Thursday, September 02, 2004

Excuse me lang ha

Dear Mouse,

Excuse me lang sa aking maraming tatlong readers. Isasabit ko muna ang aking utak at ako ay magpapakabaliw sa mga balitang ito:

1. Si Madam Auring daw ay nakunan dahil sa sobrang stress sa ginagawang pelikulang Igorota.

Cat sez: O eto ang aking dalawang pisngi. Sampal-sampalin ninyo para kumapal ng kasing kapal nang sa kaniya.

Ano siya, naghahabol sa Guiness Book of World Records sa pinakamatandang babaeng menopause na nagbubuntis pa.Ilusyonada.

Pakibura nga ang kilay.

Binatikos ni Jinggoy ang pagsama ng mga anak,apo at yaya ni PGMA sa China.

Noon kasing pangulo ang tatay niya,hindi sila isinasama minsan dahil ang kasama ay yong ibang pamilya o kaya ay bagong prospect.

(Barreled laughter)

3.Hindi raw ginastusan ng gobyerno ang pamilya ni PGMA papuntang China. Nagdonate raw ang mga businessmen ng malaki.

Ano kapalit ?

Upuan sa eruplano patungo sa China? Huwag sanang tax amnesty.

4. Sabi ni DOJ Sec. Gonzales: Unnecessary seminars and out-of-town engagements of DOJ officials would have to be shelved.

Cat sez: Define unnecessary.Lagot na ang mga second families na nadadalaw lang pag may out-of-town-seminars.yekyekyek

5. Senator Lim proposed that the administration recall all private cars and other luxury vehicles issued to government bureaus and offices, and replace these with jeeps.

Cat sez: Naku magalaw yon baka lalong makalog ang utak ng mga senador at congressman.

FX na lang para makapickup ng pasahero.

The Ca t

5 Comments:

At 8:00 AM, Blogger rolly said...

Si madam auring, hindi nahulaan na magiging baliw ang tingin sa kanya ng mga tao sa pinagsasasabi niya. hehe

At si Jinggoy, magagalit nga. Biruin mo, ni hindi siya naisama ng tatay niya nung presidente pa ito. tapos ngayon...

 
At 2:42 AM, Blogger Sassy Lawyer said...

'Di ko rin ma-take 'yung kay Madame Auring. Parang, ano ba 'yan, 'exempted s'ya sa menopause. Eh, mukhang 15 years ago pa siya nag-menopause, ano? Ang kapal. Tinalo pa ang kakapalan ng make-up n'ya.

 
At 2:11 PM, Blogger angelo said...

what a stress-buster! :)) way past cool cath.

 
At 6:01 PM, Blogger Dr. Emer said...

Stress at ilusyon lang yung ke madam auring. Nakukunan pa ba ang 65-years old? Ooooppps!

 
At 8:21 PM, Anonymous Anonymous said...

hi cat..napanood ko sa tv yung interview kay madam auring. nakakaloka sya na nakakainis!

 

Post a Comment

<< Home