Paulit-ulit
Dear Mouse,
Tanong ni Xp na tinanong naman sa kaniya, bakit daw mahilig paulit-ulit ng salita at pangalan ang mga Pinoy?
Bakit-bakit nga ba?
Sila ba ay gaya-gaya?
Kagaya ng:
Junjun
Megmeg
Cathcath (ahem)
Mga salitang:
ihaw-ihaw
tuhog-tuhog
ganda-ganda ko (ahem)
pangit-pangit mo (’ray, ba’t ka nambabato ng pusa?)
Yong pangalang kong cathcath ay ginawa ko para wala akong kapareho. Dami kasi ng cat,cath at cathy na pag tinype mo ang keyword na cat ay sangkatutak ang lalabas sa search.
Pag tinype ko ang cathcath sa google,lumalabas kaagad yong aking Now What, Ca t?
Ang turo sa amin sa Pilipino ay ang pag-uulit ay ginagawa sa mga salitang hindi makkatayong mag-isa.
Oo birhinya, yong kailangan siguro ay may tungkod para tumayo pero sa halip na tungkod ay isa pang parehong salita ang ikinakabit na may kasamang gitling(hyphen)
Katulad ng:
lapu-lapu
hasa-hasa
Mantakin mo nga namang sabihin mong “Ang ulam namin ngayon ay lapu.”
Akala ko pa naman ay dahil nang napatay ni Lapu-lapu si Magellan, sumigaw ang mga tao ng LAPU, LAPU. Kaya nang isinulat ng historian ang nangyari, akala niya ay Lapu-lapu ang kaniyang pangalan.(cornyko, so?)
Nagkakaroon lang ng gitling kung ang salitang inuulit ay nagtatapos sa patinig (vowel). Subalit kung ito ay sa katinig (consonant) nawawala ang gitling (hyphen).
Kagaya ng
gaygay
baybay
pakpak
Taytay
Mantakin mo nga namang sabihin mong,”ang ibon ay may pak o kaya ako ay pupunta sa Tay".
Akala ko pa naman kaya yon tinawag ng pakpak ay dahil sa tunog ng lipad. pak pak pak pak.
Akala ko pa naman kaya Taytay ang tawag dahil nang nagtatanong ang Kastila kung anong lugar iyon ay tinawag ng bata ang kaniyang ama ng...’Tay, ‘Tay. Tinawag nila ang lugar ng Taytay.(o sige na corny na)
Ang pag-uulit ng pang-uri (adjective ) ay para bigyang diin ang kahulugan dahil wala tayong salitang katumbas ng “very”
Kagaya ng “very pretty”.
Ang sasabihin ng Pinoy ay,” Ganda-ganda naman.” Pag ang kasama ay hindi umayon na maganda, ang sasabihin niya ay Ganda lang.
Pag pangit naman ay pangit-pangit naman.Pag may umangal sabihin mo na lang na kamukhamo.
Kagaya rin ng tanga-tanga naman, bobo-bobo naman, baho-baho naman.
Sa wastong gamit ng pang-uri na nagsasaad ng kagandahang walang katulad, dapat ang ginagamit ay NAPAKAGANDA. Kaya ang pag-uulit natin ng mga pang-uri ay nakagawian na lang dahil madalas marinig at hindi dahil ito ang sinasabi ng balarila.
Lalim-lalim ng Tagalog ko noh?Mahilig din tayong mag-ulit ng palayaw (nickname).
Kagaya ng :
Junjun, Maymay, Ann-ann, etc.
Marahil dahil pag kabataan natin lagi tayong nabibingi pag tinawag tayo ng ating mader para utusan kaya tumatawag siya ng ilang beses. Sa kalaunan ay nagiging gawi na ang pagtawag ng ganoong pangalan.
Dahil tayong mga Pinoy ay gaya-gaya, naging kagawian na ito.
The Cat The Ca t
6 Comments:
parang ako nung bata: butt-butt. mweheheh... jay-jay. alam ko na agad pag may tumawag sa akin na jay-jay. either kalaro ko nung bata ako or close relatives like my mommy or by brothers and sisters.
pansin mo rin siguro ang mga malay at mga indonesians ay mahilig din sa paulit ulit na salita. gayagaya kasi sila eh.
haynako, si acthcath talaga puro pasaway ang sagot.
eto, may asignment ka: Bakit naman daw mahilig tayong magbaliktad (baligtad?) ng mga salita. Noypi for Pinoy, for example.
Bigyan ba ng asignatura!!?!??! HAHAHAHAHAHAHA!!!
tenks paper issue.
jay,
mas maganda naman yong batbat para saiyo kaysa iyong
BJ.(ang madumi ang utak talagang madumi). hehehe
Ilib ako saiyo XP binigyan mo na naman ako ng assignment. ano ka sertit
(titser) ko?
sertit? parang bastos ata! ang panget naman nun hehehehehe!
Post a Comment
<< Home