KUWENTONG ELEBEYTOR
Dear Mouse, Unang kuwento: Nasa Indonesia ako noon. Pumasok ako sa elebeytor ng isang hotel. Suot ko ang isang batik na blusang pinatahi ko mula sa telang ineregalo sa akin ng isang kaibigan. Nakataas pa ang aking noo nang may nakangiting pumasok na mag-inang Indonesian. May hawak na throw pillow yong bata. Ang tela ng pillow ay kapareho ng suot ko. Ngumiti sila. Hindi ko naintindihan ang kanilang pinag-uusapan pero alam ko ako yon. Parang gusto kong agawin ang throw pillow at ako ay mahiga sa loob ng elebeytor. Ikalawang Kuwento May elebeytor sa istasyon ng teren paakyat sa itaas. Papasok ako nang humahagibis na pumasok ang isang Pinay rin na para bang maiiwan siya ng huling biyahe ng teren. Mainit ang aking ulo pero nagtimpi ako. Tumayo pa siya sa gitna na kaya nakasiksik kaming kasama niya. Parang gusto ko siyng tapilukin pag labas niya sa elebeytor. Sabi ng aking anghel na nakasuot ng may glitter sa kaniyang ulo…”Bad CA t”. Bigla siyang natapilok. Hindi ko kasalanan yon ha. Kinagabihan, dinagdagan ko yong dasal kong Our Father. Ikatlong Kuwento Pumasok ako sa elebeytor paakyat sa ikapitong palapag. Nainitan ako na parang hindi makahinga. Wala namang usok. Pero hindi ko gusto ang naramdaman ko. Sabi nila mayroon daw akong sixth sense. Pusa kasi eh. Pagdating ko sa aking desk ay nagpaalam muna ko sa aking kasamahan na bibili lang ng kape. Pero nagkape na ako sa bahay. Ang haba ng pila sa Starbucks. Isang kanto rin ang layo nito sa building naming. Habang nakapila ay may dumaang Firetruck. Pabalik na ako sa building naming nang makita kong maraming tao sa labas. Pati mga kasama ko ay nandoon sa baba. Isa ay dala ang aking bag. Yon palang lagay na yon ay may fire alarm na sa eight floor. Dito sa Estet, limang minuto lang mayroon ng fire truck. May nagbibirthday. Pumasok ang usok ng maraming birthday candles sa alarm na nakakabit sa Fire Department. Kasi naman pag liyebo 4 na times 10 na lang sana ang kandila. Ikaapat na Kuwento Nag-iisa ako sa elebeytor sa isang bangko. May pumasok na isang napakalaking lalaking Itim. Nakapasok ang kaniyang mga kamay sa bulsa ng kaniyang jacket. Naimagine ko na baka may hawak siyang baril o kaya patalim o kaya bomba. Imahinasyon ko talaga, kapapanood ng LAW and Order. Bigla niyang inilabas ang isang kamay at ako ay napaigtad. Akala ko, susuntukin ako. Bigla akong yuko. Yon pala, nakalimutan niyang i-push kong sang floor siya. Hindi naman ako napahiya. Kunwari, pinunasan ko ang aking sapatos. hehehe The CA t
0 Comments:
Post a Comment
<< Home