Patuloy ang pag-ikot ng mundo
Dear Mouse,
Hindi naman siguro ako dysfunctional para hindi maexcite pag nakakita ng artista.
Lumingon naman ako noon sa mesa nina Aga Muhlach nang makasabay naming siya sa Pancakes. Nakita ko na si Susan Roces, magninang sa kasal. Si Amalia naman ay nakita ko na sa isang restawran.Hmmmm.
Tinapunan ko naman ng tingin si Boboy Garovillo namang minsang makasabay namin siya sa parking ng isang hotel. Tamis pa ng ngiti. Kilig yong kasama kong 3rd kind.
Binigyan ko ng second look si John Malkovich nang masalubong ko siya. Tiningnan din niya ako.
Pero gusto kong ipukpok ang ulo ko sa dingding pag binubuksan ko ang aking TFC.
1.Nandiyan ang makikita mo ang buong pamilya nagcamp-out sa labas ng Sto. Domingo para raw makiramay sa namatay na si Fernando Poe,Jr. Bakit kailangang ibilad sa elemento ang mga bata para lang makita ang kanilang idolo? Pakisampal nga ako.
2. Nandiyan ang makikita mong isang reporter ang napapaligiran ng mga ususerong gusto lang mapanood sa TV ay halos magkalmutan para makasingit sa likod ng TV reporter. Sarap buntalin ng sunod sunod ala Fernando Poe at saka bigyan ng left hook.
3. Nandiyan ang mga reporter na kung sino-sino na lang ang iniinterview na wala namang kawawaan.
4. Nandiyan ang ipakita ang mga taong sinamantala ang pagkakataon para kumita ng pera sa pamamagitan ng pagbebenta ng mga larawan, mga souvenirs, tshirts at ibapa.
Sa totoo lang kaliwete akong sumulat. Sabi nila ako ay nakatalikod sa mundo kaya marahil kaiba ang aking mga opinion sa nakakalahat. Pero bakit kailangan nating idolohin ang artista na kulang na lamang ang sambahin sila. Dapat pa nga sila ang magpasalamat sa tao dahil kung hindi sa perang binabayad sa ticket sa sine ay matagal na silang laos.
Beep beep sa mga kakilala kong tagahanga ni Fernando Poe na ang isa ay bumalak pang umuwi upang makipaglibing , pero ang mga naririnig kong mga kawanggawa niya ay ginawa rin ng maraming nakilala ko. Sakripisyo pa ang sa kanila dahil kailangang ibawas sa kanilang maliit na badyet ang kanilang itutulong.
Sabi nga ng paborito kong pari, give until it hurts.Isang kaibigan ko ang bumili ng kumot dahil ang isa niyang tauhan sa opisina ay hindi nakuha ang inaasam-asam niyang kumot sa kanilang Christmas raffle. Hinanap pa niya ng bahay upang personal na Ideliver ang regalo.
At habang ng sambayanan ay ugagang-ugaga sa balita tungkol kay FPJ at pagtataray ni Susan Roces, ang Pangulong Arroyo naman ay hindi magkandaugaga sa pagpirma ng batas para sa mga buwis ng mga kasalanan.(sin taxes).
Ang pagpapawalang sala kay Danding Cojuangco sa graft charge napagdonate ng coconut levy funds sa pribadong tao at kumpanya ay wala man lamang reaksiyon sa mga columnists na ang topic din ay si FPJ.
Patuloy ang pag-ikot ng mundo ng mga somebodies
at nobodies.
Makapanood nga ng pelikula ni Jet Li.
The Ca t
5 Comments:
sige Cathy, panoorin natin ulit ang Romeo must die ni Jet Li and Aliyah. dito ako dyan ka. Tingnan natin sino ang multuhin ni Aliyah.
Takang=taka rin ako sa mga nanay na dinadala pa kung saan-saan ang mga anak nilang maliliit, mairaos lang ang kanilang pagiging star struck. Siguro kung asawa ko yun, matagal ko nang nabatukan. Biruin mo... ano ba naman ang malay ng mga batang maliliit. Kunsabagay, nakakahawa ang pagka hilig sa artista.
Eventually, ganon na rin ang magiging ugali ng mga batang iyon. Hay buhay....ng walang magawa..
cath cath.....
este..sabi mo yong kasama mong 3rd kind....close encounter ba? at ikaw ha....may fayboreyt na pari ka pala. doon ka ba sa kanya nagkukumpisal. "ego te absolvo".payo ko sa mga madir na nagpunta para makita si FPJ, "siguraduhin naman ninyong napakain na yong inyong baboy, manok, bibi at aso na iniwan nyo sa bahay bago kayo maglamiyerda. kasi sa init diyan sa pinuntahan ninyo, kayo naman ang magaamoy baboy, manok, bibi at aso pag uwi ninyo. at huwag nyo akong taasan ng kilay"...hmmmmmm!!!!
cath...
i have return...pardon mwah... yong pusa sa pic na nabisaklat, gusto kong tampal tamplin yong kuwan.! pustahan tayo kumain ng Ligo yan, made in the Phils. say mo hah...pinakamasarp yong Ligong made in South Africa, lalo na iginisa mo sa sibuyas at kamatis at pagkatapos sabayan mo ng garlic rice, na nakataas ang paa mo, kahit na kikita mo yong mga patay na kuko while eating....teka..teka. bakit nauwi sa Ligo. este going bak sa Cat pic, parang fetish ko, mainit na plantsa, then ipapahid kong konti doon sa kuwan ng bisaklat na pusa. ang brutal ko ba! sige isumbong mo na lang ako sa yong kaibigang Pari. ako'y isang abang si Basilio lamang, kahit siya ay si Padre Damaso. Noli Me Tangere.
frat,
sama ng tingin mo sa pusa. makuliti ka niyan.
Gusto ko sa Ligo, hindi luto. yong tomato sauce ay matamis.
Post a Comment
<< Home