A name is a name-Malaki/pinalalaki
Dear Mouse,
Malaki ang problema ng isang
mamang intsik bago siya nakapag-asawa.Tinatakbuhan
siya ng mga babae niyang kadate. Ang pangalan niya kasi
sa Hokkien ay nangangahulugan ng final product ng mga
spammer na pinalalaki ang karampot na nasa gitna ng
hita ng lalaki.Ngayon ay may asawa na siya. Isang
hindi nakakaintindi kong anong ibig sabihin ng
kaniyang pangalan.
Sa Pilipinas ay may nabasa akong nakalathala sa diyaryo na nagpapalit ng apelyido. Kailangan nilang ilathala sa malawakang pahayagan bago inaaprubahan ng korte.Ang kaniyang apleyido... Bagong Gahasa.
Ang apelyido namin ay hindi apelyido ng aming ninuno. Ang aking lolo ay wanted ng mga Hapon noong giyera kaya pinalitan niya ang kumbinasyon ng apelyido na ang tunog ay pangalan ng babae. Hindi lang nila naloko ang Hapon, nananalo rin kami sa pustahan na wala silang makikitang apelyido sa phone directory. Pag may nakita kaming kaapelyido ay tiyak kamag-anak namin.
Still on names: Nag-iisip pa rin ako ng pangalang puwede kong gamitin kung magdesisyon akong palitan ang aking kasalukuyang pangalan.
Mula sa radiant: ito daw dapat ang pangalan ko.
Parang ayaw ko siya. Pag binilisan mo ng tawag ay parang ALIS-A? Saka hindi ako ambisyosa.Ambisyosa ba yong gustong makapaglibot sa buong mundo? Tigilan ninyo ako.
Isa pa, pramis.
Nakarinig na ba kayo ng apelyidong Lagingtulog? Kung hindi pa, marahil nasagasaan o nahulog na sa diyep. Lagi kasing tulog. Korniko.
The CA t
3 Comments:
Hi Cat,
Reading this entry, I just remembered a funny story. Sana bago pa sa yo to. (at hindi corny)there was this guy na nababahuan sa pangalan niyang Pedro Ut-ot. Finally, nang hindi na niya ma-take ang kanyang pangalan, nag-file siya ng change of name sa korte. Tumagal ito ng kung ilang taon (ganyan talaga ang mga kaso, tanong mo kay sassy).
Anyway, nang mapapalitan na, tinanong siya ng judge: "Ano ba ang gusto mong pangalan?"
Dumbfounded, kasi di siya makapaniwalang matutupad na rin ang kanyang pangarap, ang nasabi niya, "Any American sounding name, your honor."
The judge granted his wish after a week. He received the decision. He is now "Pete Ut-ot"
Add kita sa links ko, pwede?
rolly
okay rolly, huwag mo lang akong bibigtiin.
baket nga kasi may mga tagalog na apelyedong ganyan? May classmate ako nung gradeschool na tinatawag na Maghubad kasi apelyedo nya Magdamit.
Hirap nyan, Cat, kung Bagong Gahasa ang apelyedo tapos Virginia ang pangalan, hehehe. ~~~Inasky Asusky
Post a Comment
<< Home