Friday, October 15, 2004

Akala ko

Dear Mouse,

Padala ni Doc Emer. Alam niya kasing gumagawa ako ng diksyunaryo. Dalawa po ang kahulugan sa mga sumusunod na salita. Yong ikalawa po ay galing kay Pusa.

Abuloy --- bayad sa nahigop na kape at nanguyang biskwit sa nilamayang sakla.

Abuloy--Perang ibinibigay sa simbahan kapalit ng hiling ng pagyaman.

Akala ---- alam na alam daw.

Akala--dahilan ng aksidente o kahihiyan

"Akala ko kasi magnanakaw ka..akala ko kasi lalaki ka...

Aginaldo - inaasahan na makukuha sa araw ng Pasko na mas okay sana kung pera na lang.

Aginaldo-regalong natatanggap na may panalanging sana ay mahal o kaya ay hindi yong fruit cake na taon nanglumilibot sa mga bahay-bahay.

Bakasyon - sandaliang pahinga sa trabahong hingal lang ang pahinga.

Bakasyon-panahong paglilinis ng bahay.

Bakit ---- tanong na laging mahirap masagot.

>Bakit-katanungang nangangailangan na may kasabay na paggalaw ng mata at ng kilay.

Kagaya ng:

Bakit? taas ang isang kilay

Bakit? may kasamang pag-inog ng mata.

Bakit ? may kasamang paglaki ng mata. uh uh

Bakit? may kasamang irap.

Bakit? may kasamang kindat.

Bakya ---- tsinelas na may takong.

Bakya--sinusuot sa paa, pinukpok sa ulo ng mga saragate.

Baga ----- lutuan ng mga hindi makabili ng microwave.

Baga--ginagamit sa ihaw-ihaw

Bagoong -- masarap na ulam ng mga walang maiulam.

Bagoong-masarap ibaon sa opisinang airconditioned

Baldado -- hindi mamamatay-matay na mukhang hindi na mabubuhay.

Baldado--inaabot ng mga lalaking nangangaliwa na nahuli ng asawang maton ng babae o kaya ay binugbog ng sariling asawa.Beeh.

Bale ----- suweldong inutang.

Bale--downpayment ng suweldo

Kaaway --- ikli ng 'kaibigan na Inayawan.'

Kaaway--Taong hindi matanggap na mas magaling sa kaniya

Kababata - dating gelpren na may ibang boypren.

Kababata-akala mo siya na ang pinaka- guwapo.

Kabag ---- utot na naipon sa tiyan.

Kabag-hangin sa tiyan na nakakasakit pag hindi inilabas.

Kalbo ---- gupit ng buhok na korteng itlog.

Kalbo-gupit ng buhok para itago ang pagkakalbo

Dalaginding - dalagang hindi pa nagsusuot ng bra.

Dalaginding-batang gustong maging dalaga na

Dilim ---- liwanag na maitim.

Dilim-Napundi ang ilaw at walang bombilyang ipapalit

E -------- ireng paseksi.

E-malambot na I

Gahasa --- romansang walang ligawan.

Gahasa-pag ang nakaromansa ay pangit

Ginang --- asawa ni ginoo na mukha nang tsimay.

Ginang-ang kumander sa bahay

Ginoo ---- inaasawa ni ginang na may inaasawang iba.

Ginoo-ang kumander sa opisina

Gipit ---- kalagayan ng tao na suki na ng sanglaan.

Gipit-iniiwasan ng mga kaibigan

Ha ------- sagot ng nagbibingi-bingihan.

Ha-sagot ng ayaw sumagot ng totoo.

Handaan -- magdamagan na Palakihan ng tiyan.

Handaan-pagkaing inutang para ipakain ng libre

Hipo ----- haplos na may malisya.

Hipo--haplos na sinuklian ng sampal

Hudas ---- tapat na manloloko.

Hudas-kaibigang kasakasama

Imposible - pagtaas ng unano.

Imposible-pagbaba ng presyo

Insulto --- walang hiyang biro.

Insulto-totoong damdamin na dinaan sa biro.

Isda ------ hayop na hindi Nalulunod.

Isda-hayup na nakadilat kung matulog.

Mano ------ kaugaliang Pinoy na nakapupudpod ng noo.

Mano-kaugaliang dahilan ng pangong ilong

Mantika --- katas ng piniritong taba.

Mantika-mas matindi pa sa lasong pumatay

Maybahay -- asawang utusan sa bahay.

Nakaw ----- pagkuha ng walang pasabing 'akin na lang ito.'

Nakaw-pagkuha nang walang paalam

Naku ------ ikli ng 'ina ko, ina na ako.'

Nitso ----- bahay ng mga patay.

Nitso-ang ibabaw ay bahay ng buhay

Nobya ----- gelpren na laking probinsya.

Nobya-madalas madenggoy nobyo

Ngalngal -- iyak ng walang ipen.

Ngisi ----- tawang tulo-laway.

Ngiti ----- tawang labas ipen.

Paa ------- bahagi ng katawan na amoy lupa.

Paaralan -- dito itinuturo kung ano, alin o sino ang mapipiling bobo.

Panata ---- dasal na nakatataba ng tuhod.

Regla ----- masungit na panahon ng pagkababae.

Sabon ----- mabangong bagay na ipinapahid sa mabahong katawan.

Sakristan - utusan ng pari.

Sampal ---- haplos na nakatitigas ng mukha.

Ta -------- ikli ng 'tita' o lalaking may bra.

Tamad ----- taong hindi napapagod sa pahinga.

The Ca t

1 Comments:

At 7:02 PM, Blogger ting-aling said...

Ay sus! Ginuu! Ma ha-hay blad ako sa katatawa dire!

 

Post a Comment

<< Home