Kuwentong kuwento
Dear Mouse, Nabasa ko yong comment ng isang blogger nawala raw kakuwenta-kuwenta ang mga karamihang blogs. Reaksyon ko? Humph. Eto pa ang walang kakuwenta kuwenta. Kabagan ka sana. Mahirap ang maging boss at maging tagasunod. Ang boss ay may responsibilidad sa mga bagay-bagay na kung ay may personalidad na worrier, madaling puputi ang buhok o kaya mamatay sa alta presyon. Pag tagasunod ka lang, kawawa ka naman sa boss lalo kung ang boss ay palaging may sumpong o kaya lalaking under (may teoriya kasi na ang ander de saya daw ay mahilig magpamacho sa opit)o pag babae naman ang boss mo, ilang araw sa isang buwan ay mayroon iton sumpong. Mahirap din ang maging pusa. Elbo wrote: Bullying a subordinate I was in a bad mood last week after a heated argument with my boss that I consequently bawled out a subordinate in front of his colleagues. I felt bad after that. Really, it was an unfounded and unjustified outburst on my part. I thought it was uncalled for. How could I prevent such thing from happening again? -- Silver Nipper, Makati City The only way to get the best out of an argument is to avoid it. Admittedly, it's not easy as it appears. Sometimes, we get to feel that it's one of those lucid intervals that we get to experience from time to time, particularly when we can't help but to "bite the cat," so to speak. "Bite the cat" goes like this: A mean husband yells at his wife, who, in turn, yells at the oldest child, who slaps the youngest child, who kicks the dog, who then goes and bites the poor cat. Kita ninyo, di mahirap ang pusa. Isa sa mga naging boss ko ay yong propesor na may consultancy, mayroong negosyo pero nagpipilit sa academe. Sabi niya sa akin ang isang titulo na magkakaroon ka lang ng respeto ay ang propesor, hindi ang pagiging manager, CEO o director. Ang isang titulo na panghabang buhay mong magamit sa pangalan ay ang DEAN. Yong talagang naging Dean ng isang academic unit sa isang unibersidad at hindi pangalang ibininyag lamang. Per diem ako sa kaniya dahil per project lang ako, pero kung tratuhin niya ako ay para bang Assistant ba ninyo ako? Madalas kong papel sa kaniya ay SUBSTITUTE. Alam niyang retainer lang ako sa mga nabola kong mga kliyente. Padalaw-dalaw, paaudit-audit.Ayaw ko ng 9-5. Pag mayroon siyang travel o commitment sa labas ng bansa, ako ang kaniyang hahanapin para gampanan ang papel niya. Isa sa mga papel na iyon ay hawakan ang kaniyang teaching commitment sa ibang unibersidad. May kalakaran ang Department of Education na ang mga faculty dapat ay may mga masteral. Sa accreditation ng mga unibersidad, isa sa mga tinitingnan ang backround ng faculty line up. Mas impressive ang line-up ng faculty, mas madaling aprubahan ang mga curricular offerings o application nito mula college to university. Sa taong iyon, ay may ebalwasyon ang kolehiyong yaon na eklusibo sa mga kababaihan lamang. Kailangan ang kaniyang pangalan na may doctorate. Ilang Linggo pa lang nagbukas ang klase, kailangan na niyang lumipad sa Estet para sa isang kumperensiya at sa Korea para sa isang speaking engagement. Sabi niya, hawakan ko ang klase, huwag raw akong tatanggi dahil susumpain niya ko.Ibinigay sa akin ang syllabus, classcards at ang mga assignment. Marketing subject. Sabi ko sir naman, hindi ako namamalengke, binibili ko lang kay aling Gare ang aking dinner. Pero talagang bilib siya sa akin, di lang siguro mahina ang pandinig niya, malabo din ang kaniyng mata. O kaya mabisa ang pagkanaw ko ng kaniyang kape ng aking daliri kung wala kong makitang kutsara. Kaya mo yan sabi niyang nakangiti kung ngiti nga yon. Okedoke. Unang araw, walang mga istudyante sa loob ng klase. May sisilip, aalis, sisilip, aalis. Hinahanap yata yong Boss ko na hindi marunong ngumiti. Dalawampung minuto na ang nakaraan, wala pa ring estudyante. Kung may daga lang doon nasipa ko na.(Siyempre ako ang pusa di daga naman ang pagdidiskitahan ko). Treinta minutos, wala pa rin. Minarkahan ko ng absent lahat, pagkatapos pumunta ako sa opisina ng assistant dean. Oy lalaki. Bata pa at guwapo pero mayroon na yatang girl friend Mayroong nakaupo sa opisina na tila ba sinasabing kwedaw kayo, akin siya. . Sinabi ko ang problema. Sabi niya nakita raw niya na nasa campus ang mga istudyante .(ang mga bruha, nagtatawanan). Sabi ko , next meeting, pag wala sila sa klase ko. Absent ulit sila at the third time na wala pa sila. Drop sila lahat sa klase, hindi sila gagaraduate. Hmph. Substitute lang ako niyan. Ikalawang meeting, di sila umakyat sa classroom, lahat sila nasa labas ng opit ng assistant dean. May demonstrasyon yata. Minarkahan ko ng absent lahat at saka pumunta ako sa faculty room. Yong mga matatandang mga propesor ay nakatingin sa kin. May mga sipsip na istuyent na nagsumbong na. Siyempre ako ang kontrabida. May isang lalaking Law professor na lumapit sa akin. Kinukwestiyon kung bakit yong peborit istudyent niya ay minarkahan ko ng absent eh nasa klase naman daw siya at ako ang wala. In fact nasa klase niya at perfect ang attendance. Ow. Anong oras? 7:30. Ow, klase niya sa akin alas otso. Paano nangyari yon. Overlap ang kaniyang sked. Paano niya nagagawang mag-attend ng dalawang klase ? Namutla si Propesor. Ahaaaa. Ikatlong meeting ay nasa loob na sila ng klase.Ang hahaba ng nguso. Puwedeng lagyan ng sabitan ng kiluhan ng baboy. Okay, simula ang lecture, dakdak, tanong, dakdak, tanong. Walang reaksiyon.. Kung hindi nagtsitsimisan, naghahagikhikan, nag-aayos ng kilay ay nakatanaw sa kawalan. Spoiled brats. Sabi ng aking kaibigan, anak-mayaman daw ang mga iyon na ang pag-aaral ay para lang pagbigyan ang mga magulang na madalas ay wala sa bansa o kaya ay abala si Mama sa mga amiga. Hindi ko mabitiwan, wala si boss. Minsan naman sila ang pinagreport ko, susme, parang mga parrot na minemorize ang chapter ng libro. Parang ang iq nila ay naiwan pa sa kanilang mga higaan. Pinatawag ako ng Madre. May schedule daw ang kalse ko na magsisit-in ang mga ebalwaytors. Baka ten minutes o kaya buong duration ng kalse. Ngeeee, yong klaseng yon ang ipapakita nila sa mga ebalwaytors? OO daw kasi ang inexpect nila si boss ang hahawak ng klase. Substitute nga lang ako. Kailangan bang pinagdiinan nila ang obvious. Kakatayin ko si bossing. Next meeting. Wala akong dalang libro. Mabigat kasi si Kotler. Hindi ko chineck ang attendance. Bandang huli yon. May mga masasamang gawi itong mga bruha na magpapacheck lang ng attendance pagkatapos ay mag-iiwan lang papel o kaya ay libro sa upuan at eeskapo oras na makatalikod ka. Alang hiya, sana nalaman ko noong istudyent ako, di nagawa ko rin sana doon sa Natural Science subject ko. Walang recitation. Nagbigay ako ng mga papel. Okay, magkakaroon sila ng project. Think of a product. Gagawin o ipoprodyus nila ang product na maibebenta rin nila. Kailangan ko ang marketing plan. By group. Tuwing meeting, wala kaming lecture, mayroong brainstorming. Yon bang babagyuhin ko ang utak nila sa productong gagawin nila Marami naman silang pera. Gastusin. Pero ayaw ko ng ipapagawa. Sila mismo ang gagawa. Marketing Ps, Product, Promotion, Price, Place . Ipepresent ang marketing plan pagdalaw ng mga ebalweytors. Abaaa, tahimk ang mga bruha sa kani-kanilang sulok, pero sila ay may ginagawa. Sikretuhan sila para walang agawan ng ideya. Bisperas ng presentasyon at ebalwasyon. Naisip ko ang sinabi ng aking gurong ina. Pag may mga bossing/observers daw sa klase nila, nirerehearse nila ang mga bata. Kanan ang taas ng kamay pag alam ang sagot. Kaliwa pag hindi sigurado. Hehehe. Hindi nila kailangan ang magsuot ng boring nilang uniporme. Mga executives sila kuno. Nakamyek-up sila at nakapamburol. Yong iba nagpa hairstyle pa. Okay. Dumating ang mga ebalweytors. Unang producto. Oversized tote bag na yari sa telang makukulay at may mga logo. Galing. Binigyan pa nila ng sample ang mga ebalweytors. Sipsip. Nakangisi ang mga ebalweytors. Sunod ay lotion na nakalagay sa plastic na bote na nakalagay sa isang pouch. Isa pala sa mga istudyent ay anak ng may-ari ng isang chemical importing firm, kasama dito ang mga essence. Kahit pinatimpla nila sa chemist ang formula, sila ang ang idea ng pangalan at ng packaging. Malaking gastos pero sabi nila pero itutuloy nila ang prdukto paggraduate nila. Tuwa din ang daddy niya, business minded din daw pala ang anak niya. Akala niya hanggang hingi lang ng pera. May mga producktong target mga istudyent. Nai-oofer na raw nila sa isang malaking bookstore. Puwede na silang magdisplay on consignment. Pimalakpakan sila ng assistant dean. Pinatawag sila ng madre. Siguradong gagraduate sila. Dumating si boss. Unang bati. Buhay ka. Paano ka nagsusurvive sa mga spoiled brats na iyon. Hehehe. Binigyan ko siya ng tote bag at lotion. Sabi niyagusto raw noong madre, magturo ako next semester, regular na at hindi substitute. Thank you na lang sir. Ayaw kong pumuti ang buhok ko. The CA t
0 Comments:
Post a Comment
<< Home