Bakit ?
Dear Mouse, Kailangan tagalugin ulit. Baka may maligaw na Puting daga. Kasalukuyan akong nasa gitna ng pagpigil na mapalaot sa dako pa roon(Pasensiya na kayo, kababasa ko lang ng mga blog sa Tagalog) nang pagpikit ng mata at pagdilat dahil sa aking antok. Katatapos ko lang tapusin ang assignment na industry analysis ng aking kaibigan para sa kaniyang kursong Financial Management(ipadadala raw niya ang grade sa akin)nang magulantang ako sa lakas ng boses ng isang security sa amin at nagsabing, Can I borrow you for a second? Ano ako ,stapler (na madalas palpak) na hinihiram? Sikyo: May babaeng matandang Filipina sa baba. Sabi niya nasaktan daw siya ni G (Puno ng IT dept.) ng kaniyang RAV4. Pusa: Ano nagulungan? Buhay? Patay? G: Buhay siya at noong isang Linggo pa nangyari yon. Pagparada ko sa parking, nakita ko siya sa likod ng aking sasakyan, nakasalampak sa lupa. Sabi niya, naatrasan ko raw siya. Nanaginip siguro ako pero hindi naman ako umatras nang magpark ako. Pero tumawag ako ng sikyo na tumawag naman ng 911. Ayaw namang magpadala sa ospital dahil okay naman daw siya. Pusa: Ngayon, bakit siya nandito ? G: Nanghihingi siya ng pera para daw sa ginastos niya sa ospital, sa gamot at sa doktor. May dala siyang tabletas. Iyon daw ang gamot niya. May nakasulat ng $400. Pusa: Anong tabletas yon. Anong kailangan ninyo sa akin? G: Hindi siya nakakapagsalita ng English, eh ikaw lang ang Filipina dito. Pusa: Gusto mo Spanish pa. (wink) hehehe. Pusa: Lola ano ho ang nangyari ? Lola: Eh sinagasaan ako niyang kasama mo. Pusa: Lola, kung sinagasaan kayo, sumalangit nawa na sana kayo ngayon. Lola: Ineng, nasaktan ako kaya pumunta ako sa ospital. Eto may dala akong binigay ng doktor. Pusa: Pero bakit hindi kayo sumama doon 911 na tinawag nila? Lola: Natakot ako eh. saka di ko pa naramdaman ang sakit noon. Pusa: Ano ba itong gamot ninyo. (Burado ang sulat pero halatadong sinulat lang ang presyo). Hindi ho sa sakit ito. Vitamins ho ito at galing ho ito sa public hospital. Libre ho. Lola: OO, binigyan ako ng Vitamins dahil nanghihina ako dahil sa aksidente. Pusa: Ano ho ba ang nasaktan sainyo? Hinawakan niya ang ulo niya. Pusa: Ibig ba hong sabihin, Ang natumbok, yong ulo ninyo? Lola: Hindi sumasakit ang mata ko dahil sa aksidente. Ala DA ako ngayon kung magtanong. Pusa: Saan ho ba kayo natumbok? Ah. Bakit naman kayo nasa parking area eh exlusibo ho yon sa mga nagtatrabaho dito. Lola: Naghahanap kasi ako ng kubeta? Pusa: Saan ho, sa likod ng mga kotse. (Hindi naman siya nakasaya na tulad matanda sa Pilipinas na nakatayo kung umihi. (excuse me. hahahahahahaha) Sige balik interrogation. Pusa: Ano ho bang gusto ninyo at sasabihin ko. Kasi gusto rin niyang tumulong sainyo. Lola: Gusto ko lang namang humingi ng pera. Dahil pag idenemanda ko siya mas makakakuwartahan siya. Pusa: Lola, ang abugado ba ninyo eh madalas may hawak ng bote na may retrato ng anghel at ng demonyong nag-aaway? Lola: Sobra ka naman, anong akala mo sa akin yagit. Hooooy, may bahay ang aking anak. May kaya sila. At bakit ka ganiyan, imbes na tumulong ka kumakampi ka pa sa Puti. Pusa: Hindi ho siya Puti. Latino ho siya. Saka hindi ho natin pinag-uusapan kung may kaya o wala ang inyong anak. Ang tinatanong ko ho kung ano ang kailangan ninyo para masabi ko sa kaniya. Lola: Gusto ko ng pera. Pusa: Magkano ho naman ang kailangan ninyo? Lola: Yong nakasulat sa lalagyan ng gamot at yong sasabihin ng doctor kung magkano ang singil sa akin. Pusa: Meron ba kayong resibo. Lola: Bakit kailangan pa yon? Sige kahit dalawandaan, tatanggapin ko. Pusa: Thought baloon.(Nagddrug kaya ito..pero siguro hindi naman dahil mahigit sitenta na...baka nagpapanggingge at natalo? sagot sa sariling tanong? baka. Pusa: Lola, gusto ninyo ng pamasahe? Nakakahiya ho ang ginagawa ninyo. Nakikita ba ninyo yon sa may garahe? (Tinuro ko yong ilaw an korteng kamera). Lola: Ano yon? Pusa: Kamera ho yon. Nakikita ho kung anong nangyayari. Talaga ho bang nabunggo kayo o sumalampak lang kayo sa likod ng sasakyan?(patawarin po ninyo ako sa pagloko sa matanda na kamera yong ilaw, magkukumpisal ho ako, promise). Lola: O sige uwi na ako. Pusa: Gusto ninyo ng pamasahe? At siya'y umalis ng alang lingon-likod. G: ¿Ahora qué CAT? Pusa: Nada, se parece que el dolor está ido con esas vitaminas. G:Gracias. Estoy dispuesto a ayudar aunque sé que ella lo está haciendo para arriba. Walang anuman. (Isip lang)Kung hindi mo naintindihan, pahinog ka. G:se-le-met seyo. Trying hard pa siya. The CA t
0 Comments:
Post a Comment
<< Home