Sunday, August 29, 2004

Utang na Loob, Utang na Labas

Dear mouse,

May natanggap akong sulat na nagtatanong tungkol sa white paper "The Deepening Crisis:the Real score on deficits and public debt."

Mahal kong Pusa,(kasama na ang daga)

Hindi po kataasan ang inabot ko sa pag-aaral dahil takot po ako sa matatas na lugar.

Nasa ikatlong palapag po ang kuwarto ng mga matatas na antas at hindi na po ako umakyat.

Maari po bang iesplika ninyo sa akin kung bakit kailangang umiyak ang marami (Cry-sis) at ano ho ba ang ibig sabihin ng deficit at public debt?

Nagpasirko-sirko ho (PDFACROBAT) pero talaga hong hindi ko maintindihan.

Tanong :Ang deficit ba ay yong kagaya ng sinasabi ng titser ko na don't drink from de ficit ?

Sagot: Ang deficit ay katulad yan nang kumain ka ng kumain sa restaurant at nang dumating ang babayaran mo ay kulang pala ang iyong pera sa bulsa.

Ang ibig sabihin ng crisis ay patay-kang- Pilipinas ka-pag-hindi-ka-nagbago. Iiyak kang kagaya ng Argentina.

Tanong: Ano po ba ang public debt? Utang po ba ito ng bayan ? Bakit wala yata akong natanggap?

Sagot: Kahalintulad ito sa listahan sa kalendaryo ng sari-sari store ng mga utang ng pamilyang ang mga kakulangan sa kanilang kinikita ay inuutang na lamang para matustusan ang kanilang pangangailangan.

Ito rin ay kahalintulad ng utang sa mga nagpapafive-six ng mga pamilyang ay hinihintay na padala galing sa Saudi pero kapos pa rin dahil sa tuition ni Ineng at ang pagpapakumpuni ng bubong na tumutulo.

Tanong: Ang ibig bang sabihin ng GDP ay "KAPANGIT NA PRODUKTONG SARILI"? Madalas ko po kasing marinig si Kris Aquino na magsabing "Ay Gross naman" pag may nakita siyang pangit."

Sagot: Ang Gross Domestic product ay kahalintulad ng kinikita ng pamilyang nanggagaling lang dito sa Pinas. Pag isinama yong kinikita ng mga Pilipinong ani ni Quiros ay Tagalinis ng Kubeta, ito ay magiging GNP.

Tanong: Ano ba ang ibig sabihin ng ang utang ng gobyerno na 3.36 trillion ay 78 per cent as large as GDP at ang total outstanding debt natin ay 130 per cent ng GDP?

Ang daming zero na yon. Hindi ko mabilang sa kamay ko. Ano ba ang kaibahan ng utang ng gobyerno at total outstanding debt?

Sagot:Isa-sahin nating sagutin. Kunwari ang GDP natin ay si Rizal. Ito ay isandaang sentimo ang halaga.

a.Ang utang ng gobyerno ay katumbas ng tatlong 25 sentimos o 75 sentimoses:

at tatlong sentimoses:

ang sukli ay 22 sentimos lang.

b. kabuuang utang ng Pilipinas (Outstanding debt) ay katumbas ni Rizal:

na nagsama ng isang 25 sentimos:

at ng limang sentimoses.

ang ating kinikita ay maliit pa sa kabuuan ng ating utang.

C.Ang utangng gobyerno ay mga utang dahil hindi kasya nag kinikita nito.

D. Ang utang na pangkalahatan ay kasama ang @#@#$%^&**@#$ ng mga namamahala ay nababaon sa utang.

The Ca t

0 Comments:

Post a Comment

<< Home