Saturday, May 21, 2005

Balitang Artista muna

Dear mouse,

Headline: Echo gagawa ng "soap" sa Malaysia."

The Ca t sez: panlaba o pampaligo.

Ann Curtis Ba yon? "Panoorin ho ninyo ang KAMPANYERANG KUBA ?

The Ca t sez" Ano nakuba sa kakakampanya?"

Bakit kaya ang mga TV hosts at ang mga nagiging bisita sa noontime show palaging sumisigaw?

Mga bingi ba ang mga Pinoy ?

Ito talagang mga survey survey ay ikinapuputi ng aking kilay sa konsumisyon.

Tanong: Sa pagtaas ng tuition fee, palagay kaya ninyo ay nakukuha ang dapat na kalidad ng edukasyon?

Okay ang tanong. Ang maling pinili ay ang mga respondents. Mga taga public schools.

'NO BA KAYO?

Wala bang mga Accountant ang mga artistang nasasangkot sa tax evasion?

Dapat pasagutin din sila sa kasong yan.

Sila dapat ang nag-iisplika sa kanilang kliyente kung ano ang dapat ireport, ano ang dapat ibawas at magkano ang babayaran.

Wala namang garapalan para sa mga kapatid ko sa profession. Alam naman nila na pag may withholding sa mga kinita ng artista, dapat ideclare ito at bayaran ang anumang kulang sa ibinawas.

The Ca t

0 Comments:

Post a Comment

<< Home