Sinong Pete ?
Dear Mouse,
Sinong Pete ? Matagal ng tanong na nasa isip ko tuwing maririnig ko ang expression na For Pete’s sake!!!!!. Yong asawang Puti ng aking kaibigan ay sinabi ulit yon, habang nagdidiskusyon kami tungkol sa politics sa Pinas. Oo, Birhinya, pakialamero yong brutong yon sa Philippine current events mula ng ang kanilang TV ay nakatune-in sa TFC maghapon, magdamag. Mas kilala nga niya si Dilangalen kaysa doon sa Kandidato sa US Senate na binuking ng asawa na pinipilit siyang makipag sex sa iba.
“Sinong Sinumpit ? Tanong ng kaibigan ko, habang pangal ang isang malaking hiwa ng kalderetang kambing.
“Honey, she meant Pete”. Aha. Away na.
Pero, hindi pumatol ang kaibigan ko. Busy siyang bunuin yong inihaw na bangus. Ako ang binalingan niya at sabi, "Tanungin mo. Matalino naman yan eh. Yon lang hindi niya alam na kambing pala ang kinakain. niya."
MweheheheheheL
Banat ni Puti. "It must have come from same expression, For the love of Mike,,for the love of Pete.
"And who is that Mike, for Pete’s sake…cough it out, sweetie. "Galing ng aking kaibigang mang-asar. Yong lumpiang shanghai naman na napahaba ang kaniyang pinagkakaabalahan.
Oo, nga pala bersdey noong kapatid na bunso ng boy-from-hell, kaya nagpapasasa na naman kami sa luto ng Pinoy.
There’s nothing really in there but a substitution for a blasphemous, for God’s sake…Some attributed it to Michaelangelo when he was painting St. Peter’s. Jesus H. Christ, didn’t they know that he was Italian.
"O, binanggit na naman niya yong pinsan ni J na may middle initial.. Ano ba ang H na yan." Yong kilawen naman ang hindi pinatawad ang aking kaibigan. hmm kulang sa suka.(Namintas pa.)
Now there honey, I am sorry, it is a blasphemy even the intent of the people is really to avoid the mention of His name. It is not like saying George H. Bush and George W. Bush.
Now there, you, blastfamous—blasting famous people blaster.
Parang lasing na yong kaibigan ko. Hindi sa beer kung hindi doon sa grapes na denekorasyon ko sa center table. Pag nawala yong mga artificial butterfly doon, alam ko kung sino ang pasusukahin ko.
O di ba nakakalukring ang mga expressions, clichés, aphorisms, sayings, etc. ng mga ‘Mericans. Kagaya ng , It is raining cats and dogs.Kung rich ang imagination mo, biruin mo yong I-visualize mo ang mga aso’t pusa na nahuhulog sa langit. (Ano kayang breed sila?) Kahit gumamit ka pa ng payong,tiyak sira.Dahil kakamultin nila. (not to consider their weights).
Yon pala galing sa Norse mythology ang kasabihang ito kung saan ang mga Pusa ay pinaniniwalaang may impluwensiya sa weather lalo sa bagyo. Ang pusa raw ang nagdadala ng ulan (bwahahahahaha, hindi ko alam, ganiyan kami kapowerful. Ang alam ko lang ulan na dala ay luha saka yong pag pumupunta ako sa bathroom ugh). Ang aso naman daw ay nagdadala ng hangin.
Ngayon ibang picture ang nakikita ko---mga pusang nahuhulog sa langit as ulan habang binabalibag tayo mula sa iba’t ibang direksiyon ng mga bulldogs,chiuahua, retriever, poodle at ibp.
Yong long arm of law ay nagbigay sa akin ng larawan ng mga pulis na ang mga kamay ay stretchable.
At yong “Cloud nine” ay nakakita ako ng picture ko na nakasakay ako sa ulap na may number nine.
MARAMI PA kaya lang I am now a happy as a clam sana kaya lang palabas yong pelikula ni FPJ at ni Juday. Parang gusto ko ng tums. Lumapit pa yong Puting nang-aasar, Isn't he the presidential candidate who lost in your electiion.
Gusto kong batuhin noong leche plan.
Goodnight.
The CA t
3 Comments:
At pagkatapos, pumunta si Sharon sa America para manganak...
Ano kamo? hahaha Cat, medyo naguluhan yata ako sa post mo ngayon a. Pero cute pa rin. Natawa ko.
Anyway, hindi maintindihan ng mga amerikano kong kaibigan nang sabihing kong "it's raining kittens and puppies" nung may drizzle.
cliches, at mga blurt outs ng mga Merkano kung saan
galing.
ang isa pa ay si yesberdyinya. yesberdyinya this, yesberdyinya that. yesberdyinya there is a santaklaws. puro na lang yesberdyinya.
Post a Comment
<< Home