Wednesday, December 22, 2004

Pelikula ng Buhay ni Fernando Poe, Jr ?

Dear Mouse,

May importanteng appointment ako kahapon kaya mga kuntil-buntil lang ang nasilip ko sa TFC.

Buti na lang at may isinulat si MQ3 sa kaniyang blog tungkol sa Libing ni Fernando Poe, Jr.

Sa kaniyang isinulat at sa mga balitang aking nabasa ang mga taong nakipaglibing at nakiramay sa kanya ay ang mga sumusunod.

Mga tagahanga sa pelikula

bata,matanda,lalaki,bakla,matino, may-sira...

Mga kamag-anak

..ampong si Grace, tunay na anak na hindi kasama sa upuan ng pamilya, nasaan ang ibang anak?pamangking mga Cruz,half brother na si Conrad Poe, sister na si Elizabeth, mga di-kilalang pinsan...

Mga kaibigan sa pelikula: Dolphy-luma na ang patawa niyang nababakla siya sa kaguwapuhan ni Fernando Poe, Jr., kung baga sa bakya, pudpod. Hindi na ako matawa sa patawa niya. Hindi rin ako mapigil sa pag-isip bakit ni hindi niya sinilip ang burol ng kaniyang apong nabaril?

Eddie Garcia-gusto ko siyang actor, huwag na niyang sirain pa ang paghanga kong yaon.Mas magaling pa siya kay Fernando Poe.

Joseph Estrada- ang pangulo raw na inagawan ng upuan at binusalan. (Excuse me while I puke).

Mga artistang mga laos na. Laos na laos na nagpupumilit pa ring pumapel. hmmm

Mga militanteng grupo na mahilig laging makasakay. Dapat tanggapin nila na wala pa rin silang kapangyarihan kahit sa masa.

Mga tagasunod ni Villanueva.

Mga tagasunod ni Ely Pamatong.

Mga pulitikong sumakay sa popularidad ni FPJ.

Mga taong kumita sa tshirt, wristband, arm band, pamaypay na may tatak:

Bayani ng Bayan

Ano?

Ituloy ang Laban?

Hanggang kailan?

May pelikula kayang darating tungkol sa buhay ni Fernando Poe, Jr.? Sagot, meron. abangan.

The Ca t

5 Comments:

At 12:17 PM, Blogger ting-aling said...

Hehe, tumawag ako sa aking mga in-laws kahapon. Napuyat daw sila sa panonood ng coverage ng libing ni Da King. (Short of saying, huwag kayong mangdisturbo muna at kami ay nagdadalamhati). Ughh! A siempre sa aking Mr. nabaling ang aking pagka-inis. 'di ko matanggap na meron din pala sa pamilya namin (nila pala) ang mediocre..buti na lang sa aking pamilya walang nakilibing, kundi, buburahin ko sila sa aking listahan ng padadalhan ng Christmas Card.

 
At 1:39 PM, Blogger cathy said...

personality cult talaga ang dating. may alam ako Ting, nagtayo na rin ng kulto. nyuk nyuk nyuk.

 
At 3:25 PM, Anonymous Anonymous said...

Ano pa nga ba at pelikula ang kasunod niyan. :(

Yung gobyerno naman, pumapapel.

Gelay
http://www.angelasolis.ph

 
At 3:15 AM, Blogger infraternam meam said...

cath...
buti na lang hindi pa pinadadala sa Rome ang name ni Pandoy para beatified as a saint. aray!! at kay dolphy...matagal na siyang bakya. hindi lang pudpod, tapyas pa. at si erap na inagawan ng upuan, nasa unidoro siya nakaupo nang mangyari ito...sino ang aagaw at umagaw nito. baka hindi pa niya ipinaflush ang inupuan niyang unidoro. ikaw naman Cath, ang sakit mo namang magsalita.."mga artistang laos"...bakit hindi mo na lang sabihing "mga artistang hindi alam na may Botox pala"..sino si Ely Pamatong...paki sampal mo nga ako. ebot ba ito o kelot. saan Pamatong!..para namang apelyido sa karaoke bar ang name na yan!
este...mukhang hindi kumunsulta sa isang geneologist ang pamilya ni Manay Roces, bakit wala yatang system ang pagupo ng mga ka blood bi Pandoy?hmmmmmmmm!!!!

 
At 9:10 AM, Blogger cathy said...

gelay,
totoo yan.

hey frat,
sabi ni dolphy, para na raw ngang santo dahil sinasamba
siya ng tao.

pakisampal nga ako.

 

Post a Comment

<< Home