Speak English please
Dear Mouse,
Karamihan sa ating mga peyrents ay gustong matuto tayo ng English sa murang gulang. Kagaya ni Titorolly para sa kaniyang mga anak. Kaya kung minsan,habang bata pa tayo ay ispokening England sila sa atin. Pati na si Yaya Mariya ay napipilitang ilabas ang kanilang kinatago-tagong English galing sa baul.
"Dirty dirty ha, dirty ha. Yur mama will palo you. "
O di ba nakakalukreng ? Sila ang mga original na Kris Aquino at mga “My gosh, this place is so baho naman" /hybrid language speaking colegialas.
Come to think of it, ang mga yaya ang mga first “teachers” ng mga batang are. Tinanong nga minsan ang isang DH sa HK kung paano sila nagkakaintindihan ng kaniyang mga alagang mga Insik. Sabi niya tinuturuan niya ng Tagalog. O nakakabaliw talaga. Kaya sa aking paboritong si Conrado Quiroz, darating ang panahon, lahat ng mga lider sa ibang bansa ay marunong magtagalog, mag Ilocano o kaya mag Bisaya. Dahil sa mga OFW na DH.
Tingnan mo sa San Francisco. Ang pronunciation ng San Pedro ay San Pidro. Marami kasing Bisaya doon.
Kung nahirapan ang mga batang mag –English, mahihirapan din ang Pilipinong marunong ng magaling na English sa ibang parte ng Estet kagaya ng Boston kung saan itinakwil nila ang alphabet na R at may sarili silang vocabulary.
Sa Pilipinas ang tawag sa tren ay LRT or MRT.Sa San Francisco ay BART; sa New York ay subway at sa Boston ay T. ( Maiksi lang di ba ? Ang mahaba ay yong kasunod.)
It does not run all night. Fah chrysakes, this ain’t Noo Yawk.
Sa Pilipinas ay garbage can, sa Calif ay Trash bin, sa Boston ay Barrel. (ang layo).
Sa Pilipinas ay drinking fountain, sa ibang States as water fountain; sa Boston ay bubblah.
Sa Pilipinas ay wallet, sa ibang States ay purse; sa Boston ay POCKABOOK.
Sa Pilipinas ay grocery cart, sa ibang States ay shopping cart, sa Boston ay carriage. (nasaan ang kabayo ? hohoho,tigidig tigidig).
Sa ibang States ay franks, sa Boston ay haht dogs.Sa Pilipinas ay police car, sa ibang States ay patrol units or black and whites, sa Boston ay crooza.
sa Pinas ay bus, sa SF ay Muni at sa Boston ay looza crooza.
Remember it is not rubber band but elastic.
It is not a rotunda or a traffic circle but a rotary. (Ano phone ?)
When you order the "cold tea" in China Town after 2:00 am & you'll get a kettle full of beer.
If you think, Filipinos are worst drivers, think again
Lastly, they think Rhode Island accents are annoying.Ask my sister who has been a resident of Boston since she migrated to States. She got a funny accent.
The CA t
12 Comments:
Dahil na rin sa call center ako nagtatrabaho, relate ako sa mga bagay na iyan. Nakakatuwang pakinggan ang iba't ibang accent ng mga kano. Basta iba talaga ang Boston; Chicago is hard to understand. At ang letter I sa North Carolina ay pino-pronounce na "aah", weird. and it is actually Tu-zon for Tucson. I ain't goin' nowhey, baby...hehehe kakabaliw
Naalala ko tuloy nung pinag-usapan namin ni hubby ang heating system sa bahay namin (under construction pa). Eh ako nag-open ng usapan. Tingin sa akin, puzzled...Ang dinig nya sa sabi ko, "hitting" system. Eh di nagkaroon ng mini-lesson sa proper pronunciation ang Manang. Alangya...kala ko magaling-galing na ako sa ingles. SAbi ko na nga ba, dapat puro chat at email na lang eh. Mas magaling ako mag-type (50-60 wpm). hehehe...
I remember my first few months in Philly when I had some pictures developed in a pharmacy, Rite-Aid yata yun or Cosco, I forgot. Anyway, there was a black woman manning the shop when I dropped by to claim my pictures.
"Last neyyy???" she asked.
I said, "What?"
"Last neyyy???" she asked again.
"Can you repeat that?"
"Oh man! Last neyyy??"
"Last night? Why yes! I had them developed last night." was my reply, feeling relieved.
"Oh no! Last neyyyy???" she said this time, almost screaming.
I paused. Thought for a while. What is she saying???
It took me about 15minutes to decipher that what she meant, was last name. After the misunderstanding, we end up laughing. Ever since, I got to learn about the deep southern slang of Alabama.
Mahirap sumahin ang dila ng mga Kano. =)
Hay, naku, kaya hindi kami nag-yaya. From birth to age 7 ng mga kids ko, AKO lang. Kaya ngayon, 'pag sinabi kong gabi na at matulog na, gayang-gaya ang linya ko, "You gotta be kidding me."
Ngek!
This comment has been removed by a blog administrator.
Unang salta ko sa Estet, sabak agad ako sa telepono.
Pareho kaming tuliro nang kausap ko. Manganinganing sabihin ko sa isa...here is a dollar, find yourself somebody to talk to...sa tagalog, maghanap ka ng kausap mo. tseh.
WHAT ARE YOU TRYING TO EXIT?
anong gusto mong palabasin?
WHAT ARE YOU TAKING ME FOR? GRANTED?
WHO LET THE DOGS OUT?
kumakain ka ba ng aso?
Hi gwen,
Welcome. masyado siguro pasensiya mo working in a call center. Ako,siguro madalas maibalibag ang telepono.
Good luck sa dream mo.
Hey Jay,
"wag sana tayong magkatagpo, kung hindi pareho tayong may kabag. By the way,sumali ka sa club namin.
WNA. Wala ng Appendix Club.
teka teka, nahuli ko. Cat, hindi ko pinalaking english speaking mga anak ko. Pang sosyal lang yun e. Ako e kutis lupa. Hindi bagay maging english speaking.
hehe... sige Ca T, sali ako diyan sa appendix club nyo. kaya lang sali ka rin sa club namin: Appendix 'R Gone. club ito ng mga wala nang appendix na di masyadong marunong mag english!
mayron pang isang magandang true story na related sa post na ito. one day, sa heart center, tinanong ng doctor kung nasaan yung nawawalang pasyente. sabi ng kasamang nurse ni jet... "SORRY DOCTOR, BUT THE PATIENT IS DIE!"
speaking of english...
tinanong ako minsan para ng isang highschool student dito. may tinanong sa homework niya. ano daw ang "other word for rough?" sabi ko, "have you checked the thesaurus on ms word." sabi niya nagawa na daw niya at wala daw lumabas. pumunta ako sa computer niya ang spelling pala niya ng "rough" (magaspang) ay "ruff." hindi ako makapaniwala, mother tongue niya ang english pero di alam ang spelling?
Post a Comment
<< Home