Turon kayo d'yan
Dear Mouse, Rhet of karinderia fame was fuming mad over a quartered banana inside a turon. He had every reason to curse the object of his ire. Nakikiayon ako sa kaniya, kaya ako rin pa-curse. Sana ay lumaki ang inyong ilong ng katulad ng banana, quartered nga lang. Sana ay madupilas kayo sa balat ng banana . Sana ay managinip kayo na hinahabol kayo ng mga bananang hubad. Paborito ko rin ang turin ‘noh-- yong may langka sa loob at maraming pulang asukal. Kahit hindi turon, kahit banana cue. Noong huling uwi ko sa Pinas, pumunta pa ako sa paborito kong banana cue stand para lang bumili noong banana cue na medyo over hinog at malambot na, nababalutan ng maraming asukal. Tapos iinom ka ng malamig na malamig na coke. Burp... Tama ang obserbasyon ni rhet. Kumpara sa mga Chinese restaurant, ang Filipino restaurant ay takal ang kanin. Mura naman ang bigas. Sa Peborit kong Chinese restaurant, sangdamukal ang kanin kaya yong isang order na katulad ng Peking Duck over rice, matagal nang nailibing mo yong buto ng duck, may tira pa ring kanin sa refrigerator na naninigas na sa kalumaan. Pero huwag kang magkakamaling umorder ng “flied lice”. Mas marami ang ibibigay saiyo dahil mga second generations yon ng tirang steamed rice, tirang meat with green peas and carrots. Lalagyan lang nila ng kaunting itlog at kaunting oyster sauce--- Voila "FLIED LICE" na. Pero dahil sa bagsak din ang economy ng US of A pati mga restaurant ay naapektuhan.Maraming restaurant ang hindi puwedeng magtaas ng presyo dahil wala nang pupunta sa restaurant nila. Kaya hindi sila sa pricing tumitingin. Sa quantity sila nagfofocus. Cost cutting baga. Bawas ang kanin at ang “over rice” pero di halatado, dahil ang kanilang pinggan ay lumiit din. Ang kanilang “to go’ boxes or styro ay lumiit din. Marami munang beses akong kumain sa restaurant bago ko nahalata. Nauubos ko ang isang order at wala na akong ng “togo”.Hindi naman ako nagiging matakaw. (Sa mga nasa Pinas, ibig sabihin balot ang tira para sa aso. Heheheh)huwag ka hapunan ko na iyon, minsa baon pa sa opit. Dahil sa maliit ang pinggan,hindi mahalata na ang order ay bawas na dahil puno pa rin ang pinggan. Katulad din yang mga practice ng malalaking manufacturing companies na imbes na magtaas ng presyo, nililiitan nalang nila ang packaging. Kagaya ng lata ng gatas ng ebaporada. Dati puwede mong gawing laruang telepono. (binubutasan at pagkatapos pinagkakabit ng tali ang dalawang lata. Tapos mag-uusap ang magkalaro. Hello, hello, Ngayon sa liit nila ay puwede na lang silang cell phone na may tali pa rin. Hello, helllo, can you hear me now? Kahit noong panahon ng mga tingi, marurunong na rin ang mga negosyante sa pamamaraan upang lumaki ang kanilang tubo. Makinig tayo. Inay: O Rosa, nalagyan mo na bang mga batong maliliit ang bigas. Rosa: Opo Inay: Nalagyan mo na ba ng tubig ang suka? Rosa: Opo Inay: Binawasan mo na ba ang palito ng posporo. Rosa: Opo Inay: O halika na at magdasal na tayo. Totoo pong nangyari ito at hindi kathang isip lang. Taghiyawatin man po yong manufacturer ng facial cream ko. Ang mga tinamaan ng kulog, mas malalim pa ang puwetan ng lalagyan ng cream kaysa sa Philippine Deep. Kaya pala ilang pahid ko pa lang, kita ko na yong ilalim. The CA t
0 Comments:
Post a Comment
<< Home