Sunday, December 26, 2004

Taong 2004

Dear Mouse,

Nabasa ko ang blog ni Tina at alam ko ang kaniyang nararamdaman ang maghanap ng trabaho.

Sa buong panahon mula nang ako ay sa kolehiyo ako ay nagtatrabaho. May mga panahon na ako ay nawalan ng trabaho pero panandalian lang. Wala pang Pasko na ako ay walang hanapbuhay. Ito ang unang Pasko na ako ay di nakatanggap ng bonus dahil wala rin akong trabaho. Palamunin ko ang sarili ko. Wag kayong iiyak. Ako ang sasampal sainyo.

Sa panahong ganito mo malalaman kung sino ang iyong kaibigan, hindi dahil sa sila ay dadaanin sa pagsubok kung hindi dahil sila mismo ang iiwas saiyong makausap ka na tila ba uutangan mo sila. Sampalin ko kaya sila ng aking checkbook.

(malay ba nila kung may pundo yan. Hekhekhek.Tawa Megastina. Oragon ang mga Bicolana).

Masasabi kong mabibilang mo ang aking kaibigan sa daliri ng pusa. Ilan ba ? Pero lahat sila ay handang ampunin si Pusa oras na magdildil na lang ako Ng artichoke. (vegan ako, kaya kinakain ko lang ay spinach, bok choy, bitter Melon, eggplant at saluyot.)

May isa akong kaibigan na naglitanya bakit ako hindi nagpadala sa ospital nang ako ay high blood. Ano raw ba ang nasa isip. Nababaliw na raw ba ako ? Nagreresign na raw ba ako sa buhay? Hindi noh. Kaya lang tamad akong pumunta sa Ospital at oras na maglokoloko sa akin ang mga hinayupak na doctor ay baka di ako makatiis. Katuald noong minsan, kausap ko yong doctor na baae. Sinasabi niya sa akin yong mga sakit na akala ko ay sa akin. Pero bakit ganoon ay sakit ng matatanda yon eh.

Tiningnan ko yong medical record. Sus ginoo eh hindi nga akin. Oke, oke dapat nga nagpadala ako. Kahit na tanga ang mga doctor na namemeet ko. No excuses. Tindi, talo pa ang nanay ko sa daldal ng aking kaibigan.

Isang kaibigan naman ang nagtulak sa akin ang lumabas at mag-attend ng party. Kung problema ko raw ang pangregalo, sabihin ko lang. Gusto kong sabihin, eh di sa akin mo na lang ibigay ang regalo. Nagbibiro lang sir, pero kung totohanin eh puwede mong Ipadala sa PO Box ko.

Siyempre nandiyan ang aking mga kapatid na isang tawag ko lang ay may darating na tulong pero ang sabi ko nga, nasanay na akong nakatayo sa aking sariling sapatos, huwag na nila akong pasuotin ng boots.

May isa pa akong kaibigan na aking nakaibigan. Kahit na kami ay magkaibigan lamang na dating nag-iibigan ay nandiyan pa rin siyang nakaantabay.

Ang gulo ko na naman.

Hindi ko man siya kalahi ay para na rin siyang noypi sa isip, sa diwa at sa gawa. Malandi lang kasi kaya hindi kami magkasundo. Minsan gusto kong kurutin.

May mga kaibigan din na pagkatapos mong tulungan ay pagsasamantalahan ka pa.

May mga kaibigan din na pag sila ay may kailangan, kahit hatinggabi, ikaw ay gigisingin, pag ito ang ginawa mo sa kanila, sila ay magmamaktol. Ito ang masarap gilitan at budduran ng asin ang sugat.

Hindi ko na ililitaniya ang aking mga natulungan magkaroon ng kinabukasan. Sinabi ko na sa kanila na regalo ko na lang sa kanila yon para man lang masabing may pinuntahang makabuluhan ang aking mga pinagpaguran maliban sa mga damit na kumukupas, mga sapatos na napupudpod, mga alahas na kumikinang na hindi mo naman masusuot na sabay-sabay, mga larawan ng mga paglalakbay na kumukupas.At bahay na inaanay.

Sandali, bakit ko ba sinusulat ito. Oo nga pala, dahil kay Tina.

Pagkatapos daw ng dilim Tina ay bukangliwayway. Kung madilim pa rin, gumamit ng ilaw.

Kung ang kinalalagyan mo ay hindi inaabot ng sikat ng araw, kailangan ay lumipat sa may makikitang liwanag.

Yan ang dahilan, Tina kaya ako ay unti-unting uusad upang makita ko ulit ang pagsikat ng araw. Samantala, isipin mo lamang na balang araw, lilingon ka sa nakaraan at sasabihin mong paano mo natalon ang bangin na iyon? Ako nandadaya. Nakikisakay ako sa ibon. Hekhekhek.

Malay mo may mga bloggers tayo sa Canada na mabibigyan ka ng tulong.

Yong ibang bloggers may kailangan ba kayong pusa? Marunong akong matulog, magngiyaw at mag- blog.

The Ca t

9 Comments:

At 10:53 PM, Blogger BongK said...

(belated) merry christmas, and a prosperous new year!

 
At 11:24 PM, Anonymous Anonymous said...

Aba, mega nagulat ako at na-feature ang aking litanyang punong-puno ng buntong hininga!

Teka, maari bang makisakay sa iyong ibon? hehehe. Nahihirapan talaga akong tumayo sa sarili kong mga paa... Kailangan ko ng shearling slippers. Malamig kasi ang sahig. Winter pa naman, kabam! :)

Salamat Cath. Tama ka. Times like this, the only thing that makes sense is our sense of humor. :)

 
At 11:24 PM, Anonymous Anonymous said...

Aba, mega nagulat ako at na-feature ang aking litanyang punong-puno ng buntong hininga!

Teka, maari bang makisakay sa iyong ibon? hehehe. Nahihirapan talaga akong tumayo sa sarili kong mga paa... Kailangan ko ng shearling slippers. Malamig kasi ang sahig. Winter pa naman, kabam! :)

Salamat Cath. Tama ka. Times like this, the only thing that makes sense is our sense of humor. :)

*Megastina

 
At 3:55 AM, Blogger infraternam meam said...

cath....
napaluha ako, pagbasa ko ng issueng ito, sabay luhod at nagdasal ng Aba Ginoong Maria, napupuno ka ng barya, bigyan mo naman si Cath...vegan ka nga, pero bagyo naman ang gusto mo...artichoke pa. na choke ako minsan diyan, kinain kong hilaw, i did not know i have to steam it..pweee! at Bicolana ka rin pala...'dae ka magpariboribok, magpadigdi ka'. at ang mga kaibigan mong tinutukoy, ang iba pala sa kanila ay walang budhi, pero narito ako, puwede ka naming kupkupin ng misis ko. like just as I said before, ayoko ng pusa. at gusto mo pang ipadala sa P.O.box mo, and regalo, hindi magdidiliber ang UPS , FEDEX sa PO box, kailangan complete postal address..so tell me what do you want...Baby Doll!!!

 
At 7:45 AM, Blogger yusop said...

Dear cath

This is Josef The Visionary. This is a little off-topic but it concerns us all bloggers.

Kasi ho, tungkol ito sa Christmas party ng mga bloggers sa December 30. Medyo na-surprise ho ako bakit nakasama and pangalan ko sa mga confirmed goers. At saka, yung comments doon sa discussion board sa PINOYBLOG site ay hindi galling sa akin. Somebody with so low down of person misused my name and put there inane words like “ORGIES” and “KAMA”. Hindi ko alam kung paano nagamit ang pseudonym ko na Josef The Visionary. Siguro me galit s a akin sa blogworld sa Pinas at alam kung paano ukitin and personal account ko sa Pinoyblog.com.

Alam ko ho nabasa nyo yong mga entries na iyon. I just want to clear my name na hindi ho ako iyon. Besides, I am from zamboanga and I can’t be interested in the party held in Manila. Someone just notified me of this horrendous act against me. I could not have said those bastos words for you see I am a deeply spiritual person. In fact, yung mga blogs ko ay all about spiritual matters.

Please help me clarify my name sa pagdating ng Xmas party sa mga fellow bloggers. I am sure marami ang nakabasa nun. Pakisabi na si Josef the Visionary ay hindi bastos tulad ng pinortray ng malicious soul na iyon. Ang hindi ko maintindihan kung bakit hindi dinelete ng Content administrator and mga comments na iyun. I think those words are not printable.

If I had erroneously violated your decency I am so sorry but I can assure you that it wasn’t me. I am a decent guy but the one who used my name is clearly not.

Please help. Enjoy the seasons and goodluck sa party.

 
At 7:52 AM, Blogger cathy said...

sabi ko saiyo, huwag iiyak, sasampalin kita ng mag-asawang sampal na nagdivorce.

 
At 8:53 AM, Blogger Jon Vizcarra said...

I'm really a big dog person and this picture on the link just reeks jobert and C at!

http://j-walkblog.com/blog/index/P18228/

 
At 8:54 AM, Blogger Jon Vizcarra said...

Ooops... it's supposed to be THE C at!

 
At 11:37 AM, Blogger cathy said...

tenks jobert, meron akong pic na ganito, nawala.

 

Post a Comment

<< Home