Tuesday, May 25, 2004

Filipinos bag Intel int'l

Dear Mouse,
Nakakatuwa sila. Tatalino. Ito ay ang mga batang Filipinong nananalo sa Intel Science and Engineering Fair sa Oregon,USA.

1. Joy Anne L. Aquino of E. Rodriguez Junior High School won first place in the awards given by the American Veterinary Medical Association for the project "Biologically-Guided Isolation of the Antimicrobial Component on the Sea-Snake Laticauda Colubrina Schieder Venom."

Ano raw? Tinamaan ng kidlat, pati ba naman yong walang kamalay-malay na ahas-dagat ay kanilang pinakialaman para lang makuha ang kanilang kamandag. Tindi talaga ng kamandag ninyo, mga bata.

2.MSHS won third place in the Grand Award and 1,000 dollars for the project "Development of a Chemically Modified Carbon Paste Electrode from Green Mussels (Perna viridis) for the Analysis of Lead (II) through Voltammetry."

Ano raw? Kahaba ng title. Gawin nating simple.

The MSHS team, composed of Alan Ray Gonzalez,Maria Katrina Rivera, and Ann Margarette Velesquez,engaged in the development of an electrode from green mussels, locally known as "tahong." The electrode can detect the presence of lead in bodies of water.

Ahhhh. Magandang imbensiyon. Siguro dapat gamitin yan sa ating karagatan. Marami sa ating mga pulitiko ang mga twisted ang logic dahil siguro sa lead poisoning ng mga isdang nakakain nila.

3.QSHS, on the other hand, won the fourth place and 500 dollars in the Grand Award for the project "Simple, Rapid, and Inexpensive Dissolved Oxygen Determination of Wastewater Samples Using the Tube Bioluminescence Extinction Method of Vibrio Fischeri USTCMS."

Bakit ba ang hihilig nila sa mahahabang titulo?

Results of the QSHS project, presented by students Trina Napasindayao, Melanie Melchor, and Jayson Reggie Obos, will have practical purposes in the development of wastewater treatment processes
.

Ito ang nararapat produce commercially at itapon sa Pasig River. Kung puwede palanguyin ang mga pulitiko para pati sila malinis.

Ahem,

Noon ang aking mga kapatid ay nasa MSHS at PSHS, maingat kami sa mga nasa refrigerator. Baka mamaya may sawang ipinasok sila sa loob. Minsan ay may natapakan akong isang pirasong plywood. Sigaw sa akin. Sa project pala nila yon sa competition. Nanalo sila ng gold medal at saka yong print ng aking tsinelas doon sa prototype.(Simple lang magyabang ano).

The CA t

3 Comments:

At 8:03 PM, Anonymous Anonymous said...

Nabibilib ako sa mga taong magagaling sa Science. Ako noong huling araw ko sa Chemistry class na talaga namang isinusumpa kong isinama pa sa General Educ courses, halos mapasigaw ako sa tuwa at malaya na ako sa wakas. ~Inasky Asusky

 
At 9:45 PM, Anonymous Anonymous said...

kainis talaga itong comment box ko. pati ako anonymous.
sus ginoo.

Alam mo asus, huwag kang babanggit ng chemistry, trigonometry at iba pang science subjects,utang na loob, lagi akong may diarhhea pagpasok sa mga subjects na yan.

 
At 7:31 PM, Anonymous Anonymous said...

Ewan ko ba sa mga Science-oriented nerd-looking wizards na yan, eh pati ba naman AHAS at TAHONG at BIOLUMINESCENT ORGANISMS of the world ang pinag-eexperimentuhan para lang makapunta ng America!!!

Bakit di na lang sila manood ng ANIME o kaya mag-mall kasi mas masaya yun? Hindi yung lagi na lang silang nasa BLOODY-LABORATORY na panay nag-hohomogenize at nag-bleblend ng SAMPLES? Bakit sa halip na maglaro sila ng playstation eh nagpupunta sila sa PHILIPPINE NUCLEAR RESEARCH INSTITUTE aka PNRI o kaya naman RITM? Ewan ko basta alam ko pangarap na nila yun! Gusto lang nilang i-prove ang sarili nila bilang young scientist.

Hi! Ganda ng website mo. I like the way you write, hindi nakababagot at ang saya-saya!

Ako nga pala si Alan Ray Gonzales from Manila Science High School! Hehehe...Kaya alam ko lahat ng tungkol sa mga projects...hehehe...

 

Post a Comment

<< Home