Title and title
Dear Mouse, Sa mga nagtatanong bakit daw nagkukuwento ako ng aking mga nakaraan. Isa para sundin ang isa sa mga payo na para hindi kaagad maging ulyanin, kailangan eexercise ang utak sa pamamagitan ng pag-aalala ng mga nakaraan. Ikalawa, para magbigay ng ideya sa mga bagong graduate o nagsisimula pa lamang sa pagtahak ng landas sa labas ng pagkakakulong sa iskuwela na ang puwedeng natutuhan ay kaiba sa tunay na karanasan. Tuloy ang tsismis tungkol sa aking pinagdaanan. Sa mga mahilig ng may title na nakakabit sa kanilang pangalan, iyong title sa aming propesyon, sa huli ng pangalan ikinakabit. Ang abugado, puwedeng tawaging attorney---sa Estet, counsellor ang tawag, ang doktor ay puwedeng tawaging pato...ehek..Doc....ang inhinyero ay tinatawag na engineer..kami hindi, not unless sasabihin mo ang pangalan mo at kakabitan mo ng title. *Ahem* Cathy Black (black cat)?.?.?. at your service. Sabi ng iba ang trabaho hindi grasya na nahuhulog mula sa langit, kailangan hanapin. Pero sa akin, ang pagiging hepe ng isang opisina pagkatapos kung pumasa sa Bored ay malaking swerte at disgrasya. Mahirap magkaroon ng responsibilidad sa murang edad. Unang leksiyon. May tawag sa akin para interview sa isang posisyon. Tatlo ang nag-interview, kasama ang hepeng babae. Tanggap. Nagpaalam ako sa opit. Masama ang loob ng aking Big boss. Ni ayaw niya akong tingnan. Para bang ang sabi niya, maganda pa naman ang mga pangarap ko saiyo. Sabi ni secret admirer, kung siya raw ang dahilan ng aking pag-alis, ay hihintuan na niya ang kahibangan niya. Buti alam niyang kahibangan iyon. Isumbong ko kaya siya sa girl friend niya. Pero iba ang dahilan. Nasa edad siguro ako na gusto ko kaagad umakyat sa hagdan. Malaking challenge sa akin ang bagong trabaho. Nationwide ang operasyon kaya madalas ang paglalakbay. Wala pang tatlong buwan ay nagpaalam ang aming hepe. May sakit siya at kailangan niya ang matagal na pagpapahinga. Ako ang inirekomenda niyang pumalit. Kaya pala itinuro niya sa akin ang lahat. Hindi lahat pero lahat ng nalalaman niya. Akala ko nakagaanan lang niya ako ng loob. Pero, subalit, datapwat, bago lang ako doon. Paano na naman ang mga dating uunahan ko sa promosyon. Sabi niya, tanggap na ng Bise Presidente ang kaniyang rekomendasyon. Sabi niya, ako lang ang may titulo. Ang iba ay hindi qualified. Ang iba ayaw nang matuto, samantalang ako ay handang matuto. Hindi ko pa alam noon ang human behavior organization pero alam kong baku -bako ang landas na susuungin ko sa pagiging hepe kung saan ang kaalaman ay ikinakabit nila sa edad. Pagkaupo ko sa aking swivel chair, nag-isip ako. At saka pinaikot ko ang silya. Wehhhhhhhhhhh, sarap. The CA t
0 Comments:
Post a Comment
<< Home