Virginia Cruz Santos at Jasmine Trias
Dear Mouse,
Maraming naisulat tungkol kay Jasmine. Isa na ako doon na nagmalaki sa kaniya hindi dahil magaling siyang kumanta kung hindi dahil sa magaling niyang pagharap sa mga maanghang na sinabi ni Simon na sa kaibuturan ng aking isipan ay alam kong may epekto rin kay Simon.
Ngayon ay pinag-uusapan ang malabayaning pagtanggap sa kaniya na sa pananaw ko ay isang bahagi ng komersiyalismo. Tulad ng iniwan ko sa comment box ni Eder, ang ginagamit ngayon ng mga banyagang kumpaniya ay ang ating kilala na sa buong mundo na pagtangkilik sa ating kababayan o sino mang naugnay sa ating bayan upang isulong ang kanilang produkto.
Sino nga naman ang magulang na makakahindi sa anak na ibig kumain ng "hamburdyer" na kinakain ng American Idol? Lalo’t hindi nila nabasa ang isinulat ng ating hinahangaan kong doctor na si Doc Emer tungkol sa produktong ito.
Saludo ako kay Virginia “Gini” Cruz Santos, isang animator ng Pixar. Isa siyang Pilipina. May bahid man ng paggamit ng tinuran kong pagsusulong sa isang produkto at ideya sa pamamagitan nang pagkatok sa ating pagiging nasyonalistang pagtangkilik ng sariling atin, masasabi kong "Mabuhay pa rin ang Pilipino"."Mabuhay ka Gini." Hindi rin dahil paborito ko ang Finding Nemo dahil sa animation kung hindi dahil sa mensahe nito tungkol sa buhay.
Basahin ang bahagi ng balita tungkol kay Gini Cruz Santos.But if you’ve been checking out the credits at the end of such smash-hit animation films as Toy Story 2, A Bug’s Life, Monsters, Inc. and Finding Nemo, you should know that Gini Cruz Santos is among the animators behind them. She has been working for Pixar Animation which is the company doing those exciting animated characters for Disney Pictures.
Her latest work is The Incredibles (opening today in the Philippines), the story of superheroes who are forced out of retirement to save the world. The movie topped the US hit chart over the weekend.
Petite and lovable like her "animated" friends, Gini was born in Pasay City and migrated to Guam with her parents (her father died recently) when she was three years old.
I met Virginia "Gini" Cruz Santos at Taste of L.A. (on Roces Avenue, Quezon City) the other day and as soon as we shook hands, I told her that animation is the current fad on local television (Mulawin, Krystala, etc.) and I asked her if she’d be interested in working for a local fantaserye?
The Ca t
1 Comments:
Hi CaT, galing ni Gini Santos! Bravo to her. Nagsulat din ako sa blog ko: http://desarapen2.blogspot.com/2004/11/disney-florida-had-pinoy-animators.html
tungkol sa ibang mga Pinoy animators sa nasirang Disney Animation Dept. sa Florida.
Cheers!
Post a Comment
<< Home