Bakit kanyo?
Dear mouse,
At last nakita ko na ang mga political ads. Napag-isip-isip ko, kailan man hindi ako puwedeng maging presidente.
Bakit kanyo?
1. Hindi ako sumasayaw sa harap ng publiko. Sumasayaw lang ako sa madilim na may umiikot na ilaw sa taas at siksikan kaya walang nakakita kung ang kaliwa kong paa ay nakikipag-away sa aking kanan.
2. Hindi ako makakanta sa publiko. Pinakamaraming tao na kumanta ako ay sa birthday ng aking kaibigan. Noong yong may balitang kudeta sa Pinas. Yon yong lumapit sa aking yong isang taong anak ng aking kaibigan at inilapat ang kaniyang kamay sa aking dibdib na para bang nagsasabing TAHAN NA. Magandang bata. Lumaki-lakilang siya, makukutusan ko na.
3. Hindi ako marunong umarte ng walang internalization muna. Kahit na siguro isipin ko ang budget deficit na haharapin ko pag ako naging presidente, hindi ako magkakaroon ng mukhang nakakaawa. Sa isang ad, merong parte na ang kandidato ay nakatalikod at biglang haharap. Pag sa akin ang nangyari yon, baka pagharap ko duling ako o kaya nakangising biglang magsasabi ng Bulaga. baka ibato sa aking ang camera ng director.
4. Wala akong mga kaibigang artista na ang " salitang respetado ay para sa isang taong maraming asawa at anak na nasa komedya na kung hindi sasapukin o mananapok ay hindi nakakatawa.
5. Wala akong mga singers na nakakuha ng trabahong umawit para sa political ads. Buhay na naman sila.
6. hindi ako puwedeng humawak ng bola ng basketball sa harap ng mga kabataan. Bakit marunong ba ako ng basketball?
7. Hindi mo rin ako mapapasuot ng jacket na maong. Sa init sa Pilipinas. Ano sila nahihibang? Kahit na siguro maikli ang aking mga braso. Ooops
8. Biniyayaan ako ng mata na akala mo laging nakangiti kaya hindi ako puwedeng lumabas sa TV na akala mo nakakaawa o kaya kailangan ng mga reminders na bawal ang nakasimangot dito.
9. Pag isinama mo ako sa komedyante, baka magkaroon kami ng instant stand up comedy na nakaupo.
10. Isa hindi ako pangit(sabi ng nanay ko) at malago ang buhok.
11. Pag isinama mo ako sa matatanda, tatawagin nila akong walang respeto. Niregaluhan akong remote controlled farting machine. Iba't ibang volume, iba't ibang sound. hehehe
Noong bata pa ako slim ang mader ko. Ineekseryas ko siya palagi pagtakbo. Hinahabol niya ako pag narealize niya na hindi naman totoong " dumi" ang nasa bagong linis na garahe.
May hinangaan lang akong isa sa admaker...si Jun Urbano. Tama ang sinabi niya. trabaho lang yong paggawa niya ng political ad. Hindi ibig sabihin naniniwala siya sa kandidato. May gusto niya ang role niya na Mr. SHoli (am not sure about this) na nasasabi niya ang katotohanan sa pamamagitan ng pagpapatawa.Ang hindi matawa,pikon.
Gusto kong magdagdag. Ang di matawa, bungi.
The CA t
0 Comments:
Post a Comment
<< Home