Wednesday, May 26, 2004

Ties that kill

Dear Mouse,

Nagwarning si Dr. Emer tungkol sa kanilang mga kurbata na maaring pumatay sa pasyente hindi dahil ito ay gagamitin sa pansakal ng makukulit na pasyente, pantali sa mga matitigas na ulo at panghagupit sa mga nag-aamok kung hindi dahil sa mikrobyong kumakapit dito habang ang doctor ay nanggagamot ng mga pasyente.

Absent ako ngayon. Kailangan kong pumunta sa ospital para sa isa pang lab test.Dapat kalahating araw, pero matigas ang ulo ni Pusa kaya kailangang maghintay ako para tiyakin nila na susundin ko ang kanilang sinabi.

Siguro kung lalaki yong labtech at may suot na kurbata, baka, nasakal na ako.

Ilang beses akong chineck up kung puwede na at sa bawa't pasok ko sa maliit na examination room, bagong tuwalya at bagong sapin sa examination table ang ibinibigay sa akin. Sa loob ng bathroom ay tiningnan ko kung anong gimik sa gripo at sa paper towel. Noong una kong biyahe kasi sa labas ng ibang bansa at pers time akong nakagamit ng sensor activated flushing system na toilet, ang tagal kong hinanap kung anong pipindutin para iflush ang toilet. Nang wala akong makitang buton, ay binuksan ko ang pinto ng cubicle para tingnan kong may ibang tao sa toilet. Kung wala, pwede na sigurong umiskapo dahil baka maiwanan ako ng eruplen. Pagtalikod ko biglang nagflush. Dininig ang aking dasal kahit sa loob ng comfort room. Aleluya. Ginalaw ko ulit ang pinto, nag flush ulit. Ulit...Tinaas ko ang aking kamay...Whoooo.

Ang gripo sa bathroom ng hospital ay sensor- activated din, kasi biruin mo namang mikrobyo yong mahahawakan mo pagsara ng gripo pagkatapos maghugas.

Sensor activated din ang paper towel dispenser. Ilang beses kung ginamit. Puwede kayang maiuwi?

May locker kung saan puwedeng ilagay ang damit para magpalit ng hospital gown. Sa dating ospital, binibigyan ang pasyente ng isang plastic bag kung saan puwedeng ilagay ang mga damit na binihisan. Pag ito ay may nagkamaling makabitbit, uuwi kang nakahospital gown na bukas ang likod at kita ang iyong puwet.

First class ang facilities, mahal din ang bayad ng medical insurance.Kaya kailangang magkasakit para mabawi? Achoooo....mabisa pa rin sa aking ang kalamansi at asin para sa sore throat.

The CA t

3 Comments:

At 11:28 AM, Blogger Dr. Emer said...

Tama ka, Cath. Walang tatalo sa calamansi at asin pag me sore throat. Kahit nga asin at tubig lang, eh ayos din.

Opo kapag 1st class ang facilities, binabawi sa medical insurance. Madami din kabalbalan sa health care industry, Cath. Kulang ang comment box mo, kung ikkwento ko.

Nga pala, lagi mo bang iniisip si manolo Q III pag nag-b-blog ka? Mangyari kasi, nung knklik ko ang link mo dapat sa akin (Dr.Emer) dito sa post mo na ito, eh sa weblog ni MLQ3 ako napupunta. Uuuy. Anu yan? Freudian slip or mouse slip? Nagtatanong lamang po...

 
At 11:31 AM, Blogger Dr. Emer said...

Nga pala, if you want to have a real view of doctors' tie collections, go to this link:

http://www.iawareables.com/shopping/tiedisplay.htm

Copy and paste to your address box and click the GO button. Makikita mo ang sari-saring pathogens. An American doctor weblogger posted that link in my comment box in reaction to the "tie post."

 
At 3:00 PM, Anonymous Anonymous said...

Sus,ginoo,bakit nga naman sa antenna ni the Third ko ito naikabit. Pasensiya ka na Doc, hindi ko yata suot yong largabista ko.Hindi Freudian slip yan, half-a slip lang ako siguro. tehehehehehe

The CA t

 

Post a Comment

<< Home