Wednesday, December 15, 2004

Nagiging mamera na ang bayani?

Dear mouse,

Ano? Ililibing si Fernando Poe,Jr. sa Libingan ng mga Bayani ?

Pakisampal nga ako ng malakas.

Dahil ba sa marami siyang napatay na Hapon sa pelikula ?

Dahil ba sa matagal siya sa pelikula at siya ay nagkaroon ng mga awards?

Eh di bayani rin si Eddie Garcia,Dolphy, si Nora Aunor at Vilma Santos?

Dahil ba sa nagsakripisyo siyang tumakbo pagkapangulo para sa kaibigan niyang si Erap?

Dahil ba marami siyang natulungan na mga kaibigan at kakilala niya?

Naniniwala akong mabuti siyang tao at matulungin subali't hindi sapat ito para maging bayani ang isang tao.

Hayaan na natin siyang maging bayani sa puso ng kaniyang mga tagahanga pero ang maging bayani ng buong bansa ay masyadong pinababa na ang kahulugan ng pagiging bayani.

Hello,hello..pinagbabaan ako ng aking kaibigan ng tagahanga ni FPJ at Susan Roces.

The Ca t

10 Comments:

At 6:49 PM, Blogger Sassy Lawyer said...

Terible, ano? Aga-aga yang news na yan ang una kong nabasa. Nagpalipas pa ako ng 2 oras para makapag-almusal.

 
At 7:08 PM, Blogger drstel said...

naku ipapalipat ko na ata ang isa sa mga lolo namin doon, di puwedeng kasama yan ah!

 
At 7:48 PM, Anonymous Anonymous said...

Hindi tama ang mga dahilan na yan cat, sino ba nagsuwestiyon? Malamang si GMA para naman hindi masyadong magalit ang taga-suporta ni FPJ. Pulitika nanaman.

Kawawa naman si Pandoy, bakit kasi sumali pa sa pulitika namatay tuloy ng maaga.

- a8

 
At 7:56 PM, Blogger cathcath said...

C, steland albert,
nakakawalang gana nga. Parang kunsuwelo de bobo para
kay Susan.

 
At 10:55 PM, Blogger kiwipinay said...

ay nako! sobra na sila ha? hindi tama ang ginagawa nila.






.... na magpatawa at the expense of the dead! aruuuuuu.... josh koh! metekung mga pulitiku! hindi na nga nanalong pagka-presidente. ngayon naman ginawa biglang bayani. ahahahaha!!! ayan.. natawa na nga akong tuluyan. bwahahahahahahaha!!!

 
At 11:30 PM, Blogger ting-aling said...

Uy naman, masyado ka na talagang mapagbiro ha..kaninong pakana nga yan? I've nothing against him ha (in fact binoto siya ni FIL)pero naman..teka..teka..yung pelikula ba niya ang tinutukoy mo?

 
At 3:39 AM, Blogger Luchie said...

second the motion ako kay a8 kung sino nag pakana nyan.

 
At 4:06 AM, Anonymous Anonymous said...

cath...
naku ang aking lolo nakalibing doon sa LNMB.sana huwag makasagupa ni PANDOY si Lolo Siso ko, galit sa artista yon. kasi mahal daw ang sine pag palabas ang bida ay si Pandoy. sanay kasi si Lolo Siso ko sa libreng sine pagka fiesta lang.
say mo ha!! lahat ng inililibing diyan naka military uniform at may honor guard. kapag binigyan ng military honor guard si Pandoy, para namang nainsulto si Lolo Siso ko.
"Lolo Siso---- pag nakita mo si Pandoy paki tanong mo nga kung sino ang may pakana nito at iblog mo sa amin."
hmmmmmmm!!!

 
At 4:02 AM, Blogger infraternam meam said...

cath...bakit ang aking comments is under "anonymous"
this is me... INFRATERNAM ..ako ang nag comment. isa na lang ba akong "Anonymous" sa buhay mo ngayon.
I WILL SURVIVE.....hmmmmmmm!!!

 
At 12:56 PM, Blogger cathcath said...

naku frat
kahit anonymous naamoy kong ikaw ang sumulat.

 

Post a Comment

<< Home