Sunday, December 12, 2004

Ang buhay kong lamok

Dear mouse,

Patapos na ang taon. Ang taon na kinailangan kong lumakad nang mahinay. kung baga sabi nila slow down. Mula nang aking pagkabata, marami na akong bundok, sapa, ilog (pati ba imburnal?)at dagat ang tinawid para makamit ko ang tagumpay.

Maraming beses din akong nadapa, bumangon, nadapa ulit. Lintek kasing takong yan ng sapatos ko.

Ngayong taon ako ay muling nalugmok.

Pinatatawad ko na ang mga taong may kagagawan.

Galisin sana kayo sa mga perang inyong pinasasasaan.

Ulk,erase, erase.

Oras na upang magpanibagong-buhay. Layuan ang mga lugar na nagpapa-alala nang mga kalungkutan at masasamang karanasan.Oras na upang magmove-on.

Dahil dito, hayaan ninyong buksan ko ang aking maiiwanan na ang sabi nila ay repleksion ng aking buhay, nakaraan at kasalukuyan.

Welcome sa aking kubongmunti.

Quote of the day.

When I come to the end of my rope, God is there to take over.

The Ca t

9 Comments:

At 12:52 PM, Blogger infraternam meam said...

Cath....
ang lalim!!! mukhang kamaganak ka ni Balagtas o si Diomedes Maturan, baga. pero maganda ang dating. para kang isang Rizal sa mga patutyada. bow ako sa yo!
hmmmmmmmm!!

 
At 3:33 PM, Blogger rolly said...

May bago ka na namang site? Baka singilin ka na ng blogger nyan. hehehe

 
At 5:02 PM, Blogger cathy said...

frat,
talagang malalim yan dahil talagang ayaw kong magsulat nang nakakaiyak tungkol sa akin. Pagpumatak ang luha ninyo sa keyboard, ako pa ang sisihin ninyo.

titorolly,
ginawa ko lang yan para may alaala ako sa mga bagay na
aking iiwanan na pag umalis na ako.

 
At 2:51 AM, Blogger infraternam meam said...

hoy...anogn bagong site yon? para akong asawang the last one to know.! hmmmmmmm!!!

 
At 3:15 AM, Blogger Sassy Lawyer said...

Ang ganda-ganda nung green buddha. Pero kasi wala naman bata sa bahay mo. Pag biglang may nag-dribble ng bola at naghagis, hay, naku... nakakaiyak.

Alam mo, Cathy, based sa home decor mo... napaka-romantic mo, ano? Bahay namin, spartan. Res ipsa loquitur hehehe

 
At 4:40 AM, Blogger Unknown said...

wow, ganda naman bahaymunti mo pang prinsesa.

 
At 7:39 AM, Blogger cathy said...

C,
Hindi ako romantic. Ahahay, kinikilabutan ako pag may nanligaw sa akin na may dalang bulaklak. Halos lahat ng nasa bahay ko ay regalo.

Yong green buddha ko ay luminous sa gabi, both yong pink at jade colors. Fountain yan. Basagin talaga kaya pag may bisitang bata, inaakyat ko.

Magsisimula na naman ako but this time, I will spend more on travels again, siguro. Hanggang umuwi ako diyan sa bahay ko sa Pinas for good, I hope.

 
At 7:48 AM, Blogger cathy said...

Luchie,
tenk you. Dumalaw ako sa blog mo at tenks sa special blog mo sa amin ni Jay.

 
At 7:49 AM, Blogger cathy said...

Frat,
antok ka pa kasi. Nandiyan ang link ng kubong munti.
Gisinggggggggggggggggggggggggggg.hehehe

 

Post a Comment

<< Home