Sunday, November 07, 2004

SINO RAW AKO ?

Dear Mouse,

Sino raw ako ? Ako si Cat na hindi SIKAT.

Siguro kung sinabi sa akin ito noon ay gagamitin kong challenge para patunayan ko kung sino nga ako. Ngayon, hindi ako magiging emotional para hiramin ang mga bricks at tiles sa kusina ni Sassy para ibalibag sa nagtanong sa akin kung sino ako para kalabanin ang mga batikang manunulat dahil ako ay ordinaryong Blogger laang.

Sanay na ako diyan. Marami ng nagtanong sa akin niyan mula pa pagkabata ko dahil siguro nang ako ay ipinanganak, ako ay baliktad. Sabi ng lola kong midwife, ako ang taong mahilig magsalungat sa ordinaryong daloy ng buhay at sa mga tanggap na kalakaran.

Hindi ko sana sasagutin ang e-mail na yon. Abala ako sa pagdecorate ng aking Christmas tree kaya lang may mensahe akong ibig ipaalam sa karamihan sa ating Pilipino, ang paniniwalang ang mga eksperto na ay hindi na maaring magkamali.

Sino raw ba ako para harapin ng kongresista para humingi ng rekomendasyon sa isang iskuwela.Isa lang akong bata na maaring palabasin sa Congress dahil baka akalain ay pinabili lang ako ng suka. Nag-iisa akong pumunta sa Kongreso, nilakad ko rin yon dahil hindi ko alam kung anong sasakyan. Pumasok ako sa opisina. Maraming taong kapareho ko ay humihingi rin siguro nang tulong. Pero dahil ako ay batang walang kasama, ako ay hinarap ng mga tambay/alalay ni Congressman. Nakuha ko ang rekomendasyon na hindi ko man nasilayan ang kaniyang mukha. Hindi mahalaga, ang magkita kami, ang mahalaga nakuha ko ang rekomendasyon. Winagayway ko ito sa nagtanong sa aking kung sino ba ako ?

Sino raw ba ako para kumuha ng exam sa UP? Tanong ng aming naging balediktoryan sa haiskul na nilipatan ko nang ako ay 4th year na. Inis siya sa akin dahil kung hindi kulang ang residence ko ay akin ang puwesto niya.Sabay kaming kumuha. UP Baguio ang punta niya ako sa UP Diliman.Pero hindi ako nagenroll sa UP hanggang makalipas ang ilang taon.Ayaw ng aking mader. Alam niya ang aking personalidad.Tama siya dahil nang nag-aral ako ng Doctorate sa UP ay hindi ko natapos, inaway ko ang Propesor ko na may lecture notes na matanda pa kay Metuselah.

Sino raw ba ako para kuwestiyonin ang take home exam na ibinigay ng aming propesor. Computer lang ang makasolve ng exam na iyon. Wala raw nakasolve noon kahit isa mga istudyante. Siya ay diyos pag dating sa Math. Pero may kulang ang kaniyang given facts.Sinolve ko ang problem pagkatapos kong maglagay ng assumption sa nawawalang data. Ipinakita na iyon ang dahilan ng hindi pagkasolve ng problema.Hindi siya Diyos para hindi magkamali. Ang aking pagkakamali ay ipamukha ang kaniyang mali. Naupo siya sa aking dissertation defense. hehehe

Sino raw ba ako, tanong nang kapatid ng aking kaibigan na nagpapatulong sa aking magtayo ng iskuwela dito sa Estet. Wala pa akong isang taon at tirahan lang ay pinoproblema pa. Ang ibig niyang sabihin kung hindi niya kaya ako pa? Yan karaniwan ang nagiging dahilan ng mga tanong na sino ka. Ang sarili ang kanilang ginagawang pamantayan. Dahil alam nilang hindi nila kayang gawin, akala nila ang iba rin ay walang kakayahan.

Naitayo ang iskuwela.

Dapat sa Pinay ko ito isusulat.

Sino nga ba ako? Ordinaryong blogger lang na tamad sumulat dahil ayaw mabisto kung sino nga ako. Maraming Kinauutangangnaghahabol.hehehe

The Ca t

15 Comments:

At 6:34 PM, Blogger batjay said...

WOW! hay ham himpressed! ang galing naman ng credentials mo ate Ca T!!! ako, sa UP Babuyan Islands lang ako natanggap at "Animal Husbandry" pa ang course.

yung isang option na lang tuloy ang kinuha ko - "Cosmetology", akala ko kasi, ito yung "the study of planets". huli na nang malaman ko na tungkol pala ito sa paglagay ng make-up at sa pag tabas ng buhok.

pag gusto mong magpakulot, sabihin mo lang sa akin. OK?

 
At 7:10 PM, Anonymous Anonymous said...

mahirap ang sumalungat sa agos pero kung meron ka namang punto ay hindi masama lalo pa't alam mong nasa tama ka.

-a8
http://www.albrine.tk

 
At 7:16 PM, Blogger Resty Odon said...

sorry po, off-topic ulit. pakidagdag lang sa list of funny chinoy names: Edgar Allan Pe

 
At 7:20 PM, Blogger Resty Odon said...

Nakakabuwiset yung mga ganyang tanong. Full of malicious underpinnings... "Sino ka ba?" Does it matter to the issue at hand? Sobrang mayabang ang nagtatanong ng ganyan!

 
At 7:48 PM, Blogger Sassy Lawyer said...

Cath,

Marami pa kaming gravel at cemento... gusto padalhan kita? Sige, balibagin mo? Sinisino ka? Eh, bakit sino din ba yung mga binabangga mo--mas matalino ba sila? sila ba ay may monopolyo ng tama sa mundo?

Yang mga ganyang tao, kaya nanduduro, kasi insecure yan. Ang totoo nyan, sila ang hindi nakakakilala sa sarili nila.

Mga istufid.

P.S. Batjay, hinahanap ka ni Ricky Reyes, bibigyan ka raw ng scholarship--cosmetology.

 
At 9:19 PM, Blogger Abe said...

Baket, sino ba sya paramagtanong sayo ng ganun?! :p

 
At 1:05 AM, Blogger Jet said...

Wow! Kakaimpress naman! Ala ako'ng masabi... :)

 
At 3:30 AM, Blogger Nick Ballesteros said...

Mainam na pangsagot sa tanong na 'sino ka' ay ang pagtaas ng isa mong kilay. Kaya lang marami rin ang di kayang magtaas ng isang kilay lang, madalas ay nagiging "extra challenge" ito. Samahan mo pa ng paggalaw ng dalawang tenga at panalo ka na sa pustahan.

 
At 3:47 AM, Blogger Nick Ballesteros said...

Off-topic po. That was a nice Teacher's Camp story in your other blog! Gave me the creeps! I linked it up in my Baguio blog, hope you don't mind.

 
At 7:52 AM, Blogger cathy said...

jay,
nag-aral naman ako ng dressmaking. magtayo tayo ng fashion house. Ako kunwari yong bakla, ahahay

jet,
ayaw ko sanang nilalagay ko ang aking personal information. hindi kasi magkakasya ang isang page. hahahaha. pero nakakapika minsan ang mga e-mails.
unti-unti tuloy akong nahuhubaran. ngiiiiiii

 
At 7:57 AM, Blogger cathy said...

abe,

mga anonymous at siguro mga temp ang e-mail addies nila.

I do not bother to respond in e-mail.

i have been through with this before.kaya inalis ko na
ang aking aol addies.
talaga sigurong nakakainis ako.mwehehehe

 
At 7:59 AM, Blogger cathy said...

albert,
minsan challenging,minsan nakakainis.
minsan nakakatawa.

 
At 8:02 AM, Blogger cathy said...

C,
ikaw may kasalanan nito.(Nasisi pa) Pablog-blog lang ako noon, tapos maganda ang discussion sa site mo,kaya nabuhay ang dugo ni Cat,tuloy tuloy na ang pagblog.
Tingnan mo ngayon pati yong istudyent ni titorolly
pinapatulan ko. Magaling naman kasi at kapareho kong bata pa. WALANGKOKONTRA.kukulamin ko.
hihihihi

 
At 8:05 AM, Blogger cathy said...

Excel,
Yang mga OT mo ang nakakagising kay Cat.Buti na lang
itong huli,pangalan lang.

Paano naman yong LUCKY T. YAN (hindi si Lucky na Vilma)

Watson,

Okay lang.

 
At 8:56 AM, Anonymous Anonymous said...

i am an avid reader of your blog. most of the time its funny. your stories are great. halatang taga UP ka nga so talented with class.

 

Post a Comment

<< Home