Friday, February 20, 2004

TheThird

Dear Mouse, Kahit sa Estet ay may sinasabing political dynasty; katulad ng mga Adamses, Kennedys, Bushes and Tafts. Dalawa lang ang alam kong mag-ama na naging parehong presidente-- Si John Adams at ang anak niyang si John Quincy Adams at si George H.W. Bush at ang anak niyang si George W. Bush. Ang mga Roosevelts ay hindi mag-ama. Political dynasty nga kina Kennedy pero walang mag-ama o mag lolo na naging Presidente. Kung hindi siguro namatay si John, Jr., baka puwede. Sa Pilipinas ay mas marami. Mas matindi. Nandiyan si Ina, Si Ama, si Anak, Si Tiyong, si Tiyang, Si Hipag. Si bayaw, Si Bilas at kung puwede nga lang patakbuhin pati si Yaya Maria, ay gagawin nila. Ito ay dahil ang kapangyarihan any nakakalasing at ang pagiging popular ay nakakalunod ng puso sa galak na hahanap-hanapin ang pagsamba ng publiko. Kaya ngayon hindi lang yaman ang pinamamana kung hindi ang puwesto. Ang ating mga pangulo at may mga naging anak at kamag-anak na naging pulitiko at nagsilbi sa pamahalaan. 1. Emilio Aguinaldo-wala akong alam na descendant niya ang naging aktibo sa pulitika. Ang kilala ko lang Aguinaldo ay ang Misa Aguinaldo pag pasko at ang aguinaldo sa akin ng aking mga ninong. 2. Manuel Quezon- Dalawa ang maari sanang sumunod sa yapak ng dakilang pangulong Ama ng Wikang Pambansa. Si Nini Avancena at si Manuel Quezon Jr. Nguniā€™t minarapat ni Manuel, Jr. ang maging tahimik ng pribadong mamamayan . Kung siya man ay nagpakita nang pagmamalasakit sa pag-ugit ng pamahalaan ay dinaan niya ito sa pagsusulat,samantalang ang kaniyang kapatid ay naging abala sa mga pamamahayag sa kalsada. Si Manuel Quezon III ay hindi rin natuksong pumalaot sa pulitika. Ngunit ano man ang maririnig sa pangulo ng bansa ay nanggaling sa kaniyang panitik. Ano kayang isinusulat niya para sa talumpati, Tagalog kaya o English ? Kung si Manuel Quezon ang ama ng Wikang Pambansa, ang anak niya kayang si Manuel, Jr. ang apo, si theTHIRD ba ang apo sa tuhod ? 3. Jose P.Laurel, Sr. Tatlong anak niya ay kilala sa pulitika,si Dating Bise-Presidente Salvador Laurel, Speaker Jose Laurel,Jr. at dating Senador Sotero Laurel. Ngayon yata ang alam kong Laurel na nasa pulitika ay si Ate Vi at ang kaniyang asawang Senador. 4. Sergio Osmena Anak niya si Sergio Osmena, Jr. na nakalaban ni Marcos sa halalang pag- kapangulo, kung kailan ay di ko alam. Apo niya kung ganoon si Sergio Osmena III. Ano niya si Senador John Renner Osmena at si Minnie Osmena, ang nakasabunutan ni Dewi Sukarno ? 4. Manuel Roxas Ang mga anak niya ay si Gerardo Roxas na naging Senador at si Ruby Roxas na kilala sa alta sosyedad. Kung may theThird, mayroong Junior ? 5. Elpidio Quirino Nag-iisang anak ang nabuhay pagkatapos ng digmaan. Si Vicki Quirino Hidalgo. 6. Ramon Magsaysay Paborito ng aking mader dahil pinadalhan siya ng retrato ng pamilya nang siya ay sumulat sa Malacanan.Noong bata pa siya,mahilig siyangmagsusulat. Di niya akalaing papansinin ang kaniyang sulat.Pinagmalaki niya sa mga kapitbahay. Umiyak daw siya nang namatay si Pangulong Magsaysay. Si Ramon Magsaysay Jr. ay Senador na. Pero wala akong alam na Ramon Magsaysay the 3rd dahil ang mga anak niya ay walang may pangalang Ramon. 7.Diosdado MacapagaL Hindi ang Junior niya ang naging Pangulo kung hindi ang kaniyang anak na babae. Si Gloria. Ang isa niyang anak na si Cielo ay naging Gobernador ng Pampanga. Ang kaniyang apo na si Mikee ay hindi lang artista kung hindi pulitiko rin. 8.Ferdinand Marcos Si Imee ay Senador at si Jr.ay Gobernador ba o Congressman ? Hindi na kailangan ang botohan. Kanila naman ang Ilocos. Pero si Imelda,umiyak man siya ay hindi siya magiging Presidente. 9. Joseph Estrada Si Jinggoy ay tatakbong Senador. Manalo kaya ? Ayaw na kasi ni JV bitiwan yong pagkamayor ng San Juan. Away ng magkapatid sa Ama. Si Loi, senadora.Buti na lang hindi lumaban si Guia o kaya si Laarni o kaya si ___ At si ____ at si _______ at si_________. Si Guy nga lumaban sa Bicol. Talo naman. Pag manalo kaya si Poe, may the Third kaya ? Bakit ko sinulat itongtungkol sa mga henerasyon? Dahil nasa link ko Si Manuel Quezon the Third. Magandang basahin. May mapupulot kayo. Ako gusto ko ring mamulot. Pera nga lang. The CA t

0 Comments:

Post a Comment

<< Home