masama ang loob.

Ang isang nasabi na ay hindi puwedeng bawiin.

Hindi ito kagaya ng kanin na mainit at iluluwa kong walang ULAM. ahee.

SPYDERDAW

4 Comments:

At 6:47 PM, Blogger batjay said...

ilalagay ko ang sarili ko kay dinky baby...

masakit din talaga ang malapitan dahil nag accomodate ang boss mo ng political utang. mas maganda nga sana kung fired ka dahil sa incompetence o kaya alam mong mas magaling sa iyo ang papalit sa iyo. kaya lang political accomodation. iniisip mo tuloy, kaya nagkakanda leche leche ang pilipinas ay dahil nangyayari itong mga accomodation na ito all over the different offices of government. nawawala yung meritocracy na dapat mangibabaw every time you fill up positions.

ngayon ang tanong ko ay ito... ano kaya ang mangyayari kung may kumagat na radio active na tao sa isang gagamba? magiging manspider ba ito?

 
At 10:09 PM, Blogger Dr. Emer said...

Kawawa naman si Dinky-do. Pero dapat mabait sya ke Noli. Pakiramdam ko sya na ang magiging sunod na presidente natin. Tapos si Bong Revilla naman. Ewan ko kung ano na mangyayari pag ganoon.

Meritocracy? Sa libro at panaginip lang yun, BatJay. Malungkot, pero it does not happen here.

 
At 10:36 PM, Anonymous Anonymous said...

walang meritocracy sa gobyerno o sa pulitika-- manong ni Spiderman.Alam ni Dinky yan. Hindi pa ba niya alam ang boss niya na masyadong matanawin ng utang na loob.
Garapal nga si Erap noon dahil binigay kaagad kay Cojuangco ang San Miguel at pinalilibing kaagad si Macoy sa libingan ng mga bayani. Ang sinasabi ko baga ay ang reaksiyon ni Dinky. Ang ayaw tumanggap ng ibang puwesto. Sa totoong corporate world, you do not dictate to your boss.

Maliwanag ang katotohanan na may pangarap maging presidente si Noli at itong DSWD ang magiging behikulo niya sa paglapit sa puso ng mahihirap.
Talking about positioning this early.

Syanga pala,kung nahuli ko yong tunay na spider kinagat ko rin sana.Pero sabi ko nga saiyo...ang lintek, nakapayong pa at nakabotas.

The CA t

 
At 3:54 AM, Blogger rolly said...

Ah, utang na loob! Walang dulot na maganda yan sa gobyerno at sa politika. Isa yan sa mga dahilan kung bakit nagka-kaleche-leche tayo e.

Pero in fairness, Dinky should have known that as an appointee, she serves at the pleasure of the president. For whatever reason, kung ayaw na ng nag-appoint, walang magagawa yung inappoint. Matagal na yan di ba?Ganun yun e. Malas na lang siya at ang problema, kung malas din tayo.

 

Post a Comment

<< Home