Saturday, May 28, 2005

What’s wrong with some people’s blogs?

Dear mouse,

Nothing.

Ow kala ng iba, intriga na naman ako.

Sa isang seminar na aking napuntahan, isang speaker ang nagsabi ng: When writing an article, be sure that your title will catch the attention of your readers. But also see to it that the essay itself is not a disappointment just like the news stories in the tabloids that have misleading headlines.

kagaya ng...

Bat like boy prowling the neighborhood. Pag bukas mo ng balita, gusto mong puntahan ang publisher at isalaksak sa kaniyang lalamunan ang dyaryo dahil bata lang pala talagang nakacostume ng Batman. Di kaya si Batjay yon?

Pero balik tayo sa titulo ko.

Maraming mga bloggers ang nagcritisize ng blog ng may blog kasi hindi kagaya ng sa kanila.

May nagkicriticize na bakit pati naman ang paghinga ng kanilang pusa ay sinusulat pa sa blog o kaya ang kanilang pag-utot.

Sabi nga kanya-kanyang diskarte lang yan.

May mga bagong blogger na nagsisimulang parang diary-like ang kanilang weblog. Normal, kasi pag nagsisimula ka pa lang, mas alam mo ang sarili mo.

Sabi nila :

1. Oweno kung nakakita ka ng ibong patay sa daan?

Ang iyong nararamdaman ay maaring nararamdaman din ng ibang tao,ibang lahi, ibang relihiyon. Ibig sabihin ang pakiramdam na yan ay pangkatauhan, bahagi ng inilagay sa ating kaluluwa Ng isang Kinapal. Bahagi niyang magkaroon ng pagdamdam Ng sakit para sa ibang nilalang.

Ang aking blog entry tungkol sa dove with a broken wing ay kasama tungkol sa paksa ng ibon, tungkol sa dove, tula tungkol sa ibon at mga kuwentong bata tungkol sa ibon.

Ito ang goggle link.

Google: morning dove with broken wing in yard

Hindi ko pinagmamalaki na itong entry lang ang galing sa isang Pinoy na humalo sa mga iba't ibang klaseng wbsites, weblogs ng ibang lahi.

Pero, maipagmamalaki ko na ang blog ko ang may puso. Tingnan ninyo ang sabi sa isang weblog.

"Yes, there is this dove, and it's walking away from me but not flying, I think its wing might be broken or something." "No," she responded. "Dove's sometimes choose not to fly." I laughed and this and answered, "Haha. . .Dove's are pretty stupid."

Ito ang aking blog:

I saw a pigeon in the middle of the road. It won't fly. It won't move. It was just there. It seems saying, kill me. It was looking at what appeared to be the remains of another pigeon that might have been run over by a car, as to when, who knows.Only a few feathers left. The pigeon looked like, it cannot get over the death of a friend or a lover

2. Oweno kung ang almusal mo ay tuyo at kanin?

Maaring ang makabasa nito ay isang successful na overseas Filipino na dahil Sa kaniyang pagkamal ng salapi at katanyagan, nakalimutan na niya ang Kaniyang pinagdaanan. Ang mga araw na kasama niya ang kaniyang Magulang na kumakain ng tuyo bilang pamatid gutom.

Sa akin ay nagpaalala ng mga araw na nagsisimula pa lang kami ng buhay naming Na wala na ang aming ama.

Madalas ay tuyo ang aming ulam sa dahilang ayaw ng aking inang maubos ang kaunting perang naiwan ng aking ama upang kami ay makapagtapos ng pag-aaral.

Sa halip na magreklamo ang aking kuyakoy, siya ay sisigaw nang malakas.

Oy kain na tayo. Sarap ng litson uhhmmmyumyum. Parinig sa kapitbahay.

Saan kaya nakakita ng nakakubyertos with matching napkins pa pagkain ng tuyo na may kamatis. Onli in our household. Pero ako nakataas ang isang paa na madalas pitikin ng aking kuya na may kasamang laki ng mata. BABA.

3. Oweno kung may nakakita lang nangulangot sa teren o kaya may nagmemek-ap kang nakasabay.

At least alam mo na hindi lang ikaw ay pakiramdam na kung maari lang Na buhatin sila at pangaralang huwag mong gagawin sa publiko, Yan o kaya tatawa ka at magtatanong…gawa ko rin ?

Habang tumatagal, nag-iiba ang inyong weblog dahil sainyong pagbabasa ng iba pang blog.

Ang iba ay nagiging parang media na may balita at may opinion.

Ang iba ay ayaw ito dahil daw kailan man ang nagkokopya lang ng Balita ay hindi naman journalist.

Kaya nga yong iba tumataas ang kilay ng style ni Sassy at iba pang blogger na sumusulat ng balita at nagbibigay ng opinion. Ayaw din nila ito dahil anong karapatan daw Niya ang magbigay ng opinion.

Ito nga ang style na ginagawang participatory ang media. Hindi media kung hindi ang laman ng media, ang balita.

Kung magbabasa ng dayaryo, ito na rin ang istilo ng mga online dailies. Ang naghihingi ng opinion.

Ang iba naming blog ay ginagawang dingding ang kanilang blog. Sabitan ng kanilang Mga certificate. Walang problema yan. Yon ang comfort zones nila. Yon ang nagbibigay sa kanila ng confidence. Hayaan natin.

Ako, may mapatawa lang akong isa, kuntento na.

Ganyan lang ako kababaw.

Mas malalim ang pilosopiyang nakasandwich sa patawang iyan. Kung hindi niya naarok, mabuti dahil hindi ninyo ako kamumuhian dahil nandoon ang pilantik ng buhay.

Sa mga magaling sumulat na nagbabasa ng aking walang 'wenta-wentang blog. Salamat sainyo. AAAAAAAAAAAAAAAAA

The Ca t

12 Comments:

At 12:25 PM, Blogger infraternam meam said...

there is no such thing as "walang kakwenta kwentang"blog. anything that you write, anything that you express, anything that you profess, as long as it is coming from the deep thoughts of your mind, wherein you have pour in your heart into it....IT IS WORTH READING. you have to understand, just like me, when i ventured into this Blogging past time, i have open up myself into the peering eyes of the people in the Blogging world. i have to take the risk that i can be criticized anytime, i have to take the risk that silently in the very homes of those who read my entries, they are cursing me in diff languages. we are what we write, and so EXPRESS YOURSELF. i do this blogging thing, because this is my outlet from my very hard work listening to all the complaints of people on the fon, including the cursing and swearing. if i don't like your entry, i will not give my comment(s) into it. by the mere fact i give my comment(s) in the most constructive and polite manner, i know i have imparted good thoughts into it. and you can even refute my comments. thats the wonderful thing about the God given talents of us humans, we have the power to act and react. i got to go, i have to take a shower and go to work from 1730hrs to 0330hrs even on this holiday weekend.

 
At 1:30 PM, Blogger Kiwipinay said...

acheng... paano yan? di ako magaling sumulat pero binabasa ko blog mo? ;)

acheng, napapatawa mo nga ako. pero di ko alam na may pilosopiyang naka-sandwich pala doon. ahahahahah!!! uy joke lang ha? di naman ako ganun ka-bobing! ahahahahaha!!!!

pero wagi ka na naman, acheng! napatawa mo ako dun sa ginagawang dingding ang blog nila. ano kamo? sabitan ng kanilang mga certificates? bwahahahahah!!! teka nga... ma-scan nga rin mga certificates ko.... mga certificates of attendance. bwehehehehe....

 
At 3:37 PM, Blogger cathy said...

frat,
alam ko lang namang hindi walang wenta wenta ang blog ko. Yan ang sinasabing may kasalanan akong false humility.

lambing lang yan sa akin. batok sa sarili..tsaktsak

 
At 3:40 PM, Blogger cathy said...

kiwi,
para mo na ring sinabing hindi rin ako magaling...eh pareho tayo ng istilo.mahinhing bading na babae po ako. Si ate sienna yon ang reyna ng mga bading na babae.

iba ang pinatutungkulan ko kiwi. yong mga prim and proper at very literaty type ang style ng pagsusulat.
They cross their t's
and dot their i's before they click publish.

 
At 6:50 PM, Anonymous Anonymous said...

malalim ka talaga c at. kaya naman lagi ako bumubisita dito eh. natatawa na ako, napipilitan pang mag-isip. hehehe!

tama, kanya-kanyang diskarte lang yan. at sabi nga ni mec, walang basagan ng trip. :)

 
At 7:10 PM, Blogger cathy said...

apol,
sa paghasa ng utak na tagakuwenta,(accounting)
lumalalim ang pag-iisip dahil ang ating training ay magbasa ng mga
hindi nakikita ng pangkaraniwang mata.

utak kriminal para mahuli ang kriminal. Saylens of the LAmp. ehek.

 
At 2:56 AM, Blogger rolly said...

Ako parati akong nangingiti ng palihim pag nagbabasa ko ng blog mo. Kadalasan kasi sa office ako sumisingit ng blogging e. Pag wlang masyadong ginagawa o kaya ay break. E kung mapagkamalan akong lumuwag ang turnilyo?

Anyway, tama ka naman. Nobody knows what will tick and what will not. Me kasabihang, "the universal lies in the particular" Kung sumusulat ka, isulat mo yung alam mo at meron at merong makakaidentify dun sa sinulat mo.

 
At 2:46 PM, Anonymous Anonymous said...

C, i thought there are no crabs, rather crabby bloggers lol . what kind, snow or blue? ...iby

 
At 2:16 AM, Anonymous Anonymous said...

I am fan of yours. Kung may wenta man o wala ang blog mo, nasa sa akin na 'yun kung babasahin ko pa rin. Pero di nga ako nagsasawang basahin blog mo, pati nga ang mga "nakaraan" binabalik-balikan ko pa rin no. Walang anuman ang aking sagot sa iyong pasasalamat.

 
At 2:22 AM, Blogger cathy said...

titorolly,
salamat naman at napapangiti ang isang
magaling magpatawa.

 
At 2:24 AM, Blogger cathy said...

IBS,
ano bang kulay ang talangka?

 
At 2:27 AM, Blogger cathy said...

anonymous,
salamat pagiging fan mo.
taga balik-balik ka ?

 

Post a Comment

<< Home