Friday, September 03, 2004

Seminarista ako

Dear Mouse,

Durga wrote:

In my novice teacher training seminar today, the topic of discussion was Classroom Management. Half of us novice teachers think that we shouldn’t really have to sit through the whole three hours of tonight because we pretty much have it up to our necks with information overload
.

Katulad ko seminarista rin pala siya.

Hindi yong magpapari kung hindi yong madalas-nag-attend-ng-seminar-na-pag-uwi- ay-di-niya-alam-ang-natutuhan-niya-sa-dami- ng-nakakalitong do's-and don'ts-at-mga- mission-and-vision-kaekekan.

Oo, Birhinya, paborito akong kaladkarin ng dati kong bossing sa Pinas lalo sa mga out- of-town na seminar. Naive as in tanga pa ako noon dahil naniwala ako sa kaniya pag-iniiwanan niya ako doon pagkatapos ng kalahating araw ng-tatlong-araw na-seminar. Hindi raw siya puwedeng mag-overnight. Ayaw daw ni Esmi. Babalik na lang daw siya sa last day. Pero bakit may magandang babaeng naghihintay sa kanya sa lobby. Hmmm siguro, makikisabay umuwas ng Maynila. Iniwanan niya sa akin yong mga seminar materials at resibo. Para sa tatlo? Nasaan kaya yong kasama naming isa?

Sa morning ang mga speakers. Sa hapon, group discussions. Borrrrrrinng,lalo na ang kagrupo ay mga young once. Titigas ng ulo.

Sa gabi, enjoy kaming mga young uns. May dala kaming mga baraha. Kuwentuhan ng mga tungkol sa multo. Palitan ng mga pintas sa mga USA (Undesirable Seminar Attendees). Kagaya noong isang makulit na panay pa ang tanong kahit gutom na gutom na kami.Kung pinagsama-sama pala ang aming mga thought baloons noong hindi siya maawat sa pakipagbalitaktan niya sa speaker, baka bugbog sarado siya. Pinakadeadly siguro sa akin---tiradurin siya sa bunganga.

Sa ikalawang araw, malalapit na kami sa bawa’t isa kaya huwag kang pahuhuli ng natutulog ng tanghali na kasi may drowing na ang mukha mo ng marker.

Habang nagsasalita ang speaker ay nagpapasahan kami ng mga papel.

“Hawak ka sa chair, baka masinghot ka sa laki ng butas ng ilong. hehehe”

“ Pintasera mo naman,hindi naman malaki. Hindi kakasya yong chair.hehehe rin.”

“Tingnan mo si Mr. K, naghihilik na. Pinaglalaruan ng mga anghel.”

“ Huwag mong insultuhin ang mga anghel. hikhikhik”

Sa kalahatian nang speech, halos tapos na ang aking obra maestra. Ang sketch, either ng katabi kong nakatunganga sa speaker (hindi kasi magalaw) o kaya ay ang speaker mismo in the latest summer swimwear collection.

Minsan may mga kasama kaming mga government officials. Kinakaibigan namin at nalilibre kami sa lakwatsa pagkatapos ng session. Mayroong isang beses na sa Bisaya kami at kami ay naisama sa Leyte ang bigger-than-life-size statues ni Mac Arthur and company.

Minsan naman ay nasa Manila kami, ipinasyal naman nila ang mga delegadong galing sa Bisaya at Mindanao sa Malacanan. Nagpakaladkad namin kami. Tipong kaladkarin kami paglibre.

Lahat yon ay sagot ng gobyerno. Nakiambos pa kami. Kahiya.

Ang isang seminar na hindi ko kinakalimutan ay kung saan si Erap ay speaker. Pinaghintay niya kami ng tatlong oras. Habang wala siya ay nagsalita si Tito Sotto. Hindi ko alam na isa pala siya sa mga “hawi boys” ni Erap.

Manani-nganing pagdugtungin ko yong dalawang upuan sa hotel at ako ay humilata at maghilik doon. Lasing na rin ako ng kape. Siguro kong pagsasayawin ako sa ibabaw ng mesa, gagawin ko with matching lipsynch.

Sa pagod ko kahihintay ay isa lamang ang aking naidrowing.

Isang itlog.

The Ca t

2 Comments:

At 3:11 PM, Blogger rolly said...

pare-pareho pala paningin natin sa mga ganyang seminar. In fairness, meron din namang magaganda. Usually pag hindi corny yung speaker, na para kang nanood ng stand up comedy, yun kahit maghapon ako, kasi tawa ko ng tawa. kaya lang ang natatandaan ko yung joke hindi yung itinuro. :-)

 
At 7:32 AM, Blogger jane said...

naku cat, boring as in boring talaga minsan ang seminar ano? tutubuan ka ng pigsa sa puwet sa kakaupo.
btw, like na like ko yung drawing mong itlog. parang humpty-dumpty meets the flintstones ah. buti ka pa may artistic channel na ganyan kapag bored. ako evil thoughts lang eh, hehe.

 

Post a Comment

<< Home