Monday, December 20, 2004

Christmas Parties and Parlor Games

Dear Mouse,

Sa December 30 na ang party ng pinoyblog. Sayang di ako makakapunta. Sasamahan ko sana si Batjay sumayaw sa mesa. Lagot.

Masaya ang Christmas party pag may parlor games. Iba-iba ang mga pangalan nila pero ganoon din ang ideya.

1. Trip to Jerusalem o Musical Chair

Paborito ng bata, pati rin ng mga hindi na bata pero hindi pa matanda , lalo na kung sa halip na silya ay mga tuhod ng mga binata/binata /pag /nasa /labas /ng bahay /ang gagamitin. Sa mga kalalakihan ay okay ito lalo kasama yong babaing gusto nilang mahawakan.

Pag ang ako ang in charge sa parlor game na ito, madalas ay nakakuha ako ng request sa mga boys na medyo tagalan ang music.Mga salbahe. Kung kasali ako, puwede pa. ahahay

2. Bring me or Scavengers'Hunt

Huwag kayong magkamaling ako ang gawing in-charge sa game na ito at hindi rin sa akin puwede yong halos dalhin na ang kanilang bahay para lang manalo. Isang kaibigan ko ang laging may dalang malaking tote bag na may lamang karayom, sandok, martilyo, pako para lang manalo sa contest. Ako hindi bagay ang aking hinihingi kung hindi tao Para hindi lang yong kasali sa contest ang involved.

Examples:

1.Babae o lalaking may dimple sa pisngi

2.Babaeng may pinakamalaking sukat ng dibdib. Hehehe kailangang sukatan.

3.Lalaking may pinakamalaking……PAA (akala ninyo kung ano na.)

4.Babae o lalaking may pinakamababang timbang

5.Babaeng walang boyfriend (laging nakasimangot)

6.Lalaking walang girlfriend(laging nakangiti)

7.Lalaking ay suot na bikini brief (paano malalaman? pilitan ninyong hubaran)

8.Babae o lalaking may nunal below navel

etc.

Pahabaan

Ito ay laro ng grupo.Ang mga miyemro ng grupo ay pagdudugtungdugtungin ang lahat ng makukuha nila sa kanilang katawan..eg. belt, socks,shoes, bra ooops, briefs. ooops.

Newspaper Dance

Dapat mas mabigat ang babae para pag maliit na ang diyaryo, babae ang kakarga sa lalaki.

Egg Relay

Kailangan hilaw ang itlog.

Enjoy

The Ca t

4 Comments:

At 10:02 PM, Blogger rolly said...

Cat sana nga nandito ka para marami tayo. Mas marami mas masaya at mas maraming sasali sa parlor games. Di bale, next year baka makauwi ka.

 
At 2:38 AM, Anonymous Anonymous said...

CATH...
bakit hindi ka naman sumama sa inyong get together. it will be fun, especially kasama mo ang mga veteranong bloggers. mayroon bagong game, after Trip to Jerusalem, ang new one is Trip to Baghdad or musical chair called "Fellujah on my mind". instead of chairs, armalite at Mortar launchers ang uupuan. hmmmmmm!! baka may sumampal naman sa akin...jokleng lang ako..paki hampas mo nga ako ng pusang bisaklat.

 
At 5:08 AM, Blogger cathcath said...

titorolly,
gusto ko sana pero hindi pa puwede. enjoy kayo, i'll be there dahil maalala ninyo ako.

pictures ha?

frat,
okay yan ah. hahahaha

 
At 6:56 PM, Blogger joffin said...

cathy,
oo nga, kakaingghit si tayo makakasama. long time din akong nawala sa cirkulasyon at medyo naging abala sa eskwela... mukhang maraming akong hahabulin sa pagbasa ng mga blog ninyo. merry christmas!

 

Post a Comment

<< Home