Dear Mouse,
Crystal ball ko ba, o ang aking mata ?
Sabi ko ay si Degarmo, mananalo, pero natalo siya
kay Fantasia. Sumablay ang kaniyang boses sa bandang
huli.
Kahit naman si Simon Cowell ay sablay din ang
kanyang prediction. Ayaw niya sa Fantasia noong
una dahil ginagamit niya ang kaniyang anak para
makakuha ng sympathy.
Universal phenomenon yata ang pagkukuha ng
sympathy nang tao sa pamamagitan ng paggamit ng
mga bagay o pangyayari na nagpapakitang dapat
damayan o kaawaan ang nangangailangan.
1. Inamin ni Pia na malaki ang naitulong sa kaniya
ng ama niyang namatay na ang buhay ay isinadula
isang Linggo bago ang halalan.
2. Ang walang kamuwang-muwang na si Loi Ejercito
ay naging senadora, hindi lang marahil dahil kay
Erap kung hindi dahil siya ay naaping tunay na
asawa.
3. Ang walang eksperyensiya sa pulitikang si Cory
ay nahalal hindi dahil sa kaniyang katangian kung
hindi dahil sa kanyang asawang si Ninoy.
4. Si Sonia Gandhi ay nahalal dahil sa pangalan
niyang Gandhi at bilang asawa ng pinatay na
Prime Minister.
5. Si Princess Diana ay minahal ng publiko
kahit siya ay nabalitang nagkaroon ng mga kalaguyo
dahil sa mata ng tao siya ay isang prinsesang
niloko ng prinsipe.
6. Nabasa ko sa isang libro na sa pangangampanya
ni Imelda Marcos,ang kaniyang pangkuha ng simpatiya
sa mga botante ay ang kasinungalingang iiwanan siya
ng pangulo pag hindi ito nanalo. Kasama ang luhang
pumapatak, nakuha naman niya ang puso ng mga
Pilipinong nagpaloko.
May kasabihan nga na:
The world has no sympathy with any but positive
griefs ;it will pity you for what you lose and not
for what you lack.
Yan ba rin ang sinasabing people just love underdogs.
Businessmen love undercauts.
The CA t
0 Comments:
Post a Comment
<< Home