Kinunot na Pating
Dear Mouse,
Bago ang lahat, tenk yu kay Mike Aquino sa link niya sa smilies cat.
Para namang nadaya ko yong naghanap ng kinunot na pating sa google at lumabas ang aking Now What Cat.
Kaya, ibibigay ko ang recipe ng kinunot na pating mula sa natatandaan kong resipe ng aking lolo. May baklad siya noon sa probins kaya every now and then, may naliligaw Na mga apo ni Jaws.
Mga kailangan sa Kinunot na pating
Isang malaking lata ng gata ng niyog
Dalawang maliit na apo ni Jaws ( siguro mga one foot lang ang size dahil kung mas malaki baka nakakain na ng kamay ng tao. Ngiii
Bawang
Paminta (yong malalaki)
Asin
Suka (isang tasa)
Dahon ng malunggay
Luya
Palambutin ang nilinis na apo ni Jaws. Huwag bibiyakin o puputol-putulin. Saka na kayo gumanti.
Pag kakaunti na lang ang tubig, ilagay ang isang tasang suka at hayaang maluto ang pating sa suka. Buti nga sa kanila. Pang-alis daw ito ng lansa.
Hanguin. Himayin na parang kinukurot ang pating na pinakuluan. Buti nga saiyo, buti nga saiyo.
Initin ang ¾ ng lata ng gata ng niyog sa isang kawali. Maglagay ng bawang na pinitpit . Pamintang pinitpit din. Kumuha ng palu-palo at hampasin ng hampasin ang luya Hanggang ito ay maging flat.
Ilagay sa nilalagang pating. Buti nga sa kanila.
Pag kumukulo ng kaunti ang gata ay ihulog ang hinimay na apo ni Jaws habang inuusal ang buti nga sainyo.
Haluin, hanggang tuyo-tuyo na ang gata. Ihalo ang natitirang Gata . Timplahan ng asin . Tikman. Pweh. Ipagpatuloy ang pagluto na mahina na ang apoy. Pay medyo tuyo na ilagay ang dahon ng malunggay. Mapait ito pag-overcooked.
Patuyuin ng kaunti ang gata.
Luto na.
Ilagay sa pinggan.Pagkakataon mo nang kainin ang pating dahil kung ikaw ang kakainin, di ka na lulutuin.
Kumuha ng beer.
Ano Tagay na mga pre.
The Ca t
4 Comments:
hahaha...mas type ko pa ring gawing siopao yung kat.
Ting,
ano ka carnival ? ermm cannibal ?
Lagyan mo ng slice of lemmon yang Corona Extra ng Pusa para may twist...Hik! Mukhang masarap yang Pinched shark mo ah...san kaya makahuli ng pating?
pinched?siguro dapat sinabunutan. kinunot.
Post a Comment
<< Home