Tsismis
Dear mouse,
Hindi ito tsismis. Balik. Balikā¦alam ko namang mahilig kayo sa tsismis.
Okay, naisulat ko na nacancel ang isang party na dapat ay dinaluhan ko.In fairness, ikukuwento ko lang ito para mapulutan ng aral. Hmmm sige na Nga.
Ang mader ng aking kabigan na sixty years old ay bi-yu-da. Nagtatrabaho pa siya at maganda naman ang kaniyang kita kahit na wala siyang inabot na mataas na pinag-aralan.
Sa kaniyang trabaho ay may nakilala siyang isang matandang lalaki . Nanligaw at nang nabalitaan ko ay nagsasama na. Hindi ko inusisa kong kasal. Ano ko Tsismosa.
Part time lang ang trabaho ng lalaki ngunit may part time pa raw siya sa gabi hanggang ala-una nang madaling araw.DAW.
Minsan nagkita kami sa isang okasyon. Tindi pala talaga pag ang mga matatanda ang inlab. Para silang Siamese twin na magkadikit. Umiingos ang aking kaibigan. Sabi ko, pagbigyan niya ang kaniyang ina sa kaniyang kaligayahan. Kainggit.Ahahay
Noong isang Linggo, tinawagan ako ng aking kaibigan. Nagtatanong daw ang kaniyang mader bakit overwithdrawn ang kaniyang bangko, eh direct deposit ang kaniyang paycheck, dalawang tseke lang ang kaniyang inissue at hindi siya nagwithdraw sa ATM, hindi siya marunong.
Ako naman si Attorney-out-law na walang kampanilya para sa mga taong walang masyadong naabot, pinatawag ko siya sa bangko para alamin ang mga latest transactions sa kaniyang account.
Hanep, siyam na ATM withdrawals at isang nagclear na cheke.Nang pumasok ang kaniyang paycheck, hindi sapat. Savings-cum--checking account ang kaniyang bangko.
Tanong daw ng mader niya kung puwedeng magwithdraw ang ibang tao kahit wala silang card.Dahil nasa bag raw naman niya ang kaniyang ATM card. At dalawa lang silang nakakaalam ng pin, siya at ang kaniyang boyfriend. AHAAAAAAAAAAAAA.
Ano siya baliw. Kahit na nga may card, kung wala ang pin code, hindi rin makakawithdraw.
Pupunta raw sila sa bangko, aang mader at ang boypren at magrereklamo.Ehem, nasan ang suspect ko kung siya mismo ang pupunta at magrereklamo.
Kailangang gamitin ko si Sherlock Holmes, Agatha Christie, Monk,Matlock, Law and Order, Perry Mason at John Grisham.
Sabi ko sa aking kaibigan. Good, dahil malalaman kung saan winithdraw, anong oras at pag nalaman ng bangko kung sino, ito ay makakasuhan ng tep eheste theft.Tapos, tiningnan ko ng patagilid yong aking suspek. Para bang namula siya kahit maitim ang kaniyang kutis. Doble Ahaaaaaaa.
Tawag nang kaibigan ko. Nagtapat na raw ang suspek ko. Yong boypren. Kaya lang daw niya nagawa dahil pinadalhan niya ng ticket yong ampon niya na darating na galing sa pinas.Kaya lang daw siya nagcacasino para nga makatulong dahil part time lang ang trabaho niya.
Pakisampal ako, please lang. Yong malakas ha. Puwera si frat .
Pinatawad ng kaniyang mader. Kulang lang daw siguro sa kasal. Kaya ganoon.
Pakibugbog nga ako.
Ayun pati party, kanselado kasi ayaw makipagplastikan ng aking kaibigan sa kaniyang stepfather-to-be.
Pag-ibig talaga.
Ahh ewan, manghihiram na lang ako ng knitting needle kay kiwi anoh.
4 Comments:
Hi, got your link from Pinoyblog. And yeah, the word 'tsismis' got me lured. Hahaha.
Grabe pala 'yang step-dad-to-be ng friend mo. User friendly masyado.
Happy New Year! =)
nyahahahahha!!! lakas ng tawa ko na naman dito. na-extra pa ang pagni-knit ko. ano bang size ng knitting needle kailangan mo? marami ako rito. ehehehehe....
lufet ni step-father na hilaw. pinoy ba yun? bakit manggagaling sa pinas ang ampon? (maki-tanong ba?)
at tipong may balak pa yatang pakasal ang nanay ng friend mo matapos ang nangyari. ehehehehe... mga lalaki talaga o... tsk! tsk! tsk!
This comment has been removed by a blog administrator.
cath...
i am interested in the comments u remove. the moral of the story, sabi ng mga gurang sa atin, bago ka daw magpakalulong sa isang kelot, tingnan mo muna ang gilagid.(SIGURADUHIN MO MUNANG NAG TOOTH BRUSH) kapag maitim ang gilagid, maitim din ang budhi nito. at let us say, mababa ang narating ng matandang chika mo...may damdamin din 'yan, mababa rin nga lang. attttt, kapag puso ang pinairal, walang orgasmic nature yan...kasi puso lang 'yan, puwedeng gawing kilawin. PAKI SAMPAL MO NGA AKO, ng dolyar at yong ATM card na may laman ng yong kaibigang mababa ang narating...bakit saan ba papunta.? at kung ayaw ng makipagsiyetehan at plastikan kahit kanino... ahitan mo at PAKISAMPAL MO RIN AKO ULIT!!!
Post a Comment
<< Home