Kayo ba ay naliligaw ?
Dear Mouse,
Nanood ako ng Rated K about multo, diwata, aswang, at tikbalang.
Ganyan ako kababaw, Mouse.
Unang bahagi ng programa ay ang pagkakaligaw ng crew na hindi nila maunawaan kung bakit paikot-ikot lang sila sa kanilang pupuntahan at pinanggalingan.
Ayon sa aking mader, ang panliligaw sa tao ay gawa ng mapaglarong engkanto na ang tawag nila sa Bicol ay tambaluslos.
Ano ang engkanto?
Ayon sa pananaliksik ng aking mader, ang engkanto ay ang mga “fallen angels “ na hindi naman kasingsama ng mga nag-alsang mga anghel na pinalayas sa paraiso. Kaya sila ay inilagay sa isang lugar kung saan sila mamalagi hanggang sila ay magkaroon ng karapatang makabalik sa kanilang unang kinalagyan.
Ang mga engkanto raw ay tatlong klase.
Ang diwata:
Ito ay magandang babaeng may mahabang buhok at tagapag-alaga ng mga kalikasan.
Ang pinakakilala sa atin ay si Maria Makiling. Marami ang nagsasabi na ito ay mga alamat lang pero marami ng larawan ang nakuha ng mga engkanto para ito patunayang sila ay nasa ating paligid lalo sa maraming puno at tanim. May collections ni Jinky Amores, isang kilalang spirit questor at mayroon ding third eye,ng mga larawang kung saan sila ay makikita. May kuwento ako tungkol sa mga engkanto sa aking choicecat. Abangan, pag ako ay sinipag.
Ang mga sundalo
Matitipunong lalaki sila na kung minsan ay napapaibig ng babaeng mortal.Ang diwata at ang mga sundalo ay nagpapakita minsan sa katawang mortal. Malalaman ninyong hindi sila tao dahil wala ang hati sa pagitan ng kanilang ilong at labi. Pag tinitigan ninyo ang kanilang mga mata, baligtad ang inyong reflection. Hindi sila takot sa krus dahil sila ay nagsisimba rin pero hindi lang sila nagpapaabot ng pagbasbas.
Ang mga utusan o slaves ay may kasalbahehan. Dito kasama ang sinasabi ng aking mader na tambaluslos.
Ano ang hitsura ng tambaluslos?
Ayon sa aking ina, isang tiya raw niya ang nakakita ng Tambaluslos. Ito ay maliit kagaya ng hobbit at may malaking bunganga. Ang kaniyang kasalbahehan ay ang manligaw ng tao at tumawa ng malakas kapag naghubad na ang mga tao para baligtarin ang damit.
Kaya tinawag itong tambaluslos dahil ang kaniyang labi ay bumabaliktad sa katatawa na halos takpan na ang kaniyang bong mukha.
The Ca t
2 Comments:
Napanood mo rin pala, okay naman siya kaya lang hindi ko masyadong natutukan. Kasabihan ng mga matatanda na kapag naliligaw sa kagubatan at pakiramdam ay paikot-ikot lang ay baligtarin ang damit. Totoo ba yun? hindi ko pa kasi nasubukan maligaw sa kagubatan saka di pa nga pala ako nakakapaglibot sa anumang gubat dito sa atin. hehe. Ikaw cath, nasubukan mo na ba?
-Albrine
albert,
hintay ka lang sa kwento ko ng sarili kong karanasan diyan.
Napunta na ako sa liblib ng kagubatan ng San Narciso,
Zambales, sa bundok ng Mt. Isarog sa Bicol at sa Mt.Mayon.
Post a Comment
<< Home