Mens na hindi panlalaki
Dear Mouse,
Para maunawaan ng mga lalaki kung gaano kahirap ang buwanang dalaw ng babae, isipin na lang nila na buwan-buwan ay may namamatay na bahagi ng katawan ng babae.
Pag sumapit sa pagdadalaga ang isang babae, tuwing 28 araw siya ay nangingitlog. Ang itlog na ito ang nagiging bata sa oras na ito ay makatagpo binhi ng buhay (sperm cell) galing sa lalaki. Pag ang ang itlog ay hindi naging bata, ito ay namamatay. Ang balot din ng bahay- bata (uterus) ay naaagnas at kasama ng patay na itlog, lumalabas ito kasama ng dugo. Para ito lumabas, ang bahay-bata ay nagkakaroon ng paggalaw na para makayod at mapalabas ang maruming dugo at patay na itlog.Ito ang dahilan sa sakit sa puson. Para maunawaan ang sakit na ito ay ihalintulad ninyo ito sa paggata ng niyog sa sapal, sa pagkayod ng niyog mula sa bao at sa pagkuha ng katas sa kalamansi. Upang maramdaman ng mga kalalakihan kung gaano kasakit ng menstruation, buwan-buwan,ay subukan nila ang mag-ahit hanggang masugat ang kanilang balat at matuklap.
Ganiyan ang nangyayari sa loob. Tinutuklap ang balat ng bahay-bata hanggang dumugo.
Kaya buwan-buwan ay tila namamatayan ang babae. Kung hindi ililibing ito sa mga sanitary pads, ito ay mabubulok at babaho.
Ang buwanang dalaw ay kinaiinisan ng mga babae nguni't inaasam-asam dumating para matiyak na sila ay hindi nagdadalantao.
Ang paghihirap na ito ay tumatagal ng dalawa hanggang limang araw. Isang araw lang ang hinihingi para sa kababaihan. Itatanggi pa kaya ito?
Palagay ko papayag ang LAHAT ng babae kung aakuin ng mga kalalakihang sila ang magkaroon ng dalaw para sa kanila ang menstruation leave.
Go for menstruation leave.
The Ca t
0 Comments:
Post a Comment
<< Home