Monday, July 12, 2004

Naiiyak ako

Dear Mouse,

Naiyak ako. Kasi napanood ko sa TFC na naiyak din si Lorenzo noong siya ay magbitiw sa kaniyang puwesto sa Department of Agriculture. Parang nakakaawa siya. Sino ba naman ang di maawa sa kaniya. Biruin mo inalis nga siya pero inilagay naman siya sa Land Bank of The Philippines.Hawak niya ang mga credit and lending institutions pagdating sa lupa at pagsasaka. Di ba nakakaawa yan ? Pahingi nga ng panyo.

Naiiyak din ako sa tuwa dahil sa balitang ito.

Mga Filipinong ibig makatulong sa bayan at hindi mapang-upasala sa kanilang mga iniwan sa Inang Bayan.


Filipino MIT students plan entrepreneurial contest,

By Erwin Lemuel G. Oliva

INQ7.net

TEN Filipino-American graduate students of the Massachusetts Institute of Technology (MIT) will hold a competition cum search for the best innovative ideas in information technology in the Philippines, INQ7.net learned Monday.

According to the competition's lead organizer Neil Ruiz,the competition intends to find the best innovative ideas,as well as top entrepreneurs, in the country, and help develop them into commercial ventures.

"We want to to bring the academe, local entrepreneurs, industry, and venture capitalists together in this competition," Ruiz later said in an interview.


Basahin ang balita dito.

Naiiyak ako pero hindi ko alam kung bakit.

Ang mga kababaihan ngayon ay pinapasukan ang mga dati ay panglalaki lang. Ito ang bahagi ng balita.


The women of Cebu Pacific Airlines are taxiing off the runway — and they have full control of their aircraft, from the cabin to the cockpit.

The local airline’s maiden flight with an all-female crew took off from Manila for Cebu at 1 p.m. yesterday, with Capt. Catherine Marie Castillo handling the plane’s controls.

Castillo, 34, hails from San Juan and is a graduate of the University of the Philippines (UP), where she earned a bachelor of science degree in business administration.


Kung ang tawag sa mga lalaki ay piloto, anong tawag sa mga babae? Teka, nasaan na ang mga kalalakihan?

The CA t

18 Comments:

At 2:41 PM, Blogger Dr. Emer said...

"Teka, nasaan na ang mga kalalakihan?"

Choose the BEST answer:
a.) They have left the Philippines as OCWs.
b.) They have remained unemployed.
c.) They have became house-husbands.
d.) They died young.
e.) All of the above.

=)

 
At 5:31 PM, Anonymous Anonymous said...

mari

yan ang girl power!

 
At 9:32 PM, Blogger cathy said...

Doc,
nasa likod ng bahay, naglalaba. :)

 
At 9:33 PM, Blogger cathy said...

Mari,

Pati Mars ininvade ng Babae.:)

 
At 9:35 PM, Blogger batjay said...

ang galing naman sana marami pang trabaho ang punuin ng mga kababaihan. dito sa singpapore, marami nang mga bus at taxi drivers ang babae. sana pagtagal pati mga barko at mga eroplanong malalaki.

babaing piloto? pelota? pilotita? pilotess? miss pilot?
ano ang plural ng babaing piloto? pero eto ang tanong ko... ano ang plural ng bonus? ng hocus pocus?

 
At 12:39 AM, Blogger Sassy Lawyer said...

Naiiyak din ako. Kawawa naman si Erap. Pinayagan na lumipat sa kanyang rest house pero ang daming kondisyones... Nakakaawa sya... sana, mamahinga na lang sya... nang habang-buhay. Si Jinggoy din.

 
At 12:47 AM, Blogger rolly said...

Sorry, Cat na-late ako. Naglaba pa kasi ko at ipinag-plantsa ko ng damit yung asawa ko para sa trabaho niya.

Nung unang panahon naman pantay ang lalaki at babae sa Pilipinas e. tingnan nyo ang ating literatura, sabay lumabas sa kawayan silang dalawa! Maski sa history, may mga babae tayong lumaban ng patayan sa giyera. Pinakialaman lang kasi tayo e. Dun na lumabas yung mga stereotypes na inabutan ng mga magulang natin.

 
At 1:01 AM, Blogger jas said...

akalain mo pinaglagpas ng sandiganbayan yung kaso ni erap tungkol sa mga alyas nya? at bakit rest house arrest sha? dapat nga dun sha sa bilibid e, para magkaalaman na kung talagang astigin sha at di sha kakantihin ng mga kakosa nya don.

naknampuchang yan.

nung nanalong senador si jinggoy dasal ako ng dasal na sana sa sobrang tuwa nya atakihin sha sa puso at di na sha umabot ng buhay sa ospital. si erap din sana bangungutin sa pagtulog nya no?

(halata bang galit ako? :))

 
At 1:22 AM, Blogger Jon Vizcarra said...

Nasaan ang mga lalake? Yung iba bading na.

 
At 1:24 AM, Blogger rolly said...

HAHAHAHA, jobert! Totoo ka! NAglipana na sila.

 
At 1:31 AM, Blogger Jon Vizcarra said...

Hey! I didn't notice that you changed domain names. Kasi yung sa blogger site mo, walang announcement. Or was there? Wait... hmmmm... hmmm... wala nga.

Oh and don't forget, Garfield doesn't like to chase mice. It's spiders and birds that he hates.

 
At 6:25 AM, Anonymous Anonymous said...

Regarding Neil Ruiz of MIT, I know him personally! He's an intellectual yet very down to earth. He got an undergraduate degree in Political Science at the University of Southern California, his masters at Oxford and he is currently pursuing his PhD at MIT. His family hails from Pangasinan. Methinks his is a noble undertaking for the Philippines.

Doc Rod

 
At 6:43 AM, Blogger cathy said...

C,
Naiiyak ako doon sa pagpayag nilang house arrest kay Erap. Biruin mo, ang laki ng swimming pool niya doon
baka mapagod siyang lumangoy; airconditioned ang kuwarto
niya,baka siya mapulmonya sa sobrang lamig. Baka madalas doon sa Senator Loi, kawawa naman yong 2,3,4,5, 6. Kailangan ko pang maraming panyo.
Para tayong CRYING LADIES nito.

 
At 6:51 AM, Blogger cathy said...

Jasmine,
Alam mo noong pinanood ko yong pag testify ng babaeng executive ng banko,naiiyak din ako. Tapang niya.
Dalawang gabing wala akong tulog. Pagdating ko sa opit
inaantok ako. Muntik na akong mag-snore nang minsang
may auditor na pumasok sa aking kuwarto.Tapos pinawalang bisa nila ang testimonyang yan na sapat para sabihin si Jose Velarde si Erap. Nasaan ba yong Statue of Liberty ko at maibalibag. hmmm

 
At 6:56 AM, Blogger cathy said...

Titorolly,
Tigas-in ka pala. Tigas-sampay ka rin ba?
Yong isa kasing kakilala ko,sinisigawan niya si Misis nang ganito...OO maglalaba ako sa kundisyong ikaw ang magsasampay.(bulong sa sarili...makita pa ako nina kumpare sa labas...ano ako under.) at matapang siyang nagmartsa papunta sa washing machine.

 
At 7:02 AM, Blogger cathy said...

Jobert,
thank you sa info tungkol kay Garfield. May tenant nga pala silang daga na hindi niya mapalayas. Nakikipag-usap
pa siya sa daga.Parang may kakilala akong blogger na ganon din ang ginagawa.Hmmmm sino nga pangalan noon?

 
At 7:04 AM, Blogger cathy said...

Dr.Emer,
Bata pa siya. Si Yuga may kilala ring Ruiz. Pero hindi niya sasabihin yon kahit pakainin ninyo siya.

 
At 7:08 AM, Blogger cathy said...

Jay,
Noon ang babaeng lumilipad, tawag nila Darna. Yong ibang
hati ang katawan, manananggal, ngayong may eruplano na silang ginagamit sa paglipad pelota na sila.

 

Post a Comment

<< Home