World peace
Dear Mouse,
May nag-eemail sa akin at nagtatanong bakit daw
wala akong opinion tungkol sa nangyayari sa Iraq.
Ang masasabi ko lang ay:
1. Tagahanga ako ni Sandra Bullock sa Miss
Congeniality nang sinasabi niya ang WORLD
PISS PEACE.
2. Isang tao lang yong nakitang naging biktima ng paghihiganti.
Limangdaang libo ang namatay sa Samar, (Balangiga Massacre)Pilipinas nang gumanti si General Jake Smith sa pagkamatay ng 54 na Amerikanong Sundalo.
Isandaang taon na ang nakakaraan. Walang pagbabago ang giyera, maliban siguro sa internet na puwedeng magpakita ng kalagiman.
Ang giyera ay hindi lang pangcontrol. Ito rin ay isang negosyo. Naririnig ninyo ba na buhay na magmuli ang mga pagawaan ng mga armas.
Naririnig ba ninyo ang hindi magkamayaw na mga negos yante upang mag-unahan sa pagbuo muli ng bayang sinira.
Kapangyarihan at Kayamanan. Yan ang dalawang K na nagmomotiba sa isang bansa upang giyerahin ang isang bansa.
Sino ang bida at sinong kontrabida? Kung sino ang mas maraming nailalathala sa media siguro.
The CAt
3 Comments:
Akala ko kaya hindi ka kumikibo tungkol sa Iraq ay dahil naniniwala kang tama si Bush at ang mga neo-cons. Katanga ko. Pareho pala tayo ng tingin sa giyera mula nuong kopong-kopong pa. Natatawa na lang nga ako sa mga history books na nagsasabing ang pagdating ng mga Kastila sa Pinas ay dahil sa misyon na maikalat ang Kristiyanismo. Nakakatawang nakakaiyak. Pwe!
C,
Ano ka...Hindi ako tagahanga ni B.ama at anak. Pero seryosong usapan kasi ang tungkol diyan. Sino ba naman ang maniniwala sa akin naseryoso nga ako.
The CA t
Tama ka, maski noon naman negosyo na ang totoong dahilan ng gyera. Kanya-kanyang interes lamang yan, walang pakialam kung sino at ilan ang mamamatay.
Post a Comment
<< Home