PS to Patricia's speech-Pinangarap ko ring maging blonde
Dear Mouse,
Gusto ko ang sabihin na ang spits ni Patricia
ay unang na-ipublish ni Ate Sienna sa kaniyang
pansitan noong Bayernes. Nakita ko lang kahapon
nang ako'y magutom at naghanap ng makakain
tapos tumambay kay Jet at nakitanaw ng kaniyang
Sunset na may mga posteng nakasalabid sa background.
Saan mo ba kinunan yan ?Palagay ko na sa balkonahe
ka. Wala si Sassy, dumalaw doon sa bagong
panganak na young mader, si Armina.Si Asusnaman ay matimtimang nakikinig sa
" eskapeyds"ng dalawang Puti.
Yan kasing aking kaibigan nag-email ay alam na mahilig ako sa mga balitang nakakataas ng aking noo bilang Pilipino.
Isa pa, alam niya na naging pangarap ko rin noong bata pa ako na maging blonde at blue eyed at akala ko pag nag-asawa ako ng Puti ay by osmosis ay mag-iiba ang aking kulay. Naive kasi ako. Naiiva sa katangahan. Nang makarating ako sa Estet at mapasyal sa Berkeley marami akong nakitang Puting babae na may iba-ibang kulay ang buhok. Kung siguro hindi ko muna iniwanan sa Pilipinas ang aking kataangahan, (meron pang natitira), disin sana ay naisip ko na baka ang asawa noong babae na may iba't ibang kulay ang buhok kagaya ng berde, purpol, pink at yellow ay isang tandang kung hindi naman ay peacock.
Minsan ay nakatuwaan kong magbleach ng buhok. Kasi may nakita akong isang babae na para siya yong villain na Batman, kalahating buhok ay Puti sa kaliwa at kalahati ay Itim sa kanan.
Ginaya ko rin.Pero ginawa kong Puti sa likod at itim ang aking bangs. Sumakay ako sa bus. May tumapik sa aking balikat mula sa aking likuran. Buti na lang siksikan.Masama akong tapikin, bigla akong sumisigaw ng whooo at nakaastang ala Matrix na itataas ko ang isa kong paa...
Ang upuan kasi sa harap ng bus ay nakalaan sa Senior.
Gentleman yong tumapik sa akin. Pinauupo ako sa upuan.Sampalin ko kaya siya. Anong akala niya sa akin...senior sixtizen na.
Kinabukasan, binago ko ang kulay ng buhok ko.
The CA t
1 Comments:
hi cathy.
si jay po ako. si jet ang manugang ng aking nanay na anak ng biyenan ko. at saka sunrise yung nasa picture, hindi sunset. kinuha ko ito sa labas ng bahay namin sa antipolo, malapit sa bahay ni sister sassy L na hindi ko alam kung nasaan. papaalis na ako pababa ng maynila nang masilayan ang napakanda't makulay na tanawin. nakuha ko tuloy ang aking camera't nagkodakan bago sumakay ng kotse. little did i know na later that day, mahuhuli ako ng pulis (for being too cute? nah!). ang mga poste sa background ay kinabit ng meralco para makanood ng telenovela si jet tuwing gabi. yung taong nasa picture ay si anna banana na siyang alalay namin sa pilipinas. nilinis niya ang kotse. hehehe... musta na lang diyan sa bayan ng mga merkano.
nagmamahal,
jet... este, jay pala.
Post a Comment
<< Home